Kaila's POV
So ayon, pagkatapos magbangayan nila Denise at Bea ay dumiretso na 'ko sa kwarto.
Nagbihis lang ako ng simpleng shorts tsaka tshirt tapos lumabas na 'ko.
"Oh, tapos kana pala. Kai, pwedeng favor?" tanong ni Denise.
"Ano yon?" ako.
"Pwede ba'ng pahiram din kami ng pang-bahay mong damit? Kasi look, naka-dress kaming dalawa ni Bea. Si Nicole and Naira naman naka-jeans kaya okay lang. Pwede ba? Please?" sabi ni Denise.
"Oo nga. Pretty please, Kai?" ani Bea with puppy eyes pa. Hahaha.
"Okay lang naman. Tara sa kwarto, kayo nalang yung pumili ng gusto nyo. Kaso yung iba don galing pang probinsya." sagot ko.
"No prob, Kai. Its okay with us. Thanks Kai. Mwaaah!" sabi ni Denise.
Ngumiti nalang ako tapos dumiretso na kami sa kwarto.
Tinuro ko sa kanila yung cabinet ko. Tapos hinayaan kona lang silang pumili.
"Hm. I like your roooom! Very refreshing." saad ni Denise.
"Yan kana naman sa mga comments mo! Tsk. Hays, basta ako, NO COMMENT!" sagot ni Bea habang nagtitingin ng pwede niyang isuot.
"Ano na naman ba 'yon Bea?! Bat kelangan mo pang sabihing 'No Comment?' edi sana nanahimik kana lang! Epal talaga." sabi ni Denise sabay irap kay Bea.
"Luh nukajan te? Ano na-----"
"Uhm. May napili na kayo?" singit ko baka kasi di na sila matapos sa pagbabangayan.
"Ay. Sorry Kai. Oo pwede na sakin 'to. Sige magbibihis lang ako." sabi ni Bea tapos dumiretso sa banyo.
"Okay na din sakin 'to. Thanks Kai." sabi din ni Denise.
"Okay lang." sagot ko ng nakangiti.
---------------------------------------------
Nakabalik na kami dito sa condo ni Joreezel.
"Grabe mga ineng! Inabot kayo ng mahigit isang oras! Magbibihis lang! Jusko naman!!!" inis na sambit ni Nicole.
"Ano na naman ba 'yon Nicole? Epal ka talaga. Masyado kang Highblood! Sakalin ko muka mo jan." sagot ni Denise.
"Sige nga gawin mo nga!" sabi ni Nicole tapos nilapit yung mukha nya kay Denise.
"Joke lang! Hehe, 'to naman." naka-peace-sign na sabi ni Denise.
Inirapan lang sya ni Nicole.
"Eh bakit nga ba ang tatagal nyo?" sabat ni Joreezel.
"Nag-away pa kasi silang dalawa tapos pumili ng damit ko. Hihiram daw sila." sagot ko.
"Kayo talagang dalawa!" saad ni Naira.
"Uh. Girls? Kung di nyo maitatanong, Andito pa kami oh! Pwede bang makisabat?" sabi ni Franz.
"A-Ay! Ene be yeng sesebehen me Frenz?" di maintindihang sabi ni Bea.
Nagtatakang napalingon kami sa kanya.
"A-Ah. *E-Ehem* I mean, anong sasabihin mo?" pagtatama ni Bea.
"Itatanong ko lang kung may CD ka'ba dito Jowi? Movie marathon nalang tayo." sabi nya ng walang emosyon. Grabe talaga 'tong lalaking 'to. Walang emosyon magsalita. Kahit ata saksakin mo, di aaray yan e.
Hm. Tsaka teka. Movie Marathon pala tawag don! Jusko, kung anu-ano pa mga pinantawag ko don.
"Agreeee. And we bought some snacks naman diba?" sabi ni Cyruz.
BINABASA MO ANG
Ang Probinsyana'ng Babae Meets Mr.WHAT?!
Teen FictionIsang Probinsyanang Babae na mapapadpad sa Maynila upang makapag-aral at maiahon ang kanyang Nanay sa Hirap. Pero ano kayang mangyayri kung bigla nyang makatagpo si Mr. Wait... WHAT?! Ps. Hope you like it po. So, if you are Curious about this Stor...