Salamat ko'y lubos lubos
Kung halagahan ang pagod
Kahit 'di kalugod-lugod
Malalim din 'pag natutopPangalang aking ginamit
Dito'y aking mababanggit
H'wag n'yo sanang ikagalit
Sakaling may pagkakahawigAng aking mga tauhan
Pawang kathang isip lamang
Malayo sa totohanan
Pawang walang katibayanSakaling may pagkukulang
At hindi ninyo nagustuhan
Hiling ko'y kapatawaran
Ako'y hamak na tao langDalangin ko'y h'wag husgahan
Itong angking kaliitan
Kung may lisya't kamalian
Agad sa 'ki'y ipaalamKung iyo namang naibigan
Akdang aking pinagpaguran
Huwag sanang tatangkain
Akdang ito ay ariin
BINABASA MO ANG
Sandig
Ficção HistóricaSa kwentong ito, hayaan ninyong ipakilala ko si Sunshine, isang dalagang pasaway at mahilig tumakas mula sa mga bantay niya at sa istrikto niyang daddy. Makulit, sakit sa ulo at madulas pa sa palos kung lumusot kaya naman lagi niyang natatakasan ang...