Chapter 27
Yearn
❎❎❎"Talaga bang sa Yale University na kayo mag-aaral? Sa Connecticut iyon ah! Sa United States of America! Sa malayo iyon! Sa New England! Hindi Pilipinas iyon!", paulit-ulit na bulalas ni Kaizer na kanina pa nagre-reklamo kay Law.
Andito kami ngayon sa may Café kung saan madalas kaming tumambay para lang kumain. Well, kaming dalawa lang kadalasan ni Archer sa totoo lang ang tumatambay dito at hindi ko alam ang sumagi sa isipan ni Law at andito rin siya. Si Kaizer naman, err... Ewan sa kanya.
Paano ba kasi nalaman ni Kaizer ang plano namin ni Law? Tingin ko ay isa siyang spy.
"Huwag mo naman akong iwan, please? Dito ka na lang. Wala ka pang isang taon dito tapos aalis ka na? Agad agad?"
Hindi ko na siya pinansin na gaya ng hindi pagpansin ni Law. Naka-upong pikit na lang siya sa may couch. Parang tulog.
"Nga naman Arice. Hindi na ba kayo mapipigilan?", tanong bigla ni Archer na nasa tabi ko na pala. Kanina lang ay naglalaro siya ng darts.
Bumuntong hininga ako. "Yeah, napag-usapan na namin.", nginisian ko siya, "Gusto mo bang sumama?"
Ngumiti lang siya at tumitig, "Sa inyong dalawa? Magiging pambansang third wheel ako?"
I just shrugged.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Law para lumuwas kami ng US. Tingin ko ay may malaki siyang binabalak. Parte ng lahat ng kanyang plano.
Umuwi kami ni Law nang matapos ang klase namin. As usual, pina-ayos na lang niya ang mga ka-kailanganing mga papeles sa ibang tao. Ang tawag ata roon ay secretary o butler o maid ba? Basta sa iba niya iyon pina-ayos para wala na kaming problema.
Isang maleta lang ang dala ko. Konting mga damit at mga gamit lang ang laman. Magsho-shopping naman daw kami doon. Kaya hindi na kailangan ng madaming mga bagahe. May private plane din siya para iyon ang aming gamitin. Oh 'di ba? Medyo sosyalin. Minsan talaga nagugulat pa rin ako sa kung gaano kayaman si Law.
Inayos ko sa huling beses ang aking mga gamit. At nang maalala ko, wala akong dalang mga pictures nina Mommy at Daddy. At gusto ko rin sanang dalhin iyong... Shit! Nasa mansyon namin iyong teddy bear ko. Iyon ang huling bigay ni Dad na teddy bear sa akin. Gusto kong kuhanin sana iyon.
Nagmadali akong nagtungo sa kwarto ni Law at iyon ang kaagad kong sinalubong sa kanya. Kumunot noo lang siya. "We can buy as many teddy bears as you want when we're there."
"Law, bigay sa'kin iyon ni Dad. It's different."
"How can it be different?"
"Law naman eh! May sentimental value iyon. It's priceless. Please?"
"You know we can't go there."
"May mga butlers ka naman 'di ba? Let someone get it."
"Alam ba nila ang itsura niyon? Hahalughugin ang buong mansyon?"
Nga naman. Nasa basement ang teddy bear na iyon kasama ang ilan pang mga laruan ko noong bata. Si Anty Petunia kasi! Kapag may nakita lang siya na hawak kong laruan, imbes na maglinis at magluto ako sa buong mansyon, susunugin niya. Bilang na rin parusa niya sa akin at gustung-gusto niya lang talaga akong pinapahirapan. Tingin ko, tinago ko iyon. Mahihirapan nga ang kung sino lang na maghanap doon.
"Law please? Please..."
"No. Get your things and we're going."
"I need to have that. Please. Hindi ko alam kung kailan pa ako makakabalik sa mansyon. And..."
![](https://img.wattpad.com/cover/146173747-288-k557135.jpg)
BINABASA MO ANG
Dominated by Law [Escala Empire #1]
Ficción GeneralWARNING: SPG | A thrilling combination of sex, slavery, and savage murders | - - - Simula nang mamatay ang mga magulang ni Beatrice Hale Cinder ay naging miserable na ang kanyang buhay, kaya naman isinumpa niya nang buong puot ang mga may sangkot sa...