Ika-labing siyam

434 29 0
                                    

Upang sila ay kumagat
Sa ihahain mong bitag
Siguruhin na masarap
Mapanlinlang at 'di palpak

Sa puod ni Datu Kalasag

Sinag~

"Napakapalad ng iyong banwang pinaglilingkuran at minamahal, sapagkat bihira ang mayuming binibini na katulad mo na handang isakripisyo ang sarili para sa kaniyang kasama", tila puno ng paghanga ang bawat salitang namumutawi sa labi ng datu'ng ito. Ano ba 'yong word na ginamit ko? Masyado na yata akong nahahawa sa mga tao rito.

Kung hindi ko lang alam kung gaano siya kalupit magpataw ng parusa, siguro ay natangay na ako ng matamis niyang dila.

"Tahimik ka binibini, sayang, kabigha-bighani ang iyong mukha at kahali-halina ang manipis mong labi, danga't maramot kang ngumiti."

Sinasabi niya ba'ng dapat ko siyang ngitian? Aba! Swerte niya, hmmmp! Palihim akong nagpukol sa kaniya ng matalim na irap. Ang presko niya kasi e.

Nandirito pa rin kami sa pamilihan. Sinamantala ko na rin ang pagkakataong iyon upang makapag-ikot-ikot. Kasama ko naman ang namamahala sa pamilihang ito kaya siguro naman hindi na ako maikakalakal. Mas nilakihan ko ang paghakbang ko upang dumistansya sa romantikong lalaking 'yon.

"Paumanhin mahal na datu, ngunit likas na mahiyain ang aming binibini", si Tantoy ang nagsalita para sa akin.

"Ganoon ba?" sumulyap sa kaniya ang datu, "Nahihiya sa akin ang inyong binibini?" pilyong napangiti ang datu. Bumaling siya sa akin. Wait lang, what is he probably thinking?

Habang tila napapaso ako sa mga tinging ipinupukol sa akin ng datu, naramdaman kong may isa pang nagmamanman sa akin. Sinundan ko iyon ng tingin at hindi nga ako nagkamali. Kahit medyo malayo ang distansya, kitang-kita ko pa rin ang isang matandang babae, nakatayo siya malapit sa tindahan ng mga tela at kagamitan sa pagsusulsi, at ang dalawang mata niya ay nakapako sa direksyon na kinatatayuan ko. Bakit kaya? Baka naman ma-matanda na ako dahil sa kaniya. Ilang sandali pa, napansin kong tila ngumingiti siya at itinaas niya pa ang kamay sa ere. Kumakaway siya? Sa akin?

Hindi ako makapaniwala. Kilala ko ba siya? Bahagya akong napahakbang paatras ngunit isang pagkakamali pala iyon sapagkat bumangga ang aking likod sa matipunong dibdib ng datu na nasa likuran ko lang pala. Dahil doon 'di ko naiwasang lumingon sa kaniya at kumakaway din siya? Ah, so siya pala ang kinakawayan ng matanda! Akala ko naman ako! Napahiya naman ako ng konti do'n!

Habang nasa ganito kaming sitwasyon, dalawang lalaking mangangalakal ang lumapit sa amin at nag-usisa, "Ikaw nga ba si Binibining Sinag?"

"Sinag?" ulit ni Tantoy sa sinabi ng dalawang lalaki, kasabay ng pagpukol sa 'kin ng tingin'g nagtataka.

"Opo, ako po si Sinag", pagsang-ayon ko sa dalawa. Sinipat nila ako ng mapanuring tingin.

"Hindi ko batid na may labis na kabigha-bighaning kapatid si Rajah Ag-ul", mahinang usapan ng dalawa, ngunit hindi naman iyon nakaligtas sa aming pandinig.

"Tama ba ang dinig ko? Kinikilala ninyo ako bilang....kapatid ni Rajah Ag-ul?" hindi ko na napigilang magtanong sa kanila.

"Sapagkat iyon ang ipinabatid sa amin ng punong-babaylan na umangkat ng aming mga kalakal. Ang sabi niya, lumapit kami sa'yo at kunin ang kabayaran ng mga kalakal na kaniyang naibigan."

"Ha? Pe—pero...waw-wala akong pera!" ay, parang mali yata ang nasabi ko, "Ibig kong sabihin, waw-wala akong anumang salapi, bulawan, o kayamanan!"

"WALA KAYONG PAMBAYAD?" pinandilatan nila ako ng mata.

"Kung gano'n, ang ginawa ng inyong punong-babaylan ay maituturing na isang uri ng pagnanakaw!"

"At bilang kabayaran", suson ng isa pa, "nararapat lamang na maglingkod ka sa amin sa loob ng tatlong pagbilog ng buwan!"

SandigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon