Chapter 30: Punishment

1.7K 40 10
                                    

Hello! Alam kong matagal na noong una kong ni-post ang unang chapter ng DBL, I think May 2018 pa 'yon. Pero na on-hold ko siya kasi nawala ang romance sa katawan ko kaya nagka-writer's block ako at hindi ko siya maituluy-tuloy. 'YON NA RIN AY DAHIL SA BIGLANG MAY NAG-REPORT NG DBL SA FB KAYA SOBRANG NA-DEPRESSED AKO NA HINDI KO NA SIYA NAI-TULOY...

Pero...

Marami pa ring mga nag-aabang at kinukulit ako na ituloy ko na siya! Kaya maraming maraming salamat sa lahat ng tumulong sa'kin na maka-recover sa depresyon ko at eto na nga... Nasa ending na ng DBL! Thank you po, this is possible because of your VOTES and COMMENTS.

Sana po, kahit nagtapos na ang kwento, manatili pa rin sina Law at Arice sa mga puso ninyo!

Okay, enough talks... Enjoy the last chapter! :)


♦♦♦

Chapter 30:
Cinder.
🌹🌹🌹

Yohann Cinder III.

Si Daddy kasi, he is a JR. Kaya si little Yohann ay ang pangatlo sa pamilya namin. He is my Thirdy.

Salitan kami nina Archer at Carmel sa pag-aalaga kay Thirdy. Syempre kasi, may school sina Archer at Carmel sa Yale University na gaya ng dati... at ako, full-time mother pa rin.

Nasa picnic kami ngayon sa isang park, para naman daw maarawan si Thirdy. Wala eh, masyadong mapilit si Carmel. Buti pa siya, sadyang napaka-masayahin.

"Mimi... Mi-mi..." Tinuturuan ni Carmel magsalita si baby Thirdy. Pero humahalakhak lang ang bata sa kanya. Natatawa tuloy ako.

"Tawang tawa sa'yo si Thirdy, Pie! Congrats! Hahaha!" bulalas naman ni Archer.

"Malamang, 'di ba baby? Achuchuchu... Kasi 'di ba? Maganda si Mimi, 'di ba?" Kinikiliti na niya ang bata.

Umihi lang kasi ako sa malapit na CR pero nadatnan ko na silang ganito. Kung hindi ko lang sila kilala, iisipin kong isang buong pamilya sila. Si Carmel ang nanay, si Archer ang tatay.

"Sige na baby! Mimi... Mi-mi! Tawagin mo na akong Mimi!"

Hindi pa naman nakakapag-salita si Thirdy pero noong unang araw pa lang niya sa mundo, ini-insist na ni Carmel sa sanggol na tawagin siyang Mimi.

"Hindi Thirdy. Tawag mo diyan ay Ma-maw! Mamaw ang itawag mo ha?"

Sinipat-sipat ni Carmel ang braso ni Archer.

"At ito naman Thirdy, Bakulaw... Bakulaw tawag mo dito ha?"

"Thirdy, ngayon pa lang sinasabi ko na sa'yo. Huwag kang maniniwala sa Mamaw mo ha? Pogi itawag mo sa'kin."

"Pogi raw?"

"Ano? Angal ka pa?"

Nagkatitigan sila. Kung hindi ko lang talaga sila kilala, iisipin kong mga matatandang couple ang dalawang iyan.

Carmel clearly has something for Archer. But Archer... Well, hindi naman niya ako matatagalan kung wala siyang nararamdaman sa'kin. He confessed to me, noon pa. Pero wala naman siyang sinasabi ever since siya nag-alaga sa'kin.

Isa pa, mabait lang talaga siya para irespeto ang nararamdaman ko over their family. Lahat ng Escala ay kinasusuklaman ko. Alam 'yon ni Archer. Pero nasanay na rin ako na palagi siyang nandiyan. Medyo nabawasan din naman ang galit ko sa kanya dahil sa pagdating ni Carmel.

Archer and Carmel are childhood friends, but they have their own story to tell, at hindi ko alam kung anong kalalabasan ng kwento nila.

Naalimpungatan ako nang mapansin ako ni Archer. Nginitian niya ako, kaya naman lumapit na ako sa kanila. Parang akong naging fourth wheel sa paglapit ko.

Dominated by Law [Escala Empire #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon