Chapter 16

995 32 0
                                    

Kaila's POV

Andito lang ako sa Unit ko. Wala kaming pasok ngayon.

Pupunta nalang siguro ako kila Frienny? Diko na din kasi sya nakaka-bonding e.

Naka-shorts at Naka-sando lang akong lumabas sa Unit ko. Pumunta nako sa may pinto ni Frienny at binuksan na yung Unit nya.

Meron kaming Duplicate Keys sa isa't-isa e. Hehe.

Naabutan ko si Frienny na parang nagluluto?

"Frienny? Ano yan?" -biglaan kong tanong.

"AAAAAAHHHH!!" -gulay nyang sigaw. Napatakip naman agad ako sa Tenga ko. Aray ko naman.

"Aray frienny! Ang sakit sa Tenga ah!" -sabi ko habang nakahawak sa dalawang tenga ko.

"Aynako frienyy! Ikaw lang pala yan! Ginagaya mo kasi ako e! Wag ka ngang manggulat! Nagco-Concentrate ako! Sssshhh" -saad nya at bumalik na naman sa ginagawa nya.

"Frienny? Ano ba kase yang ginagawa mo?" -ako.

"Haler frienny? Didn't you see? Im cooking" -sagot nya.

"Cooking? Anong niluluto mo? At para kanino naman yan, aber?" -sabi ko.

"Adobong Baboy. And for my Babe" -sagot nya.

"Sus. For my babe, for my babe kapa dyan. Hahaha. Patikim nga" -sabi ko at lumapit sa may gawi nya.

Kumuha ako ng kutsarita at kumuha ng konting sabaw.

"Hmmm~. Wow frienny! Ang sarap ha? Improve kana. Haha. Dati kasi sa Probinsya simpleng itlog lang di mo pa ma-prito. Hahaha" -sabi ko.

"Syempre naman frienny! Made with Love yan! Atsaka mga bata pa tayo nun no! Past is past!" -sagot naman nya at nilagay sa tupperware.

"Pano mo ibibigay yan sa kanya? Papaliparin mo? Ganun?" -sabi ko.

"Ay shunga lang frienny? Edi dadalhin ko sa kanila, pinapapunta nya din ako dun e" -sya.

"Ah. Ganun ba? Sayang wala pa naman akong magawa dito. Hays" -saad ko na may konting tampo.

"Ay si Frienny, tampururuut. Haha. Alam ko naaaaaaa!" -sagot nya at ngumiti ng malaki na parang may lumabas na malaking Light Bulb sa gilid ng Utak nya. Hahaha.

"Ano na naman yan frienny?" -sabi ko.

"Sasama ka sakin! Kaya tara naaaa! Hahahaha" -sabi nya at bigla nalang akong hinila palabas.

Di agad ako nakapag-react. Nabalik lang ako sa huwisyo nung nasa Elevator na kami.

"FRIENNY!! DIMO BA NAKIKITA TONG SUOT KO? NAKA-SHORTS AT SANDO LANG AKO FRIENYY!!! AARRGGHHH" -inis kong sigaw. Wala namang tao dito sa Elevator kaya pwede akong magwala. Haha.

"Sorry na Frienny! Na-excite lang e. Okay na yang suot mo! Medyo malapit lang naman yun dito e" -sabi nya with pout pa.

"Ikaw talagang babae kaaaa!! Aarrgghhh" -inis kong sambit pero nakababa na pala itong elevator.

Lumabas na kami at dumiretso sa Kotse nya.

Maya-maya lang andito na kami sa Bahay nila Aldrich.

At ang masasabi ko lang sa Bahay---este Mansyon nila? Isang malaking W-O-W!

Grabe! Parang Palasyo! Wow!

"Frienny yung laway mo tutulo na. Haha" -pambabasag ni Frienny.

"Tse!" -sambit kona lang.

Nakita ko si Aldrich sa may Labas ng Bahay nila.

Lumabas na kami ng Kotse ni Joreezel.

Sinalubong agad ni Joreezel si Aldrich ng Yakap. Sus! Mga Lovebirds. Haha.

"Uy! Hello Kaila! Bakit ganyan yung suot mo? Haha" -bati ni Aldrich.

"Eh yan kasing magaling mong girlfriend bigla nalang nanghila dito! Hay nako, kung diko lang yan kaibigan baka kanina kopa yan nasapak." -sagot ko.

"Uyuyuy! Sorry na frienny! Haha. Tara na pasok na tayo sa loob" -sabi nya.

Pumasok na kami sa Loob nila. At super yaman nga talaga nila! Grabe.

At yung dalawa ayun! Nag-solo. Hay nako.

"GUYS! LIBOT LANG AKO SA LABAS HA?" -sigaw ko, bahala na sila kung di nila narinig. Haha.

Lumabas nako ng Mansyon nila Aldrich at may natanaw akong parang Plaza.

Pumunta ako dun at ang dami kong nakitang mga Batang naglalaro kasama yung mga Yaya's nila and mga Magkakarelasyon din.

Pumunta ako sa pinaka dulo nun at umupo sa may Puno. Medyo ma-tao pa din dito pero konti nalang.

Habang naka-upo ako ay may nakita akong dalawang pares ng paang nasa harap ko.

"Hey Weirdo-Girl" -kilala ko'tong kupal na'to.

At pagtingala ko di nga ako nagkamali. Sya nga kasama yung dalawang Asungot nya.

Diko nalang siya Pinansin.

"Dont snob me when im talking to you" -matigas nyang sambit.

Ang kupal na'to talaga! Nakonako!

"Anong problema mo?" -walang emosyon kong sabi.

"Anong gusto mo kay Xayn at umaaligid ka sa kanya? Anong gusto mo? Pera?" -sabi nya sabay dukot sa wallet nya at kumuha ng maraming one-thousand.

Sabay hagis sakin.

"O, ayan! Layuan mo sya. Alam ko namang pera lang ang habol mo sa kanya e! O, gusto mo lang syang landiin? Malandi kaba ha?"

At dahil sa sinabi nyang yun gusto kong isampal sa kanya yung Pera nya at ipalamon sa Lalamunan nya!

Tiningnan ko lang sya ng Walang Emosyon.

"Ano na? Kunin mona yan! Bakit ka pinapunta dito sa Maynila ng Magulang mo? Para manghithit ng Pera? Ayan na o! Kunin mona!" -sabi nya.

At dahil dun nasampal ko yung mukha nya. Diko na napigilan hindi lumuha sa harap nya. Nagtagumpay na sya!

"Nung sinabihan mo akong Malandi di kita pinakealaman. Sige! Sabihan mo ako ng masasamang salita pero wag mong idadamay yung Pamilya ko dito! Mahirap lang kami, oo! Taga-probinsya ako, oo! Pero wala akong pakialam sya Pera mo! Kaya pwede ba? Layuan mona ako! Ito na! Nakita mo na akong Umiiyak? Nagmamakaawang layuan ka! Ano pang gusto mo?" -sabi ko habang umiiyak.

Nakita kong parang nakonsensya sya.

"L-Look, I-Im-----" pinutol kona yung sasabihin nya.

"Ngayong nag-tagumpay kana, masaya kana sana! Lubayan mona ako, pwede ba? Ayoko sayo! I hate you!" -sigaw ko at tumakbo paalis sa lugar na yun.

Nakakapagod din palang itago lahat ng nararamdaman mo.

Habang tumatakbo ako may nabangga ako.

"Im sorry miss----- Mina?" -kilala ko'tong boses na'to.

At bigla nalang ako napayakap sa kanya.

"Xaven"

Ang Probinsyana'ng Babae Meets Mr.WHAT?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon