Chapter 8: Possessive

2.2K 32 5
                                    

Warning: SPG
Chapter 8
Possessive.
❌❌❌


Nagising ako sa Black room, dito sa pinili kong kwarto para sa sarili ko. Ugh, hindi ako dito nakatulog kanina. Alam ko doon sa isang kwarto... doon sa kung saan namin ginawa ang kababalaghan. Iba pa doon sa kwarto ni Law na tinawag kong White room. Doon kasi sa kwartong iyon, nag-iiba iba ang kulay ng mga dingding at kisame, pati iyong kama. Noong unang beses kaming nag-sex ni Lawrence, puti ang kulay ng kwartong iyon, na parang kaming nasa ulap. Kagabi naman ay parang nasa isang space kami. Madaming mga kumikislap na mga bitwin. Parang kaming nasa Planetarium.. iyon nga lang ay mas makatotohanan ang disenyo ng kalangitan sa kwartong iyon.

Siguro dahil dito sa palasyo ni Lawrence, hindi na ako magtataka kung magiging Architect man ako balang araw. STEM pa man din ang strand ko. May kinalaman ba iyon? Ewan.

Magaan ang pakiramdam ko dahil sa sex na ginawa namin kagabi ni Lawrence. Hindi nga lang kami nagkatabi. Pansin ko, ayaw niya marahil na may katabi kapag natutulog. Oh well, walang kaso sa'kin iyon. Mas gusto ko rin namang walang katabi kapag natutulog. Sanay na ako.

Nagtungo ako doon sa Vampire room, at nakita kong naglalatag ng mga pagkain ang isa, dalawa... lima! Limang mga Maid! Bakit ngayon ko lang sila nahuli?

Doon sila nanggagaling sa may pader na ngayon ay lagusan na at kapag sarado ay parang malaking chimney ang disenyo niyon! Hindi nila ako pinansin na pumasok doon at nakarating ako sa isang factory! Biro lang. Kusina. May mga lalaking cook/chef at abala sila na nagluluto. Para silang mga nagtatrabaho sa isang five-star na restaurant! At umuusok usok pa ang paligid! Seryoso?

"Ah Ma'am, ano pong ginagawa niyo dito?", pagpansin sa wakas sa'kin ng isang Maid.

"Wala. Parang isang Prinsipe ang ina-handaan ninyo ng almusal ah?", sagot ko habang nakalibot pa rin ang mga mata ko sa paligid. May naaninag akong isang malaking ref! Madami sigurong naka-imbak na pagkain doon? O 'di naman kaya ay naka-imbak na dugo ng tao dahil sigurado na akong Prinsipe ng mga Bampira ang demonyong iyon!

"Ah, isang hari po ang ina-handaan namin ng almusal, Ma'am. At syempre, sa inyo rin po, na isang reyna.", narinig ko pang sabi niya pero dagli akong nagtungo sa refrigerator at binuksan iyon! Nawala na ang pagkalam ng sikmura ko nang makitang mga pagkain, prutas, at mga gulay ang nandoon. Hindi dugo, Arice! Hindi. Okey. Ekis na ang hypothesis kong isang Bampira si Lawrence!

Nakahinga na ako nang malalim at hinarap ko na ang Maid. At... mukhang dalaga pa siya. Para siyang isang animé character na lumabas mula sa isang sikat na series! Masyado siyang cute! Kabaligtaran ko. Ako kasi, kaparehas ko ang Black room. Puro itim lang ang paligid ko. Pero itong dalagitang ito ay sobrang maaliwalas na nakangiti sa'kin at parang bang pinapalibutan siya ng bahaghari! Tinaasan ko na lang siya ng kilay. Ewan.

"May sinasabi ka?", tanong ko.

"Isang hari at reyna po ang ina-handaan namin ng almusal.", maalumanay niyang sabi at hindi natatanggal ang ngiti sa pisngi niya. Iniinsulto ba niya ako? Nakaka-ewan iyang bahaghari sa paligid niya e! Hindi ako naka-drugs!

Nagkibit balikat ako. "Hari at reyna?"

"Upo!", masigla ulit niyang tukoy.

Wala talaga akong pake-alam sa mga pinagsasabi niya pero pakiramdam ko kasi kailangan kong sungitan ang isang ito. Para naman mabawasan kahit papanu iyang kulay sa paligid!

"Ang saya mo ano? Masaya bang maging Maid?", mataray kong tanong ulit sa kanya.

"Masaya pong pagsilbihan si Master Lawrence!", nakangiti niyang sagot at lalo pang nagliwanag ang paligid! Ghad, nasisilaw ako!

Dominated by Law [Escala Empire #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon