Weia's POV
"ANNNAAAAAAK! Jusko ginoong bata ka! Halika na nga dito. Bumangon kana jaan ng makasama ka sa akin sa palengke."
Napabalikwas ako ng bigla akong tawagin ni Inay. Ay, oo nga pala! Kailangan kong sumama kay Inay sa palengke dahil wala syang kasama doon.
Iniligpit kona ang hinigaan ko, at lumabas sa munting kwarto ng aming kubo. Hm, Oo.
Mahirap lang kami, andito kami sa Probinsya. Dito na din ako lumaki. Sanay nako sa mga gawaing bahay. Sanay akong mag-ani ng palay, magbabad sa tirik na araw, magbenta ng isda sa palengke.
Lahat ng tipikal na ginagawa ng isang probinsyano o probinsyana. Madami akong kaibigan dito, dahil sinasabi nilang, Friendly at Mabait daw ako.
Pero, wala na sakin yun. Mas gusto ko kase ang maraming kaibigan. Pero, mahiyain ako lalo na sa mga hindi kopa gaanong kilala.
Sumunod na ako kay Inay sa may lamesa. Pinagtimpla na nga ako ng kape. Haaaay, ang bait talaga ng Nanay ko. At kung itatanong nyo ang Tatay ko?....
Hindi ko din alam, dahil ang pagkakaalam kolang ay iniwan nya kami dahil sa ibang babae. Hindi ko naman masisisi ang tatay ko, sino ba naman ang may gusto ng gantong klase ng pamumuhay?
Ako lang ata ang nagmahal sa buhay kong ito. Hahahaha.
"Salamat Inay, sa pagtimpla ng kape," sabi ko.
"Ay, wala iyon anak. Bilisan mo na lamang diyan kumain ng tayo ay makapunta na doon sa palengke."
"Sige 'nay! Bibilisan kona po dito, mauuna na lamang po kayo doon sa palengke. Hehe."
"Sigurado kaba anak?"
"Opo 'nay,"
"O sya sge! Dalhin mona lamang ayang nasa ilalim ng lamesa. Ihatid mo sa akin doon sa palengke."
"Opo 'nay! Ingat kayo, hehe."
"O sige nak, dito nako,"
"OPO!"
Umalis na din si Nanay. At natapos na din akong mag-kape.
Nagsusuklay na ko, at nakapaghilamos na din.
Nagwalis muna ako sa loob ng kubo namin at nagwalis sa bakuran namin na puno na ng lagas na dahon.
Tapos na din! Kinuha ko na yung mga pinapadala ni Inay at pumunta na din sa palengke.
Habang naglalakad ako ay biglang may nakasalubong akong matanda. Ang dami nyang dala at hirap na din syang maglakad.
"Lola, akin na po yung dalahin nyo, saan poba kayo pupunta?"
"Ay, nako. Salamat iha. Wala kase ang aking apo dito para matulungan ako"
"Ay, okay lang po Lola. San po ba kayo?"
"Dito na lang, apo"
"Sige po, mag-iingat po kayo!"
"Salamat apo, napaka-ganda mo namang bata ka at napaka bait pa,"
"Ay, wala po iyon. Hehe, salamat po."
"O sya sige na apo."
"Sige po!"
Naglakad na din akong papunta sa palengke. Nakuuuu! Si Inay nga pala! Binilisan ko nang maglakad.
Ay, hindi pa pala ako nakakapag pakilala. Ako si Weneia Mendoza.
Weia ang tawag sakin dito. Nag-aaral pa din naman ako.
Sa totoo lang may pasok ako ngayon. Pero mamaya pa namang alas-diyes. Alas-syete palang naman ng umaga.
Andito na pala ako sa palengke. Nakita ko na kaagad si Inay.
"INAAAAAAAYYY!!"
"Ay, hesusmaryosep kang bata ka! Makasigaw ka talaga, aatakihin ako sa puso sa iyo e,"
"Hahaha. Sorry na 'nay. Biro lang naman po e. Hehe,"
"O sya sige na! Ilagay mona iyan dito."
"Sige 'naaaay."
Inayos na namin ni Nanay yung mga paninda nya. Sanay na sanay na ko dito, hahaha. Halos kinalakihan ko ng sumama kay nanay dito sa palengke. At halos ka-close kona din ang mga nagtitinda dito.
"BILI HO KAYO NG ISDA JAN!! SARIWANG SARIWA PA! BILI NA HO KAYOOOO!!!"
Sigaw ko. Ganyan naman ako palagi e. Hahaha.
Napatingin ako ng biglang nagsalita si Aling Seling.
"Ay nako, Kora! Napaka-swerte mo talaga sa anak mo. Napaka-sipag, napaka bait at ang ganda pa! Nako, ikaw na. Hahahaha."
Grabe naman Aling Seling. Hahaha.
"Naku, hahaha. Kayo naman po Aling Seling. Nakakabusog naman po ang mga sinabi ninyo. Hahaha," sagot ko.
"Ay, nako! Tama ka Seling! Napaka swerte ko talaga sa anak ko," gatong naman ni inay.
At nagtawanan na kami. Medyo humahaba na din ang oras.
Maya maya ay pinauwi na din ako ni Inay para makapag handa na sa pagpasok ko.Pagkadating ko sa Bahay ay naligo agad ako. Mga ilang minuto pa ay nakaayos na ko. Hindi naman ako masyadong mapag-ayos gaya ng ibang babaeng estudyante sa school namin.
Hindi ko naman kailangan mag-ayos. Dahil hindi matatago ng mga kolorete sa mukha ko ang, totoong pagkatao ko. Haha.
Umalis na ako ng bahay at nagsimula ng maglakad.
"Lalala~♪
BINABASA MO ANG
Ang Probinsyana'ng Babae Meets Mr.WHAT?!
Teen FictionIsang Probinsyanang Babae na mapapadpad sa Maynila upang makapag-aral at maiahon ang kanyang Nanay sa Hirap. Pero ano kayang mangyayri kung bigla nyang makatagpo si Mr. Wait... WHAT?! Ps. Hope you like it po. So, if you are Curious about this Stor...