Chapter 29: Sin

775 20 1
                                    

Chapter 29:
Sin.
🌹🌹🌹


Naalimpungatan ako mula sa isang napaka-samang bangungot. Pero nagising ako sa mas masama pa palang bangungot.

I fucking fell in love with my parent's murderer. Ha-ha-ha! Nakakatawa!

Nasa hospital ako. Dinala ako ni Law dito. Bawat paglipas ng oras ay hinihiling ko na lang na sana mamatay na ako. Tatlong araw na.

Hindi ko pa nakita si Law, pero nakwento lang sa'kin ng doktor na nasa labas lang palagi ng room ang lalaking nagdala sa'kin dito. Well, sino pa ba? Kundi ang demonyong iyon.

"Wag na 'wag niyo siyang papa-pasukin," payo ko sa doktor. Isang Pilipino pero US citizen. Halata naman ang kanyang accent kapag kinaka-usap ako.

"Naiintindihan ko. Kailangan mong magpalakas. Lalong lalo na at..."

"At ano? Bakit ka natigil?"

Mayroong hindi sinasabi sa'kin ang doktor. Naramdaman ko na iyon noong unang beses ko siyang maka-usap.

"Bakit hindi mo sabihin? Sabihin mo!"

"You have clinical depression, Miss Cinder. I think knowing your situation will only worsen your case. Nasabi ko na rin ito kay Sir Es---"

"Don't... you dare mention his name."

"I'm sorry. But eventually, kailangan mo ring malaman."

"Pinagloloko mo ba ako, ha? Mas nauna pang nalaman ng lalaking iyon ang kalagayan ko kaysa sa'kin? Walang karapatan ang lalaking iyon!" Agad akong nagpupunas ng aking mga luha dahil hindi ko sila kayang pigilan. Kusa na lang sila na tumutulo. Parang mga uninvited guests.

Hindi nakasagot ang doctor.

"Sabihin mo na!"

"Not now, kailangan mo munang huminahon. Babalikan kita." At tumalikod na siya.

Damn fucking shit!

Hindi ko napigilang umiyak nang umiyak nang umiyak. Hanggang sa nakatulog muli ako.

Ganito lang ang naging takbo ng mga sumunod pang araw. Hindi ko alam. Wala na akong alam. Ayo'ko nang mabuhay!

Paulit-ulit din akong nasusuka. Nahihilo ako. Nanghihina. At lahat ng ito, dahil kay Law. Sana talaga pinatay na lang niya ako.

Mas mabilis naman kasi iyon. Kung pinatay niya ako, kung sinama niya ako sa mga magulang ko, edi sana mabilis na niyang nakuha ang mga kayamanan ko! Edi sana, hindi na nila kinailangan pang maglaro ng chess.

I'm the KING? Gago pala siya eh... Kaya pala I'm the fucking KING sa laro niya! Kasi kung wala ako, hindi naman sila makakapag-laro! Kung wala ako, talo siya! Kung namatay ako, talo siya!

I'm just one of his chess pieces!

Mahal niya ako? Fuck! Sinong tao ang nasa matinong pag-iisip ang saktan ako ng ganito? Mahal? Pag-ibig? Love? Alam ba niya ang mga salitang iyon? Kung mahal niya ako, edi sana una pa lang nasabi na niya sa'kin.

Kung alam kong siya ang pumatay sa mga magulang ko, sa kanya ko tinutok ang baril. Una pa lang, sa kanya ko dapat tinutok ang baril.

Tama...

'Yon ang gagawin ko.

Tumakas ako ng hospital.

Bumalik ako ng penthouse, hinanap ko ang baril ni Law sa kanyang mga gamit.

Agad ko naman itong nahanap. Hintayin ko na lang na dumating dito si Law...

And I will... Kill him. Like how I'm supposed to do.

Dominated by Law [Escala Empire #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon