Chapter 25
Date.
❎❎❎Kung dati ay sa may spare bed ng hospital ako natutulog, ngayon ay magkatabi na kami ni Law. Yakap niya ako at yakap ko siya. Walang kahit anong saplot. Tanging ang kumot ang bumabalot sa aming hubod hubad na mga katawan.
Ito ang unang pagkakataong nagtabi kaming matulog buong gabi. Ramdam ko ang pintig ng kanyang puso, umuugong ang ritmo nito sa buo kong pagkatao. Isinisigaw nitong mahal niya ako. Isinubsob ko pa ang aking mukha sa kanyang dibdib, tila ang paulit-ulit naming pagiging isa sa katawan at galaw kanina ay hindi pa sapat. Kailangan ko pa siyang lumapit sa'kin. Kailangan pa niyang higpitan ang yakap sa'kin. Katabi ko na siya pero nagsusumamo pa rin ako sa kanya. Hindi ko maipaliwanag kung gaano kalalim ang aking damdamin para sa kanya.
"I love you.", umiiyak na naman ako.
Pero umiiyak ako sa sobrang saya.
Ayo'ko nang sumapit ang araw.
Idinampi niya ang labi sa aking noo, "I love you too."
Umiling ako, "Hindi mo yata alam kung gaano kita kamahal.", natawa akong onti, "Mas mahal pa kita kaysa sa sarili ko."
Hindi na sumagot si Law at natahimik kaming pareho. Hinihintay naming makatulog ang isa sa amin. Ayo'kong matulog. Baka makaligtaan ko ang bawat oras naming dalawa.
"Law...", umpisa ko, matagal ko na itong iniisip, pero bawat pagkakataong mayroon ako ay hindi ko masabi-sabi. Nahihiya ako.
"Ano iyon?", malumanay niyang tanong.
"Mmm...", I hesitated for a moment, bumuntong hininga ako, "Pwede bang... tawagin kitang... babe?"
Natawa siya bigla na lalong ikina-init nitong mukha ko, gusto ko na sanang bawiin na lang.
"Tinatawanan mo naman ako eh.", pagtatampo ko sabay lalo kong isinubsob ang mukha ko sa kanya.
"Why is my baby so cute? Parang nananaginip ako.", tawa niya pa rin.
Hindi ko na lang siya sinagot. Pakiramdam ko iniinsulto niya ako.
"Parang kailan lang noong ang sungit mo..."
"Excuse me?", agad kong pag-angal sabay angat ng aking tingin sa kanya, "Hindi ako masungit ah."
Dumeretso ang labi niya sa dulo ng aking ilong tapos, "You were so stubborn, remember?", tinitigan niya ako.
"Stubborn? Hindi naman.", I pouted.
"Hindi mo maalala kung ilang beses mo akong sinuway? I said I am your Master, and you were always saying no. Pinag-pi-pilitan mong ikaw ang Master. Stubborn girl, you are babe. And now? You're just too cute.", tsaka niya ako siniil ng halik.
"I'm not.", pilit ko pa rin sa pagitan ng kanyang paghalik. Kumurbada ang kanyang mga labi na naramdaman mismo ng aking mga labi, kaya naman alam kong nangingiti siya habang nakahalik. I love it.
Pagmulat ko ng mga mata ay nakapatong na naman siya sa'kin habang nakatitig, nangungusap ang kanyang mga mata sa kabila ng kanyang pananahimik. Tila naubusan siya ng mga salita, at ako rin. Hindi na namin kailangan ng mga salita para iparating ang aming damdamin sa isa't isa. Simpleng pagtitig niya lang ay alam ko na. No one will ever look at me this way but him. And I can never look at someone else this intense.
Maliit ako sa kanyang malapad na katawan, sakto lang ang pagitan ng kanyang mga daliri para sa aking mga daliri, parehas kami ng pintig sa dibdib, pero hindi pa sapat. Hindi pa sapat ang bawat oras na pinagsaluhan namin. Kailangan ko pa ng mas madaming oras, mas madaming araw at gabi, mas madaming buwan at taon. Para lang makasama ko siya.
BINABASA MO ANG
Dominated by Law [Escala Empire #1]
Narrativa generaleWARNING: SPG | A thrilling combination of sex, slavery, and savage murders | - - - Simula nang mamatay ang mga magulang ni Beatrice Hale Cinder ay naging miserable na ang kanyang buhay, kaya naman isinumpa niya nang buong puot ang mga may sangkot sa...