Chapter 24: Loved

1.2K 34 3
                                    

Warning: SPG
Chapter 24
Loved.
❌❌❌





Nakatulog si Law matapos niyang sunud-sunod na binigkas ang mga sa tingin ko ay matagal nang bumabagabag sa kanyang kaisipan. Hindi ko iyon ininda. Lubos kong hindi maintindihan ang bawat kanyang salita. Hindi ko rin alam kung ano ba dapat maramdaman ko.

Maliban sa saya na gumising na siya ay nag-u-umapaw pa rin ang sigurado akong sobrang lalim na pagmamahal ko sa kanya. Tanga ko na! Pero wala na akong pake-alam.

Ang katunayan ay hindi ko na masyadong ikinalu-lungkot ang pagkamatay ng mga magulang ko. Unti-unti ko na itong natatanggap. Parang ayo'ko na ring hanapin ang sangkot sa kanilang pagkamatay. Mom and Dad would want me to stop, I guess. They would want me to be happy for the rest of my life. Tingin ko ay iyon naman ang hihilingin nila para sa akin.

I found my future with Law...

I'd risk it all. Isusugal ko ang hustisya sa pagkamatay ng mga magulang ko, makuha lang siya habang buhay. Maging akin lang siya sa pinaka-matagal na panahong posible. Ganoon ko siya kamahal.

Hinintay ko siyang gumaling. Tinulungan ko siya sa bawat oras. Dinadalaw pa rin naman kami nina Kaizer at Archer. Napupuno ng tawanan at bangayan kapag narito sila. May mga maid din na tinulungan ako. Sila ang nagdadala ng pagkain para kay Law. Dumalaw din ang ilang mga tauhan ni Lawrence. Nag-aalala rin sila para sa kanya. Napansin kong pamilya ang turing nila sa kanilang Master. Sila ang nagligtas sa amin noong nadakip kami ni Law.

May mga ranggo sila sa Association. Si Law ang leader, pero may mga co-leader pa. Kaya sila ang gumawa ng paraan para mailigtas kami. Lahat ng tauhan ni Law sa buong parte ng Pilipinas ay nagka-gulo. Kahit pa iyong ibang nasa kabilang bansa. Paliwanag sa akin ito ni Calyx noong minsang dumalaw siya.

Nakapagpa-galing na rin si Calyx. Mas nauna siyang gumaling kaysa kay Law. Magmula noong gumaling siya ay halos araw-araw din siya sa tabi ng kanyang Master. Siya na rin minsan ang nagha-hatid sundo sa mga Maid.

Nakatulala lang si Law sa may bintana nang madatnan ko siya. Naka-upo siya sa wheelchair, at tila may malalim na iniisip. Kagagaling ko lang ng kusina para iligpit ang mga pinag-kainan. Ang private room kasi na ito ay parang isang bahay na kompleto sa kagamitan. Maliban na lang, walang panluto ganoon.

Pinagmasdan ko lang siya sa kanyang likod. May sinag ng araw na sumisilip mula sa bintana at parang bang napaka-mapayapa ng mundo dahil sa aking nakikita. May mga bulaklak pa kasi roon sa gilid na nagsasayaw habang nahihipan ng maaliwalas na hangin. Naisip ko bigla kapag matatanda na kami. Ganito pa rin ba ako kasaya na pinagmamasdan lamg siya kapag maputi na ang aming buhok?

Oo. Agad na buong sagot ng aking utak. Sigurado iyon.

Parehas ang sigaw nito. Utak at puso. Buong kaluluwa ko siyang minamahal. Ni hindi ko alam kung bakit...

Nilapitan ko siya at ginulat ng isang halik sa pisngi. Nangiti siya sa'kin. Gigilid lang sana ako sa kanyang tabi pero dagli niyang hinatak ako sa baywang at nahulog ako sa kanyang kandungan. Pinulupot ko ang braso sa kanyang leeg habang mariin kaming nagtitigan.

"I love you Law.", buong puso kong bulong tsaka ko siya hinalikan sa labi. Nahihingal akong humiwalay sabay pinagdikit ang aming noo.

"You don't know how much I love you too.", bulong niya.

Hindi ko napigilang maluha. Pinagmasdan ko ang buo niyang mukha. Tama ba ang narinig ko? Nasabi na niya ang matagal ko nang hinihiling na sabihin din sa akin? Para itong isang panaginip!

"Am I dreaming again?", hindi makapaniwalang singhal ko.

Hinatak niya ang aking batok para halikan ako sa labi. Nanginginig ako sa sobrang hindi ko maipaliwanag na pagkahalu-halo ng aking damdamin.

Dominated by Law [Escala Empire #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon