Ikatlong Kabanata

746 54 3
                                    


Saan dapat magsimula?
Binibini'y nangangapa

ᜐᜀᜈ᜔ ᜇᜉᜆ᜔ ᜋᜄ᜔ᜐ̊ᜋ̥ᜎ?
ᜊ̊ᜈ̊ᜊ̊ᜈ̊'ᜌ᜔ ᜈᜅᜅᜉ

Isang piging ang ngayo'y isinasagawa sa tahanan ng malupit na rajah bilang pagdiriwang sa kanilang tagumpay. Ang sabi ng mga alipin ng rajah, mahalaga daw na ako'y dumalo sapagkat ako ang naging dahilan upang sila'y magtagumpay.

Pinatuloy nila ako sa isang silid sa tahanan ng rajah at binigyan pa ng mga damit na halos kaparehas ng isinukat kong costume. Magpalit daw ako ng damit dahil may mantsa pa ng dugo ng lalaking pinugutan ng ulo ang aking costume.

Ipagdiriwang pa nila ang pagkakapatay sa mga iyon. Bakit ba legal dito ang patayan?

"Ginoo , ipinatatawag na po kayo ng mahal na rajah upang dumalo sa piging." isang lalaki ang tumawag mula sa labas. Teka, tinawag nya akong ginoo? Hindi ba dapat ay binibini?

Muntik ko nang makalimutan, kasuotang panlalaki nga pala ang suot ko.

"Nandiyan na 'ko!" tugon ko mula sa loob ng silid, saka ako humakbang palabas upang dumalo sa piging.

Wow! Napakaraming pagkain at ang mas nakakamangha ay ang mga kayamanang naroroon, may mga inumin silang hindi ko nagustuhan ang amoy.

"Nariyan ka na pala aking bayani". Ang ganda ng ngiti sa akin ng rajah.

Lumapit siya at iniabot sa akin ang nililok na kahoy na mistulang baso. May laman iyong likido.
" Tanggapin mo ang pangasi, tanda ng aking pasasalamat sa iyo"

"Hindi ko alam kung ano ang iniaalok nya sa 'kin pero wala naman akong choice kung hindi ang tanggapin iyon"

"Hindi ko alam kung saang banwa ka nagmula at kung bakit bigla ka na lamang lumitaw sa gitna ng aming sagupaan? Sino ka? Ano Ang iyong ngalan? At anong ginagawa mo at bigla ka na lamang sumulpot?"

"Hindi ko rin alam, isinuot ko lamang ang potong at bahag at pagkatapos ay napunta na ako dito ."

"Malabo ang sagot niya mahal na rajah!" sambit ng isa sa mga tauhan niya. Inilapit ng rajah'ng 'yon ang mukha niya sa mukha ko.

Ano ba'ng lalaking ito? Kinikilabutan ako sa presensya niya. "Ano ang iyong ngalan, maaari ko bang malaman, nang sa gano'n ay lubos kong mapasalamatan ang aking bayani?"

Bayani? Tinatawag niya akong bayani? Kung alam niya lang, hindi ko gustong pumatay o manakit ng kahit na sino! At lalong hindi ko kagustuhang mapunta sa lugar na ito. "Ako si——" Sunshine. Bakit ba hindi ko masabi ang pangalan ko? Paano ba ako magpapakilala?

Sandali, kung totoong nagteleport ako sa sinaunang panahon ng Pilipinas, dapat ang pangalan ko'y pang sinauna rin. Mag-isip ka nga Sunshine! Isip! Isip! Isip!

"Sinag—— ako si Sinag!" tinagalog ko na lamang ang Sunshine, wala kasi akong ibang maisip. Atleast, pangalan ko pa rin naman 'yan 'di ba?

"Sinag! Tatandaan ko ang pangalang iyan." ngumisi pa ang rajah, saka ininom ang likido na tinatawag nilang pangasi. "Napakahusay mo sa paggamit ng kampilan, dahil sa isang iglap ay nagawa mong paslangin ang isang kilabot na lumad! Paano mo 'yon nagawa?"

Tinignan ko siya nang matalim. Ipinapasa niya ba sa 'kin ang kasalanan niya? "Ikaw ang pumatay sa kanya, hindi ba? Pinugutan mo siya ng ulo, kaya bakit ako ang sinisisi mo?"

"Matabil ang pananalita ng sandig, mahal na rajah" sambit ng isang mandirigma, saka itinutok sa akin ang hawak na espada.

"H'wag mo siyang kakantiin!" pigil sa kanya ng rajah. "Ang piging na ito ay ipinahanda ko upang siya'y pasalamatan, kaya hindi ninyo siya maaaring saktan."

SandigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon