Chapter 23: Revelation

1.2K 28 5
                                    

Chapter 23
Revelation.
❌❌❌




Naalimpungatan ako mula pagka-sandal ng aking ulo sa gilid ng higaan. May humagod sa aking likod. Paglingon ko ay humihikbi rin si Kaizer na gaya ko. Nakatuon ang kanyang tingin sa walang malay na si Law.

Niyakap ko siya sa kanyang baywang habang naka-upo pa rin ako. Sunod niyang hinaplos ang aking ulo.

"Bakit ka umiiyak?", aking tanong.

"Hindi ko alam. Ikaw kasi eh!", at lalo pa siyang humagulgol.

"Baliw ka talaga kahit kailan!", naiinis kong reklamo.

Isang beses na lumalim ang kanyang paghinga, "Bestfriends kasi kami ni Rence eh!"

"Parang hindi naman."

"Ako dapat ang nasa kalagayan niya ngayon. Ako dapat iyan!"

Humiwalay na ako sa kanya at pinunas ang aking luha, "Bakit?", nagtatakang tanong ko.

Matagal na sumagot si Kaizer. Pareho kaming nakatingin kay Law.

"Dumaan kami dati sa maraming pagsubok.", umpisa niya nang tumahan siya.

"Pagsubok?"

"Binigay iyon ng mga lolo at lola namin. Sa aming tatlo. Si Rence, ako, at si Avril. May pagka-komplikado ang pamilya namin kaya ito na lang muna ang ipapaliwanag ko..."

Tumango-tango lang ako at nagpatuloy makinig. Hindi ko na winari kung bakit sa unang pagkakataon ay gusto niyang mag-kwento sa'kin. Marahil ay para na rin hindi kami mabagot sa kakahintay kay Law na magising.

"Binigyan nila kami ng pagsasanay para sa isang posisyon.", malamyos niyang umpisa. "Ang siyang mananalo ay ang magpapatuloy sa posisyon ng pagiging pinuno sa underground trading at black market. Ang pamilya ni Rence ay pamilya ng mga assassin. Kaya naman inasahan na nila na siya ang mananalo..."

Napapa-kunot noo na lang ako kapag may mga bagay na hindi ko lubusang naintindihan sa mga sinasabi niya. Wala rin lang naman akong lakas ng loob para magtanong. Basta hinayaan ko na lang siyang magsalita.

"I was just six years old then. Rence and Avril were seven.", he paused momentarily. "Wala silang sinabi sa amin kung para saan ang mga pagsubok na iyon. Upang patas. Upang walang makapag-handa. Iba't ibang kasanayan ang ibinato nila sa amin. IQ and EQ tests, physical tests, and a lot more. Pero dahil matalino si Rence, nalaman niya ang pakay ng mga pagsasanay na iyon. Sinubukan niyang pababain ang kanyang marka dahil inamin niya sa akin pagkalaunan na ayaw niyang maging Assassin. Kaming dalawa ni Avril ang natira. Mas mataas ang nakuha kong marka kaysa sa kanya, kaya ako ang pinadala nila sa isa pang mas matinding hamon..."

Tumingin ako sa kanya dahil sa kanyang biglang pananahimik. Nakapikit na siya at nanginginig na pala. Pati ang kanyang balahibo ay nagsisi-tayuan. Tila may inaalala siya!

"Hindi mo na kailangang sabihin Kaizer.", nag-aalalang tukoy ko. Dumadaloy ang kanyang mga luha. Ang isang kagaya niyang walang ibang ginawa kundi inisin ako ay nasa harapan ko ngayon na umiiyak. I feel so sorry for him.

"It was nightmare!", pagmulat niya ay ngumiti siyang mapakla. Natatakot ang kanyang mga matang tumitig sa akin. "Kinailangan kong saksakin ang isang kapwa ko bata para lang mailigtas si Mommy.", dere-deretso ngunit nanginginig ang boses niyang saad.

Napanganga na lang ako sa narinig!

"I couldn't do it. I just can't kill anyone!", his voice is filled with remorse. He pressed his fingers in between his eyes. Umiigting ang kanyang panga. He looks really helpless! Tila ang kanyang kinu-kwento ay kanina lang nangyari. Lumapit na ako sa kanya at niyakap muli. Nanginginig ang kanyang katawan.

Dominated by Law [Escala Empire #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon