Pagmasdan ka'y ano'ng sarap
Ngiti ko ay sagad sagad
Tila ba sa isang iglap
Ako'y nasa alapaapᜉᜄ᜔ᜋᜐ᜔ᜇᜈ᜔ ᜃ'ᜌ᜔ ᜀᜈᜓ'ᜅ᜔ ᜐᜇ̵ᜉ᜔
ᜅ̊ᜆ̊ ᜃᜓ ᜀᜌ᜔ ᜐᜄᜇ᜔ ᜐᜄᜇ᜔
ᜆ̊ᜎ ᜊ ᜐ ᜁ̊ᜐᜅ᜔ ᜁ̊ᜄ᜔ᜎᜉ᜔
ᜀᜃᜓ'ᜌ᜔ ᜈᜐ ᜀᜎᜉᜀᜉ᜔Sunshine Marie Suarez~
"Bilisan mo ang kilos mo, Sinag! Kailangan mong matutunan ang pagkilos nang maliksi habang nakikipaglaban, nang sa gano'n ay madali mong maiiwasan ang talim ng kampilan ng iyong katunggali!"
Gaano kaya'ng bilis ang gusto niyang gawin ko? Napapagod rin naman ako. Kanina pa kasi akong nag-eensayo sa mga katawan ng saging na ipinakuha niya sa mga uripon. Gamit ko ang bagong espadang ibinigay niya sa akin.
"Pwede ba'ng mamahinga sandali?"
Tumingin siya sa akin nang matalim. "Hindi pwede" mabalasik niyang sambit. Akala ko tapos na, ngunit may kasunod pa pala siyang litanya. "Naririnig mo ba ang 'yong sarili? Sa tingin mo ba'y maaari kang makaramdam ng pagod sa labanan? Hindi mo maaaring sabihin sa 'yong katunggali na huminto muna kayo at magpahinga sandali!"
"Oo na-na! Tama ka na! Kainis!" Napipilitan na muli kong kinuha ang espada ko. Sa totoo lang, namumula na ang kamay ko, hindi kaya dahil sa galit ko sa lalaking iyon, o baka dahil kanina ko pang buong gigil na iwinawasiwas ang pesteng espada.
"Yaaaahhh! Watting! Watting! Wating!" malakas kong sigaw habang mabilis kong hinahataw ng espada ko ang mga katawan ng saging. Umiikot-ikot pa ako habang ginagawa iyon. Ginagaya ko ang moves ng mga hwarang ng Silla sa korea nobela na napanood ko. Tila dahil sa bugso ng aking galit, halos simbilis ng hangin ang naging pagkilos ko, pero ang mukha ko, halos hindi maipinta. Sobrang nakatulis ang nguso ko at tirik na tirik ang mga mata.
Sa bawat pag-ikot ko'y pagmumukha ni Rajah Ag-ul ang nakikita ko sa katawan ng saging kung kaya't mas lalo akong ginaganahang wasakin iyon at hatawin. Kahit man lang sa imagination ay makaganti ako sa rajah na 'to. Walang awa!
Habang nagiging seryoso na ako sa aking ginagawa (dahil seryoso na rin ang galit ko), hindi nakaligtas sa paningin ko ang mukha ng rajah. Sa muli kong pag-ikot ay nahagip ng aking mga mata ang kanyang mukha. Tumatawa siya. Pinagtatawanan niya ba ako? Baliw na yata ang rajah na 'yon, ah. Tignan mo nga naman ang loko. Habang ako'y hingal na hingal sa pagsasanay ay pinagtatawanan niya lamang ako.
Rajah Ag-ul~
"Yaaah! Wating! Wating! Wating!"
Kita kong halos pumuti na ang mga mata ni Sinag sa galit. Hindi ko akalain na napakaikli ng hangganan ng kanyang pagtitimpi. Sa hitsura niya ngayon, mukhang kahit sinong kalaban ang iharap mo sa kanya ay tiyak na hindi magwawagi. Hindi ko mapigilan ang sarili kong tumawa habang pinapanood siya. Nakakaaliw palang panoorin ang kagaya niya.
"Plaaaakkk!" bigla na lamang lumipad ang kapiraso ng wasak na katawan ng saging patungo sa mukha ko. Teka, sinadya niya ba 'yon? Napasulyap ako sa direksyon niya.
"Ma—mahal na rajah, naku, tinamaan ka po ba? Patawad, hindi ako naging maingat sa aking pagkilos!"
"Hindi", sansala ko sa kanya "dapat ay umiwas ako. Sa digmaan, hindi mo batid kung sino ang bigla na lamang sasaksak aa likod mo."
Muli niyang pinagbuti ang kanyang pagsasanay. Bahagya akong dumistansya upang hindi na ako tamaan ng katawan ng saging ngunit.... Booooggg!!! Hayan na naman, at higit na malaking piraso ng katawan ng saging! Nakakapikon! Sinasadya niya ito! Mukhang sinusubukan niya ang aking pagtitimpi!
BINABASA MO ANG
Sandig
Ficción históricaSa kwentong ito, hayaan ninyong ipakilala ko si Sunshine, isang dalagang pasaway at mahilig tumakas mula sa mga bantay niya at sa istrikto niyang daddy. Makulit, sakit sa ulo at madulas pa sa palos kung lumusot kaya naman lagi niyang natatakasan ang...