Ika-labing lima

489 34 2
                                    

"Binibining mapagpanggap
Sa pagtakbo'y kumaripas
Sa palaso kong maangas
Wala ka na ngayong takas"

Sinag~

Nagising ako sa tama ng liwanag ng araw sa aking balat mula sa maliliit na butas sa dingding ng silid kung saan ako nakahiga. Nasaan ako? Gaano kaya ako katagal na nakatulog? Hindi bale, ang sarap sa pakiramdam na nakapagpahinga. Pinakiramdaman ko ang katawan ko, sa tantiya ko ay muling nanumbalik ang aking sigla at kayang-kaya ko nang bumangon at muling magsanay. Huh! Ipamumukha ko sa rajah kung gaano ako ka-astig. Sinikap kong bumangon mula sa katre kung saan ako nakahiga. Parang may kakaiba. Inililis ko ang suot kong saya upang tignan ang aking mga binti na nilagyan nila ng batuk o tattoo kung tawagin sa 20th century. Naroon pa rin ang batuk. Ang astig tignan, sana lang makabalik ako sa present para maipagyabang ko ito kina Trixie....pero.....teka....,parang may mali! Bakit ako naka-saya? Hindi ba't bahag ang suot ko? Maging ang aking kasuotang pang-itaas ay napalitan rin! Oh no! Ano'ng ibig sabihin nito?

"Hindi maipinta ang iyong mukha! Tila nabigla ka, binibining Sinag!" mula sa kurtinang tumatakip sa pinto ng silid na kinaroroonan ko'y lumitaw ang matanda na tinatawag ng lahat bilang punong-babaylan. Napasunod ang aking mga mata sa pinanggalingan ng tinig niya. Humakbang siya papalapit sa akin. "Ano't nagtataka ka, hindi ba't nararapat lamang na tawagin kitang isang binibini?"

Kung gano'n, alam na niya, natuklasan na niya na ako'y isang babae! Ano'ng gagawin ko?

"Subukan mong tumayo" utos niya na agad kong sinunod. Diretso siyang nakatingin sa akin. "Kabigha-bighani! Bagay na bagay sa'yo ang kasuotan ng aking pamangkin."

Hindi ko alam kung dapat ba akong ngumiti o mainis sa mga sinabi niya.

"Maging ang husay ay lalong nakapagpatingkad ng iyong kagandahan." lumapit siya at hinawi ang aking buhok. Shems! Pakiramdam ko ang ganda-ganda ko! Oo na, old fashion nga pero classic naman at talagang maganda at mahilig sa palamuti ang mga sinaunang babae. Well, kung ikukumpara sa mga millenials, pareho namang kikay ang pananamit nila, kaya lamang mahinhin, pinong kumilos at balot ang katawan ng mga binibining iniingatan sa panahong ito, unlike sa mga millenials na paiklian pa ng mga petsay short at skirt ang mga babae!

Sana lang may baon akong camera para may picture ako habang ganito ang costume ko....kaso wala....grrrr!!!

"Ma—mahal na pup—punong babaylan" nagpukol ako sa kaniya ng tinging puno ng pangamba. Kinakabahan kasi ako. Ano'ng mangyayari sa kapalaran ko ngayong alam na nila na ako'y isang babae? Nasa past ako at sa aking kaalaman, hindi pantay ang karapatan ng mga kababaihan at kalalakihan sa panahong ito. Ano'ng gagawin ko? Katapusan ko na ba? Pakiusap, ibalik ninyo ako sa 20th centurrrrryyyy!!!

"Kaibig-ibig ang iyong mukha, makinis at malambot ang iyong balat" panay ang papuri niya sa akin, "ngunit taglay mo rin ang kaisugang ipinamalas mo nang sandaling dumating ka sa aming puod. Sabihin mo, bakit kailangan mong magpanggap bilang isang lalaki?"

"Nagkakamali kayo! Hindi ako nagpanggap. Hindi ganoon ang nangyari!" Paano ko ba ipaliliwanag sa kaniya na sinukat ko lang ang costume at nangyari na lang ang lahat na parang magic, na nagteleport ako from present to past? "Pakiusap, h'wag mo akong.....isumbong sa rajah!" Hindi ko alam kung pakikinggan niya ako, pero sana naman, kahit ngayon lang. Paano kung parusahan na naman ako dahil sa pagsisinungaling? Ano na naman kayang hindi makataong parusa ang igagawad nila? Diyos ko po, h'wag naman sanang itali ako sa langgaman!!! Tsk! Ano ba 'tong naiisip ko?

Habang nagsusumamo ako sa matanda at umaarte sa harapan niya, naramdaman kong may nilalang na pumasok sa silid kung nasaan ako at nang napatingin ako sa direksiyon niya ay isang malakas na sampal ang isinalubong niya sa akin.

SandigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon