Chapter 22: Waiting

1.1K 36 6
                                    

Chapter 22
Waiting.
❌❌❌





Humalindusay sa sahig si Law, duguan, naka-pikit ang mga mata, hindi gumagalaw... hindi humihinga...

Dahil naka-tagilid siya ay doon ko na nakita ang tama ng bala sa kanyang malapit sa tiyan. Walang tigil na dumadaloy ang dugo! Paano nangyaring naka-abot siya hanggang ngayon?...

Wala na akong narinig sa aking paligid. Halos nabingi ako sa lakas ng pintig ng puso ko!

"Law?", garalgal ang tonong lumabas sa aking boses. "Law?", malumanay ko pa ring tawag. Tila nasa gitna ako ng bagyo, kung saan kalmado ang lahat... sa gitna ng ipo-ipo, kung saan hindi ako matatangay ng hangin... sa gitna ng mundo at impyerno, kung saan hindi pa ako sunog pero napapaso na ako... ng bagyo, ng hangin, ng apoy...

"Law please, d-don't scare me, please. Natatakot na ako. Bumangon ka diyan, please.", walang hagulgol, pero halos maubusan ako ng luha at boses. "Bumangon ka riyan, sige na please. Please please please please. Nagmamaka-awa ako, please...", binubulong ko na lang ang bawat kataga. Naririnig pa ba niya ako? Kailangan ko bang sumigaw?

"Law!", tuluyan kong pagsigaw. Napa-pikit ako. "Please, someone! Mom, Dad, hindi naman siya ang pumatay sa inyo eh. Please Mommy, Daddy! Mahal na mahal ko po siya... Hindi ko na kayang mawalan Mom, Dad... Mommy!...", humagulgol ako na tila nawawalan na ng hininga, "Law, akala ko ba pakakasalan mo pa ako? Sabi mo 'yon 'di ba? Paano ako magiging Escala kung hindi mo ako pakakasalan ha? Kaya bumangon ka diyan at huwag mo akong takutin. Please. Nagmamaka-awa ako. Please.", paulit-ulit kong pagmaka-awa kahit wala akong natatanggap na sagot. "Law please... don't! Don't do this to me! Alam kong may kasalanan ako sa'yo, pero ang unfair naman. Hindi naman kita sinaktan nang ganito 'di ba?"

Hindi ko inalintana ang kaguluhan sa paligid, dahil mukhang may mga palitan ng putukan ng baril na nagaganap. Wala akong pake-alam. Hindi natanggal ang tingin ko kay Lawrence. Pakiramdam ko, mawawala siya anumang oras at baka maka-ligtaan ko kapag saglit akong titingin sa iba. Wala akong pake-alam sa digmaan sa paligid. I don't have enough room in my brain to be concerned of myself. My mind is consumed of the fact that Law may leave me. Napa-iling-iling ako sa naisip. "Huwag mo akong iwan Law please, naiintindihan mo?!", pagalit ko nang bulalas sa kanya.

Nang may kung sinong biglang kumilatis sa katawan ni Law... nagsu-sumigaw akong huwag nila siyang hawakan. Lahat ng nakikita ko ay mga kalaban. Lahat ng lalaking lumalapit sa aming dalawa ay tila mga kamatayan na aagawin na si Law mula sa'kin. Tinanggal nila ang pagkaka-tali sa akin. Wala sa sarili akong kumaripas ng takbo upang makarating kay Law. Humahagulgol akong niyakap ang kanyang ulo. "Hindi mo ako iiwan Law. Hindi mo ako iiwan...", walang tigil kong hikbi. Hanggang sa hinila ako ng isang lalaki, binuhat nila si Law... nagpupumiglas akong nagmamaka-awang huwag siyang ilayo sa'kin...

Hindi ko na alam kung anong sunod na nangyari...






❎❎❎🔫






Nagising akong kumikirot sa sakit ang ulo. Hindi ko maramdaman ang aking katawan. Namanhid ata ako? Kahit na pakiramdam ko ay parang nakadagan sa'kin ang buong bigat ng lupa.

Sumulyap ako sa paligid at nasilaw ako. Sobrang maputi! Nasa langit na ba ako?

"Mom? Dad?", sila ang una kong hinanap. Pero boses ko lang din ang sumagot, umugong ito sa buong silid.

Nasulayapan ko ang IV fluid na naka-sabit, at naka-tusok sa'kin. Pinilit kong bumangon kaya naman umikot ang aking paningin. Nahilo ako.

Dominated by Law [Escala Empire #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon