“Batuhin siya!”
“Salot ka!”
“Espiya!”
“Salot!”
Kinukuyog ng mga tao ang nakagapos pa noong si Tantoy. Ngayong araw, dinala siya ng mga kapwa niya sandig upang isakdal sa rajah at upang gawaran ng parusa. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Matapos mag-usap ang rajah at ang punong-babaylan kahapon, ipinahayag nila sa mga tao na natukoy na kung sino ang may pakana ng panlalason. Walang iba kundi ang sandig na si Tantoy. Ang sabi, punong-puno daw siya ng galit sa rajah kaya naman nilagyan niya ng lason ang tubig sa sibol, pahayag ng ilang naroong mga saksi.
Medyo nakakaawa siya pero kahit naman hindi siya ang naglason sa sibol, parurusahan pa rin siya sa ginawa niya sa akin. Attempted murder yata iyon no! Mabigat na kasalanan iyon.
Katahimikan! Magsitigil kayong lahat! Saway ng mga sandig sa mga taong nananakit kay Tantoy. Nagsitabi ang mga taong kaninay nakapaligid nang lumapit si Uray Gid-ang. Mula sa taas ng bulwagan kung saan kami nakapwesto, kitang-kita ko ang nagmamakaawang tingin na ibinato ni Tantoy sa matanda.
Yan ang nababagay sa mga taong walang pakinabang! dinig na dinig ko ang mataray na boses ni Marikit na nakatayo sa gawing kanan ng rajah. Ako naman ay sa kaliwa.
Naging tapat ako sa inyo Uray Gid-ang! Ngayon, alam ko na, ito pala ang gantimpala kapag maling diyos ang pinanigan!
Salamat sa iyong katapatan! Hayaan mo, bilang gantimpala, hindi ko na hahayaan na ikaw ay pahirapan! Habang sinasabi iyon ni Uray Gid-ang, mataman siyang nakatingin sa mukha ni Tantoy habang ang kanang kamay niya ay dahan-dahang hinuhugot ang kampilan sa tagiliran ng isang sandig na naroroon at sa mabilis na sandali, walang pakundangan niyang ginilitan ng leeg ang bihag na kaharap.
Punong-babaylan! Bakit mo hinayaang dungisan ng dugong makasalanan ang iyong mga kamay? Hindi bat paglabag iyan sa inyong kautusan?
Hinarap ni Uray Gid-ang ang sandig na pumuna sa kaniya. Masyado kang makarunungan, sandig!
Napansin kong kuyom ni Rajah Ag-ul ang kamao niya ngunit wala naman siyang pagtutol sa ginawang hakbang ng punong-babaylan.
Nang araw na iyon, nasaksihan ko ang karahasan at ang pangit na sistema sa panahong ito. Pero wala akong magawa para tulungan sila na baguhin ang kanilang paniniwala.
Datu Kalasag
Magkano kaya nila ipinagbibili iyon?
Oo nga no! Alam ninyo bihira na lamang ang may ganoong uri ng sandata ngayon.
Ang alam ko, matagal nang patay yung panday sa puthaw na gumagawa ng ganoong uri ng sandata!
Saan kaya nila nakuha iyon!
Ang swerte naman ng makakabili noon.
Habang naglilibot ako sa pamilihan, dinig na dinig ko ang usap-usapan ng mga mangangalakal. At ano naman kaya ang bagay na tinutukoy nila? Bakit parang lahat sila interesado na makuha iyon? Dahil sa kuryosidad, ipinasya kong manatili doon. Mabagal lang ang ginagawa kong paghakbang. Ngumingiti ako kapag binabati ako ng mga mangangalakal. Isa pa, nagtitingin-tingin na rin ako sa paligid ng bagay na maaaring magustuhan ni Sinag. Wala akong natanggap na sagot mula sa kanya sa kalatas na ipinaabot ko at hindi na rin nakapag-ulat sa akin si Usbog dahil bigla silang naglakbay ni Rajah Ag-ul.
Hindi ganyan ang naririnig kong tsismis! Ang sabi, kaya daw pumatay ng pito sa isang hampas lang!
Napukaw ang pansin ko sa isang tindahan kung saan may dalawang dayong lalaki na nakatayo kaharap ng isang mangangalakal. Mga kasangkapan sa pagpipinta ang itinitinda ng mangangalakal. Mukha namang walang pambayad ang dalawang lalaki. Hindi ito maganda. Siguro ay gagamitin nila ang kwento upang lansihin ang mangangalakal. Kaya naman dahan-dahan akong humakbang papalapit sa kanila at nakihalubilo.
BINABASA MO ANG
Sandig
Historische fictieSa kwentong ito, hayaan ninyong ipakilala ko si Sunshine, isang dalagang pasaway at mahilig tumakas mula sa mga bantay niya at sa istrikto niyang daddy. Makulit, sakit sa ulo at madulas pa sa palos kung lumusot kaya naman lagi niyang natatakasan ang...