Ikalabing-pito

477 34 6
                                    

Ang saya'y iyong dalhin
Tumakbo ka ng matulin
Hayaan ng walang sapin
Panyapak mong gusgusin

Ano pa bang mas hihigit
Ang maligtas sa panganib
Kaya naman binibini
Sa sukab, h'wag kang pahuli

Sunshine Marie~

Nagising ako sa pamilyar na  silid. Alam kong napuntahan ko na ito dati, at kagaya rin noon, nagmulat ako na nakasuot ng camisa at saya. Hindi ko maintindihan kung bakit nandito na naman ako at ang matandang iyon ang unang tumambad sa paningin ko. Muli na naman ba kaming naglakbay ni Mr. Fairy? Pero bakit dito?

“Mr. Fairy? Fairy!”

"Mabuti naman at gising ka na!"

"Pu—punong babaylan!" Hindi ako makapaniwala. Ako ang kinakausap niya, tama ba?

"Kumusta ang pakiramdam mo?"

Nakumpirma ko na ako nga ang tinatanong niya sa pagkakataong ito. Kung ganoon, ibig sabihin pala, totoong buhay pa ako. Buhay ako at nandiyo na naman ako sa panahong ito.
"Masakit pa ang sugat sa dibdib ko pero kaya ko ng——"

"Mabuti, sapagkat ngayong gabi ay maglalakbay tayo!"

"Maglalakbay? Patungo saan?" Ewan ko ba pero, kutob kong may hindi magandang pinaplano ang matandang 'to. Ang lakas kasi ng kabog ng dibdib ko. Feeling ko, nagpa-palpitate ako ngayon. Ano ba'ng tumatakbo sa isip niya?

"Nais kong magtungo sa pamilihan at sasamahan mo ako. Malayo iyon kung kaya't ngayong gabi ay maglalakbay tayo." nakangising tugon ni tanda.

"Bago tayo umalis, maaari ko bang makausap ang rajah?"

Pinandilatan niya ako at inilapit ang mukha sa akin, "Bakit nais mo siyang makausap? Sa akala mo ba'y haharapin ka ng rajah? Ang rajah na siyang nagtangka sa iyong buhay?"

Natahimik ako sa sinabi niya. Totoo nga, malinaw pa sa akin ang lahat. Nakatayo ako sa harapan ng bahay ni Usbog. Hinihintay ko na lumabas siya, nang biglang dumating ang rajah at walang alinlangang pinaalpas ang isang palaso patungo sa direksyon ko. Ngunit sa ano'ng dahilan at gusto niya akong patayin?

"Tahimik ka Sinag. Totoo ang sinabi ko, hindi ba?"

"Tama ka, ginawa nga iyon ng rajah, kaya nais ko siyang makausap. Gusto kong malaman ang dahilan kung bakit——"

"At ano? Magpapakilala ka? Na ikaw si Sinag? Upang higit ka niyang parusahan sa salang panlilinlang!"

Habang nagsasalita siya'y bilis-bilis akong tumakbo palabas ng silid na iyon. Matanda na siya kaya alam kong hindi niya ako maaabutan. "Sinag, bumalik ka dito!!!" rinig ko pang sigaw niya pero binalewala ko lang. Importanteng makarating ako sa rajah. Kailangan kong magpakilala sa kaniya. Mas magiging malala ang sitwasyon kung sa ibang tao pa niya malalaman ang buong katotohanan!

"Tigil!" isang pamilyar na tinig ang umantala sa aking pagtakbo. Ang malditang si Marikit! At may kasama siyang mga sandig ng rajah.

"Hulihin ninyo siya at bihagin!" utos niya sa mga sandig.

"Ngunit sa ano'ng kadahilanan, Binibining Marikit? Tulad mo'y isa rin siyang kabigha-bighaning binibini!" tila nag-aalinlangan ang mga sandig na sundin ang ipinag-uutos niya.

"H'wag ninyo siyang tawaging binibini! Hindi iyon nararapat sa isang salot na magnanakaw na tulad niya!"

Tinapunan ako ng mapanuring tingin ng mga sandig ng rajah, tila naghahanap sila ng katiyakan sa pahayag ng kanilang binibini.

SandigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon