Chapter 8

1.1K 33 0
                                    

Weia's POV

Grabe! Ang bilis ng araw! Well, pasukan na namin ngayon!

Grabeng kaba ang nararamdaman ko ngayon. Haha. Pero magkasabay naman kami ni Nami, e.

Syempre sya nag-insist, e. Edi pumayag na ko. Haha, diko din naman alam dito. Tsaka para di na ako mag-commute.

Nag-aayos nako ngayon. Sabi kasi ni Hanami, kailangan ko daw mag-ayos dahil saksakan ng judgemental ang mga tao dun.

Pero di ako nag-aayos ng may mga makeup sa mukha ah? Naka pulbo lang ako. Haha. Tsaka tinali kolang buhok ko into braid. Hehe, favorite ko ang braid e.

Yung uniform pala dito ay okay lang naman. Mas gusto ko dahil comfortable naman.

Anyways, ayos na ko. Kinuha ko na yung bag ko tsaka lumabas na. Ayaw kong baguhin yung sarili ko pag nasa school.

Hinihintay kona lang dito sa harap ng unit nya si Nami. Nagtext sya kanina malapit na daw sya matapos. Pero, tsk. Ilang minutes na siguro akong naghihintay dito.

Nako, ka-ek ekan nun. Haha.

Ayan, buti naman at nagbukas na pintuan nya! Nako nako.

"Ay wow, Nami! Buti't naisipan mo pang lumabas jan ano? Dat ininform mo kong sampung taon muna ang dadaan bago ka lumabas ng lungga mo," Sarkastiko kong sabi sa kanya.

Naiinis ang lola nyo e. Haha.

"Tsk, ikaw talaga! Ang konti pa din ng pasensya mo! Ang daldal mo, umagang umaga e! Halika na nga!" Sagot nya naman sabay hinila yung kamay ko.

Yung totoo? Dapat sinabihan mo kong kaladkadan pala ang gusto mo! Haynako. Hayaan na nga!

Dumiretso na kami sa kotse at ang bilis ng patakbo nya.

"O-Oy! N-Nami! Wala pa kong balak mamatay ha! Hinay hinay lang sa pagmamaneho! Jusko ka! Papatayin mo yata ako, e!" Reklamo ko.

"Sorry, teh. Gusto kong matawa sa epic face mo pero kailangan ko ng bilisan dahil 5 mins nalang ay late na tayo! Huhu!" Sagot nya naman.

Tiningnan ko yung time sa kotse nya.

Waaaaaaaah?! 6:55am naaaa! 7:00am ang start! Di pa naman kami magkaklase! Huhuhu.

Mas lalo pa nyang binilisan pagpapatakbo nya. Huhu. Gabayan nyo kami Lord.

"Waaaaaaaaah?!" Napapasigaw nalang ako. Huhu. Kelangan na talaga namin magmadali.

Haaaays! Andito na kami. Pagkababa namin....

"Wei, we dont have any choice. We have to do this. Super late na tayo e..." Sabi nya sakin.

Ano daw? Anong 'we have to do this?'

"Ha? Ano? Di kita gets-----WAAAAAAAAAAAAAAAH?!" Napasigaw ako dahil bigla nya kong hinila at tumakbo kami ng super bilis!

"HANAAAAMIIIIII! WAAAAAAAAAH?!" Sigaw ko habang natakbo. Ang laki naman kasi ng school na 'to!!!!

Grabeng pinagdaanan ko ngayon!

Halaaaa! Napabitaw ako kay Nami dahil magkahiwalay kami ng klase. Pero tumatakbo pa din ako. Kailangan kasi, e.

Takboooo. Takbooooo. Takbooooooooooooo-----

*BOOOOOGSHHH*

Ouch! Sakit ng pwet ko!
T_____T

Huhu, tumilapon ako dun ah? Sino namang poncio pilatong katawang-bato ang bumangga saken? Ampayat payat ko na nga oh!

Di bale na nga. Ako na magso-sorry. Pinagpag ko muna damit ko tapos pag tingala ko. Huhu, naging halimaw na ata 'to. Grabe! Ansama ng tingin ni Kuya!

"S-SORRY K-KUYA! D-DI KO P-PO KASE KAYO NAKITA KAYA P-PO NABANGGA KO K-KAYO. NAGMAMADALI NA P-PO KA-KASE AK-AKO." Putol putol pa yan dahil sobrang hingal ko kakatakbo. Putek, bat ba kase magkaiba kami ng course ni Hanami. Huhu.

"Are you stupid?! Why are you running like you're the craziest woman that i've ever seen. Tsk. Go away from me, you ugly......." Di nya naman na tinuloy yung sasabihin nya dahil tiningnan nya ko ng parang nandidiri. Leche to, ah?

"Nag sorry na naman ako, Kuya! Tumatakbo lang, crazy na? Hmp! Bahala kana nga jan, basta late na ko. Bye," Pagkasabi ko ay tatakbo na sana ako ng mabilis. Paalis na sana ako ng...

Nakita ko syang nag-grin face saken. Huhu.

"Okay, fine. Aalis ka ngayon, pero humanda ka sakin mamaya. I'm watching you...." Sabay hablot nung ID ko.

"---Weneia." Pahabol nya at naglakad na paalis. Ako naman, ito. Stuck. Pero, bahala na. Late na talaga ako. Baket, sino ba sya, ha!

Inay, uwi na ko jan!!!!!!

Umalis na din ako dun. Dahil super duper late na talaga ako!

Tumakbo na ulit ako sa room ko at pagtingin ko sarado na yung pinto. Lagot! It means, naguumpisa na sila! I'm deads!

T_____T

Grabe namang kamalasan 'tong araw na to! Sana makalimutan ako nung nagbanta saking lalaki kanina. Huhu, bata pa po ako!

Pagbukas ko..... Hmm! Yes! Buti nalang nagi-introduce pa sila! Yey! Nakaligtas ako dun! Hahahaha.

Umupo na ko sa pinaka likod at di na lang sila pinansin. Dahil wala din naman akong makikilala sa mga yan dahil walang papansin sakin.

Nakayuko lang ako. Ayaw ko sila tingnan. Hahaha.

W-Wait? Introduce yourself ito. So, ibig sabihin?????/?? Magpapakilala din ako?! No waaaay!!!!

Ayaw ko! Pero, no choice, Weia! Wag kang pa-arte jan! Ampanget panget mo naman.

Wao, okay ako na mapanlait sa sarili ko. Wahahahahaha.

"Miss, at the back? Please introduce yourself. If i know, ikaw yung exchange student from davao diba?" Tanong nung professor namin.

At napansin kong, ansasama ng tingin sakin ng mga classmates ko. Anong ginawa ko sa mga 'to? Haaaay

Tumayo naman ako. Hays.

"A-Ah, opo. Uhm. I'm Weneia Mendoza. I-Im exchange student, from D-Davao," Hoooooh! Natapos din!

Bigla naman silang nagtawanan. Luh? Anyare? Hahaha. Umupo nalang ako. Tsk.

At yun, nagsimula na yung lesson ng Prof. Pero, parang lumilipad utak ko dahil dun sa lalaki kaninang pinagbantaan ako. Hays. Di na ako makikilala nun. Kaya wag kana mag-alala, Weia!

Yah! Tama! Makakalimutan na ko nun! Hehe.

Ang Probinsyana'ng Babae Meets Mr.WHAT?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon