Chapter 2

1.6K 45 1
                                    

Weia's POV

Andito na ako sa school namin. Haaaaaay, ang bagot ko na naman dito.

Hindi kase ako katulad ng sa amin na pala-kaibigan, madaldal at makulit. Dito kase sa school ay hindi ako ganon. Mahiyain lang ako, pero ako naman ang Highest samin lagi.

Hindi maiiwasan yung mga Bullies pero hindi ko nalang sila pinapatulan.

Lagi lang akong nasa Library pag Breaktime. Mga Libro lang ang kaibigan ko. Hay, nami-miss ko tuloy ang kaisa-isang kong bestfriend. Hanami Minatozaki.

Kakaiba yung pangalan nya no? Half-Japanesse kase sya. Hm, hindi matatanggi na mayaman sila. Syempre naman! Japanese ang papa nya, e.

Nasa Maynila kase sya ngayon. Dun sya nag-aaral. Gustong-gusto ko talagang makapag-aral sa Maynila. Pero, wala akong panahon. At maiiwan dito si Inay :(

*Krrriiiiiiiinnngggg*

Ayan na pala! Magsisimula na ang klase.

------------------------------------------------

Break time na namin. Hay, dali dali kong inayos ang mga gamit ko para pumunta sa Library.

Nakayuko lang ako para hindi na naman nila ako mapag-tripan.

Habang naglalakad ako ay nabunggo ko si Ms. Cariño. Ang Principal namin! Hala!

"A-Ah, Sorry po Mam. Diko po sinasadya. S-Sorry po talaga,"

Nakayuko kong sabi. Kinakabahan ako e. Di naman sya masungit pero principal pa din sya.

"Its okay, Ms. Mendoza. Can you come with me? Sa office lang naman. Ikaw talaga ang sadya ko e. I have something important to tell you."

Bigla naman akong kinabahan dun. Ano kaya yun? E, nakakausap ko lang naman si Ms. Cariño kapag lagi akong nasa honor e.

"A-Ahm, S-Sige po mam. S-Sorry po ulit,"

Nauutal talaga ako. Naglakad na kami papuntang Office. Habang papalapit kami sa Office ay lalo akong mas kinakabahan.

Andito na kami.

"Inay? Ano pong ginagawa nyo dito?" Sabi ko.

Bakit andito si Inay? Hala?! Wala naman akong ginagawang masama eh? Hindi ako napapa-away! Huhu.

"Ms. Mendoza, don't be afraid. Haha. Wala kang masamang ginawa. I'm just here to say na, ie-exchange student ka namin sa Manila to represent our School, since ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko dahil matalino ka namang bata." ani Mam Cariño.

ANO?! Sa Manila?!

"P-Po? Pero, bakit po ako? A-Ang laki pong opportunity nito p-pero po, si Inay! Maiiwan kopo sya dito!" Sagot ko.

"Anak, wag kang mag-aalala...."

Hindi na natapos ni Inay ang sasabihin nya at sumabat na si Mam Cariño.

"Dont worry, Weia. Your mom is in our hands. Hindi sya sa bahay nyo titira. May isa kaming apartment na tutuluyan nya. And ikaw naman ay may Condo Unit na sa Manila. We already bought that Condo for you, and you can't say no. Because its already settled. Okay? So, bukas na ang biyahe mo sa Manila. So, prepare your things."

O ____ O

O-OH MY I-ISDA!!!!

Bukas na ang biyahe ko! Excited na akooooo! May condo unit pa daw at nabili na nya. May mga gamit na din! Grabe! Di ako makapaniwala.

"E-Eh, Mam. Hanggang kailan po ako dun? Eh, Magfo-Fourth Year College na po ako?" Tanong ko.

"Oh, since Third Year College ka pa lang naman ay dun kana hanggang graduate mo. So bale, 1 year ka dun."

"P-Po? Napaka-tagal naman po nyan. At wala po akong kakilala kahit isa doon,"

"Don't worry, Weia. Basta, kami ang bahala sa mga needs mo. Here's your ticket para bukas sa flight mo, and ito na din yung address pati yung schedules nung papasukan mong school ay nandyan na din. Yung susi din nung condo, ito na. So, dont think about what okay?"

May binigay sya saking mga papel. Tsaka yung susi.

"O-Okay po M-Mam. S-Salamat po."

"Okay, so are we clear? Just, call us if may mga questions or kailangan ka, okay? You may go."

"S-Sige po." Omygulay! Lumabas na kami ni Nanay.

Grabe, mami-miss ko talaga ang mga lugar dito lalo na si Nanay. Huhu, di ako sanay ng wala sya! Pero kailangan kong maging matatag, para din to sa kinakabukasan namin ni Inay.

Paglabas namin niyakap ko kaagad si Nanay. Hindi ko na naiwasang maluha.

"NAAAAY! Mami-miss po kita! Lagi po kayong mag-iingat ha? Hintayin nyo po ako! 1year lang yon! Ha?"

"Ay nako naman anak! Wag ka ngang umiyak diyan, nadadamay ako dito eh. Oo naman, anak, hahantayin kita. Lagi kang mag-iingat doon ha?"

"Oo naman po, 'nay! Sandali, 'nay? Pwede po bang makita ko yung tutuluyan nyong bahay pag wala na ako dito?"

"O sige nak, halika. Malapit lang naman iyon dito, sosyal kana doon sa Maynila dahil may condo unit kana daw doon! Grabe anak. Basta ha? May tiwala ako sayo, anak. Umalis kang Isa, wag kang babalik ng Dalawa ha?"

"Ay nako nay! Hindi po 'no! Hahaha. Wala yan sa isip ko nay. Tara na po?"

"O sya! Tara na."

Ang Probinsyana'ng Babae Meets Mr.WHAT?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon