“h'wag mong tignan ang kanyang katayuan dahil hindi iyon sukatan ng kanyang dangal. Madalas, ang mga tinatawag nating marangal ay sino pa'ng gumagawa ng kabalbalan”Ag-ul
Kaysarap sa pakiramdam
Nadarama'y mapagbigyan
Dating isang panaginip
Ngayo'y akin nang nakamitHindi ko lubos maisip
Magagawa yaring nais
Ang labis na pananabik
Idinaan sa 'sang halikMga labi niyang kay lambot
Sa katulad kong mapusok
Sino ang 'di matutukso
Ako lamang ay 'sang taoHabang aking nilalasap
Ang halik niyang ano'ng sarap
Mga mata'y walang kurap
Nang-aakit, nangungusapHalos-kalahating oras na ang nakalilipas mula nang maghiwalay ang aming mga labi at nananatili kaming nakatahimik lang. Walang nagsasalita. Walang may gustong basagin ang katahimikan. Nakakahiya ba'ng gawin ang bagay na 'to? Tila yata nawala ang tapang ko pagkatapos ng nangyari.
“Tila yata ninanamnam ninyo ang kapayapaan ng gabing ito!”
Sabay kaming napalingon sa likuran kung saan nanggagaling ang tinig na 'yon. Ang kaibigan kong si Kalasag pala, papalapit siya sa amin. Inanyayahan ko siyang maupo sa pamamagitan ng tingin na agad naman niyang naintindihan at ginawa.
“Bakit hindi kayo nag-uusap?” tumingin siya sa aming dalawa, “marahil ay nainip kayo sa paghihintay sa akin. Paumanhin kung ako'y natagalan”.
“Hindi, ayos lamang kami. Kumusta na si Alina?” baling ni Sinag.
“Nakatulog na siya” nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga at saka tumingin sa akin, “Ano'ng gagawin ko Ag-ul? Ipinagtapat sa akin ni Alina ang kanyang damdamin habang siya'y nasa ilalim ng kapangyarihan na dulot ng pangasi.”
“Wala akong nakikitang dahilan upang siya'y iyong tanggihan sapagkat bukod sa maganda ang kanyang mukha, balingkinitan rin ang kanyang katawan” nakita kong nanlisik ang mga mata ni Sinag sa mga sinabi ko, mukhang hindi niya naibigan ito.
“Batid mong hindi ang panlabas na anyo ang tinutukoy ko. Ako ang kanilang pinuno at si Alina ay tagapagbigay lamang ng aliw sa mga timawa at mararangal na tao”
“kaibigan”, umakbay ako sa balikat niya “h'wag mong tignan ang kanyang katayuan dahil hindi iyon sukatan ng kanyang dangal. Madalas, ang mga tinatawag nating marangal ay sino pa'ng gumagawa ng kabalbalan”.
“Isa ka ngang tunay na mahusay na pinuno. Napapahanga mo ako sa 'yong paniniwala.”
“Dalawampung taon na ang nakalilipas Kalasag. Palayain mo na ang 'yong sarili.” Napalitan ng ngiti ang kanina'y seryoso niyang labi at saya ang kanina'y walang emosyon niyang mga mata. Alam kong nahikayat siya sa aking mga sinabi. Hindi naman talaga ganoon kadali ang tumalikod sa isang pangako lalo pa nga at sa isang taong pinagkakautangan mo ng loob. Si Sari, hinahanap niya pa rin ang batang 'yon bilang pagtupad sa pangako sa dating pinuno ng banwang ito na si Dat-u Laki.
“Ba't ganyan kayo? Ang seseryoso ninyo naman, naa-out of place ako?”
Arrrggh, nakalimutan kong may banyaga pala kaming kasama dito, este dilang banyaga.
“Paumanhin!” halos nagkasabay kami ni Kalasag sa pagsasalita.
“Uminom na lamang tayo” habang sina¹sabi iyon, nagsasalin na siya ng pangasi at iniabot sa amin. Tinanggap ko na lamang iyon mula sa kanya. Kahit papaano'y nawala na ang hiya sa nangyari sa aming dalawa kanina. Naibsan na ito ng pangasi at ng idinulog sa amin ni Kalasag. Mabuti na lang talaga dumating siya.
BINABASA MO ANG
Sandig
Historical FictionSa kwentong ito, hayaan ninyong ipakilala ko si Sunshine, isang dalagang pasaway at mahilig tumakas mula sa mga bantay niya at sa istrikto niyang daddy. Makulit, sakit sa ulo at madulas pa sa palos kung lumusot kaya naman lagi niyang natatakasan ang...