Kaila's POV
Its already Thursday! Woooosh haha. And yep, ngayon yung lakad namin ni Hans (-.-)
Magco-commute siguro yun papunta dito, hayaan mo sya hahaha. Maka-ligo na nga.
*TING!*
may nag-message.
From: Hans Kupal
Hoy babae. Paalis nako, bilisan mo ang kilos mo.Aba't! Tingnan mo ang kupal na ito. Nung nakaraan napaka-jolly nito ha. Bat naging masungit na naman 'to? Napaka-bipolar talaga nito.
Tss. Diko na sya nireplyan at dumiretso na agad ng banyo.
Lalalalala~
------------------------------------
Nakabihis nako, simpleng jeans na tinernuhan ko ng blouse na kulay crema at doll shoes na kulay crema din.
Padating na siguro ang kup---
*Ding Dong* *Ding Dong* *Ding dong* *Ding Dong*
Aba! Speaking of kupal, anjan na sya. Galit na galit ata sa doorbell ang lalaking to.
Kinuha ko na yung shoulder bag na dadalhin ko at binuksan na ang pinto.
Bumungad sakin ang Hans na hindi maipinta ang mukha.
Okay, let's get ready sa pagbubunganga nito. (-.-)
In... 5
4
3
2
1...
"Alam mo bang napaka-hirap mag-taxi? Sobrang hassle! Napaka-traffic pa! Bwiset naman oh! Nakakainis. Bat ba kase ayaw mo akong magdala ng kotse?! Ang hirap hirap makarating dito ng walang dalang sasakyan, bwiset!"
Tuloy-tuloy na sabi nya.
Sabi sa inyo e.
"Tss, napaka-arte mo! Ang dami mong satsat, sino ba nag-aya sakin ha? Ang oa mo ha, taxi pa nga lang nasasakyan mo. Pano pa kaya kung sasakay tayo mamaya ng Jeep!" sabi ko.
"What?! Jeep?! Wth! Bakit sa Jeep? Pinapahirapan mo lang sarili mo e!" sabi nya.
"Aba! Sanay ako sa Jeep no! Di ako mahihirapan. Tss. Halika na, sinasama-sama mopa kase ako!" sabi ko ulit.
"Tss, tara na!" sagot nya at sabay na kaming naglakad papuntang Elevator.
Nung nasa baba na kami palabas na sana ng Building, bigla naming nakasalubong si Xaven.
"Uy Xaven!" tawag ko dito.
"Oh, Mina? San kayo pupunta ni Hans?" tanong nya sakin. Napairap naman ako.
"Tss, ewan ko jan. Sige na, alis na kami ha." sagot ko.
"Sige, uhm. Bukas nga pala yung Party sa bahay ha? Ni-remind ko lang, baka kase nakalimutan mo." sabi nya. Hala! Oo nga pala, potek.
"Hala, Xaven! Sure ka talagang isasama mo ako? Ano kase e. W-Wala akong susuotin." namumula kong sabi.
Tumawa naman sya.
"Hahahaha. Yun lang pala. Dont worry, bibilhan kita. Basta bukas ha? See you! Ingat kayo." sabi niya at tumingin kay Hans.
"Sige, Xaven! Thank you." sabi ko at umalis na kami ni Hans.
Dumiretso kami sa sakayan ng Jeep.
"Talagang sasakay tayo jan?" maarte nyang sabi.
"Tss, oo nga! As if may choice kapa." pairap ko namang sagot.
Sumakay na kami ng jeep, at ano pa nga ba? Dahil sa init ng panahon. Sobrang init din sa loob.
Siksikan pa! Kaya talamak na ang mga kawatan dito. Naku, ingat-ingat nalang talaga.
Sobrang sikip na at wala pa din atang balak umalis tong driver dito.
"OH ISA NALANG JAN SA KANAN OH! PAKI-AYOS NALANG NG MGA UPO JAN!" sigaw nung barker.
"Fvck!" bulong ng isang kupal dito. Nagpipigil ata ng inis.
May pumasok na babae may kasamang dalawang anak. Hala? Isa nalang ah! San nya kaya balak paupuin yung dalawang anak nya?
Ayun, sumiksik nalang sya at kinandong yung dalawa. Hays, ako nahihirapan sa kanya eh.
Umaandar na yung jeep, at nakapag-bayad na din lahat. Siguro, nakulangan si Ateng-may-dalawang-anak ng pambayad sa Jeep kaya ayon.
Nahihirapan talaga ako sa lagay ni Ate.
"Hello, tara dito kana lang umupo sakin oh. Nahihirapan na si Mama nyo e." pagkakausap ko dun sa batang babae, bale lalaki yung kapatid nya. Siguro mas matanda yung lalaki. Pero halos magkasing-height lang sila.
Pumunta naman sakin yung bata at kumandong na.
"Ay nako ineng, salamat ha." nakangiting sabi sakin ng mama nila. Ginantihan kona lang din ng ngiti.
"Tara dito, kiddo. Dito kana lang din umupo." sabi ni Hans. Napatingin naman ako sa kanya. Inirapan nya lang ako. Aba aba! Nang-iirap kang bakla ka ha.
"Salamat sa inyo." sabi ni Ate, ngumiti nalang kami.
Tumagilid akong konti, para sana sumilip sa bintana ng Jeep. Kaso natatakpan ng buhok ko, kaya hindi ko medyo maaninag yung labas. Hindi ko naman maayos, dahil may kandong ako, kaya sa kabila nalang ako titingin.
>//////////<
Wrong move, Keila.
-) (-
Sobrang lapit ng mukha namin!!!
"Kuya? Magki-kiss po ba kayo ni ate?
BINABASA MO ANG
Ang Probinsyana'ng Babae Meets Mr.WHAT?!
Novela JuvenilIsang Probinsyanang Babae na mapapadpad sa Maynila upang makapag-aral at maiahon ang kanyang Nanay sa Hirap. Pero ano kayang mangyayri kung bigla nyang makatagpo si Mr. Wait... WHAT?! Ps. Hope you like it po. So, if you are Curious about this Stor...