Binibining sakdal dikit
Laman ka ng panaginip
Buong banwa'y nananabik
Kailan ka ba magbabalik?Rajah Ag-ul~
Kaytagal kong nananabik
Na marinig ang 'yong tinig
Kaya naman nang makita
Naengkanto kapagdakaHindi ko alam kung bakit
Ikaw ngayo'y nanganganib
Oh, paraluman kong sandig
Masaktan ka'y 'di ko naisNahaharap sa pagsubok
Ng kumukulong palayok
Bato'ng iyong inihulog
Doo'y ikaw ang dadampotAko'y 'di na nakatiis
Saksihan ang 'yong hinagpis
Kaya agad na nagpasya
Sa dat-u ay tubusin kaDat-u'ng aking kaibigan
Sa 'ki'y may pagkakautang
Maging buhay mo ay kulang
Upang maging kabayaranLabis aking pagkagalak
Puso ngayo'y lumulundag
'Pagkat sa 'king hinahangad
Dat-u'y agad na pumayagNgunit 'di mo maaalis
Ang takot na labis-labis
Mawalay kang isang saglit
Susubo ang aking galitHindi nagdalawang-isip
Agad sa'yo ay lumapit
Hinawakan nang mahigpit
Ang kamay mong nanginginigMga mata kung ititig
Nanunuri, nang-aakit
Puso't isip, nagtatalo
Nadarama'y bakit gan'to?"Si Sinag.....si Sinag ay walang katumbas na halaga."
Ano'ng uring kayamanan
Ang tulad mo'y mahigitan
Hilaga man o kanluran
Ito'y hindi masumpunganMahaba na ang tula'ng aking nabibigkas, ngunit Hindi pa rin iyon sapat upang mapagod ang aking isip at pansamantalang mabura ang kanina'y naganap sa pagitan namin. Tahimik lang kaming dalawa sa bangka at ni hindi makuhang tumingin sa isa't-isa. Ano kaya ang iniisip niya? Hindi kaya nagdududa siya sa aking pagkalalaki dahil sa ginawa kong paghalik sa kaniya?
"Sinag!"
"Ma-mahal na rajah!"
Ipinagtaka ko ang gulat na gulat niyang reaksiyon sa simpleng pagtawag ko sa kaniyang pangalan
"Gusto ko lamang sabihin na hindi ako—" paano ba 'to? Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga, "na isa akong tunay na—", tumingin ako sa kaniya nang seryoso. Mukhang hindi naman niya ako pinagtatawanan dahil seryoso rin siya, isa pa, ako lamang ba ang humalik? Gumanti rin naman siya. Teka...baka naman si Sinag ay....
"Kalimutan mo na 'yon, mahal na rajah. Alam kong hindi mo 'yon sinasadya. Isa pa, niligtas mo ako mula sa panganib sa kamay ng dat-u. Maraming salamat." pagkasabi niya no'n ay pumihit siya patalikod sa akin at sa tubig-dagat itinuon ang pansin habang patuloy sa pagsagwan. Siguro ay nahihiya siya sa akin, at ganoon din naman ako. "Ag-ul, ano ba'ng ginawa mo? Bakla ka ba? Hindi mo naman iyan naramdaman sa ibang mga lalaking nakahalubilo mo! Bakit si Sinag?"
Pinipilit kong iwaksi sa isipan ko ang ginawa kong paghalik sa kaniya, ngunit hindi ko maitatanggi na hanggang ngayo'y ramdam ko pa rin kung gaano kalambot ang manipis niyang labi, lalo na nang pumikit siya na tila ba natatangay na rin sa sensasyong dulot ng aking halik.
"Sinag....maaari ba'ng magsalaysay ka ng tungkol sa iyong banwang pinagmulan?" basag ko sa katahimikang bumabalot sa amin habang sumasagwan sa gitna ng laot.
"Ang Cebu?" tugon niya, bagama't nakatalikod pa rin. "Maganda ang siyudad ng Cebu, at lubhang napakalaki ng pagkakaiba kumpara dito. Maraming ilaw kung kaya't napakaliwanag. Ang gabi ay halos kasing liwanag ng umaga. Maraming sasakyan at mga gusali!"
BINABASA MO ANG
Sandig
Historical FictionSa kwentong ito, hayaan ninyong ipakilala ko si Sunshine, isang dalagang pasaway at mahilig tumakas mula sa mga bantay niya at sa istrikto niyang daddy. Makulit, sakit sa ulo at madulas pa sa palos kung lumusot kaya naman lagi niyang natatakasan ang...