Ngunit tadhana'y kay pilyo
Tila ako'y tinutukso
'Pagkat kahit na malayo
Tayo'y sadyang pinagtagpoᜅ̥ᜈ̊ᜆ᜔ ᜆᜇ᜔ᜑᜈ'ᜌ᜔ ᜃᜌ᜔ ᜉ̊ᜎ᜔ᜌᜓ
ᜆ̊ᜎ ᜀᜃᜓ'ᜌ᜔ ᜆ̊ᜈ̥ᜆ̥ᜃ᜔ᜐᜓ
ᜉᜄ᜔ᜃᜆ᜔ ᜃᜑ̊ᜆ᜔ ᜈ ᜋᜎᜌᜓ
ᜆᜌᜓ'ᜌ᜔ ᜐᜇ᜔ᜌᜅ᜔ ᜉ̊ᜈᜄ᜔ᜆᜄ᜔ᜉᜓ"Mahal na rajah!" tatlong sandig ang dumulog sa bulwagan sa tahanan ni Rajah Ag-ul, ang sinasabing pinakamarahas na rajah sa kanyang panahon. Bitbit ng tatlong sandig ang isang nakagapos na lalaki na kakaiba ang uri ng kasuotan.
"Nahuli namin ang lalaking ito na nangingisda sa ilog na ating nasasakupan. Ang lalaking ito ay mula sa kabundukan."
"Maituturing na pagnanakaw ang pangingisda sa ilog na nasasakop ng iba. Gawin siyang bihag."
"Kamahalan, hindi lamang iyon ang aming inaalala."
"Ang lalaking ito ay maaaring ipinadala ng mga lumad upang magmanman sa ating puod nang sa gayon ay maisagawa nila ang tangkang paglusob dito."
"Ganoon ba?" tinitigan ng rajah ang bihag "kung ganoon, uunahan natin sila. Magsipaghanda kayo! Ngayon din ay susugod tayo sa mga lumad, sa banwa ni Datu Itim!" marahas na pahayag ng rajah.
Tinipon ng rajah ang lahat ng mahuhusay niyang mandirigma at inihanda ang mga kampilan, kalasag at ang karakoa na kanilang sasakyan. Bago sumakay sa karakoa ay isinagawa ng kanilang punong-babaylan ang pagbabasbas upang kanilang mapagtagumpayan ang gagawing pagsalakay.
"Mag-iingat ka, mahal kong rajah." isang magandang babae ang lumapit sa rajah at nangusap. Sa uri ng kaniyang kasuotan, mahihinuha na mataas ang katayuan nito sa puod na iyon. Siya'y si Marikit na pamangkin ng punong babaylan. "Hangad ko ang iyong tagumpay."
"Maraming salamat binibini."
Pagkatapos tanggapin ang basbas ay agad silang nagsikilos upang lumulan sa karakoa, ngunit bago pa man sila makasakay ay bigla na lamang umulan ng palaso mula sa kung saang direksyon.
"Sinasalakay tayooooo!!!"
"Nandito na ang mga lumadddd!!!!"
Mabilis na nagsilikas ang mga babaylan at si Marikit, palayo sa dalampasigan, kung saan nagaganap ang pagsalakay. Ang mga lumad ay pinamumunuan ng isang matapang na datu-si Datu Itim.
Dahil may taglay na lason ang mga palaso kung kaya't ang mga tinamaan ay unti-unting nanghihina at hindi na nakakalaban pa. Gamit ang kanilang mga kalasag ay pinrotektahan ng mga sandig ang kanilang rajah upang siya'y hindi tamaan ng palasong may lason. Pinaligiran nila si Rajah Ag-ul.
Nang maubos ang pag-ulan ng palaso ay namataan na nila ang paglapit ng mga mandirigmang sumalakay sa kanila. Sila'y may mga hawak ring kampilan.
"Ubusin ninyo ang mga sandig, ako'ng bahala sa kanilang pinuno!" bilin ni Ag-ul sa kaniyang mga tauhan.
"Masusunod mahal na rajah!"
"Hindi man lamang tinamaan ng palaso ang Ag-ul na 'yon!" tila nanghihinayang na bulalas ni Datu Itim.
"Mahal na datu, bantog ang rajah na iyan sapagkat kailan man ay hindi pa siya nagagapi ng kahit sinong kalaban." sambit ng isa sa kaniyang mga sandig.
"Tamang-tama, ngayon ko ipalalasap sa kanya ang pagdanak ng kanyang dugo!"
"Sugooooddd!!!"
Mahusay sa paggamit ng kampilan ang mga tauhan ni Rajah Ag-ul, ngunit magaling naman sa pag-iwas ang mga sandig ni Datu Itim. Maliliksi silang kumilos kung kaya't halos patas lamang ang laban.
BINABASA MO ANG
Sandig
Ficção HistóricaSa kwentong ito, hayaan ninyong ipakilala ko si Sunshine, isang dalagang pasaway at mahilig tumakas mula sa mga bantay niya at sa istrikto niyang daddy. Makulit, sakit sa ulo at madulas pa sa palos kung lumusot kaya naman lagi niyang natatakasan ang...