Binibining sakdal dikit
Patawad ang aking sambit
Sa labis na pananabik
Nagnakaw ng isang halikSunshine Marie~
Nang mahuli ako at madakip ng pinuno ng banwa kung saan kami pansamantalang tumigil upang maghanap ng makakain, iginapos nila ako sa isang malaking poste sa gitna ng bulwagan. Pinagkaguluhan ako ng mga tao sapagkat naaaliw silang panoorin ang pagpataw ng dat-u ng kaparusahan. Habang nananatili akong nakagapos, dalawang lalaki ang palitan sa paghataw sa akin ng latigo. Inakala kong ang tagpong iyon ang magiging aking katapusan, ngunit dumating ang isang lalaki at lakas-loob na tinawaran sa dat-u ang aking kaparusahan gamit ang dala niyang kayamanan.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong niya habang nakatingin sa akin nang makahulugan. Naroon siya, nakatayo sa labas ng aking piitan at matiyagang nagbabantay sa sino mang magtatangkang manakit sa akin. "Paano ka napunta sa pook na ito? Batid ba ng rajah na narito ka?"
"Hindi, at pakiusap, h'wag mo na akong ibalik pa sa rajah!" nangunot ang noo niya sa sinabi ko. Alam ko, hindi niya naiintindihan, ngunit may nagtatangka sa buhay ko, kaya hindi ako maaaring bumalik sa puod na iyon, liban na lamang kung mahahanap ko ang dressing room kung saan ako nagteleport patungo sa panahong ito.
"Pinangangalagaan ka ng rajah, bakit mo siya tatalikuran? Naniniwala siya na ikaw ang kaniyang gabay."
"Isa akong pangkaraniwang tao at hindi isang gabay. Wala akong anumang taglay na kapangyarihan, kaya kung maaari ay—"
"Paumanhin ngunit wala tayong ibang pagpipilian. Tanging ang rajah lamang ang makatutubos sa'yo rito."
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Sinabi ng dat-u na walang katumbas na halaga ang kasalanan mo, kung gano'n, hindi iyon kayang tawaran ng anumang halaga, liban na lamang sa utang na loob na hindi rin matutumbasan ng halaga, at tanging si Rajah Ag-ul at Dat-u Kalasag ang nagkakaunawaan sa bagay na 'yon."
"Wala akong anumang naintindihan sa sinabi niya, ngunit nahihinuha kong babalik na naman ako sa nilayasan kong lugar. Mas mabilis pala'ng tumakas sa present time kaysa sa panahong ito na anytime, pwede akong patayin.
Lumipas ang ilang araw, ngunit hindi pa rin nagbabalik ang mga utusan ni Baduk. Lubhang malayo na kasi ang puod na ito, idagdag pa ang masamang panahon ng nagdaang gabi na maaating nakapag-antala sa kanilang paglalakbay. Habang himbing akong natutulog sa aking piitan, dumating ang malupit na dat-u. May kasama siyang isang matandang babae. Ipinag-utos nila sa mga bantay na ako'y ilabas at dalhin sa bulwagan upang ipagpatuloy na ang naudlot na pagpaparusa. Lumakas at bumilis ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko ito gusto. Hindi nila ako iginapos sa pagkakataong ito. Sa halip, isang palayok na nakasalang sa apoy ang tumambad sa akin. Kumukulo ang tubig ng palayok. Don't tell me, ibubuhos nila iyon sa akin. H'wag silang magkakamali!
Lumapit doon ang dat-u, tumingin sa akin, saka nagsalita, "Dumampot ka ng bato sa lupa at ihulog mo sa palayok." medyo nakahinga ako nang maluwag dahil simple lang naman pala ang ipagagawa niya. Naghanap nga ako ng katamtamang laki'ng bato at inihulog ko iyon sa kumukulong tubig. Buti na lamang, sobrang dali ng pagsubok niya.
"Ngayon.....kunin mong muli ang bato!"
"Huh?" natigilan ako sa sinabi niya. Nais niyang kunin ko ang bato mula sa kumukulong tubig? Nababaliw na ba ang lalaking ito?
"Kapag nagawa mong kunin ang bato sa kumukulong tubig, nangangahulugan iyon na wala kang sala at maaari ka nang makabalik sa'yong pinanggalingan, ngunit, kapag hindi mo nagawa, parurusahan ka ng habang buhay na pagkaalipin sa banwang ito." biglang singit ng matandang babaeng nakatayo malapit sa dat-u. Si Baduk naman ay hindi na mapalagay. Hinihintay niya ang pagdating ng dalawang utusan upang ako'y mailigtas.
BINABASA MO ANG
Sandig
Historical FictionSa kwentong ito, hayaan ninyong ipakilala ko si Sunshine, isang dalagang pasaway at mahilig tumakas mula sa mga bantay niya at sa istrikto niyang daddy. Makulit, sakit sa ulo at madulas pa sa palos kung lumusot kaya naman lagi niyang natatakasan ang...