[48]

2.1K 27 0
                                    

Sam's POV

--

Andito ako ngayon sa kwarto ko, nagmumukmok. Lagi naman eh. Di parin talaga nagsisink in sa'kin ang mga pangyayari. Pansin ko rin sa sarili ko na namamayat ako. Pa'no ba naman kasi eh kung kumain ako isang kutsara lang. So bale 3 spoons everyday. Parang gusto ko na ring mamatay sapagkat gustong-gusto kong sumunod kay Thunder. Hindi talaga ako lumalabas ng kwarto ko. Lumalabas lang ako sa kwarto kapag tinatawag ako na andun daw sa baba mga kaibigan ko. Nakakagulat lang kasi hindi naman ako nag-imbita sa kanila na pumunta dito sa lamay ni Thunder. Pero sige nalang, yaan ko nalang, nakikiramay lang talaga yung mga yun. Speaking of Thunder-- di ko pa siya nakikita sa loob ng kabaong niya.  Wala rin akong balak tumingin. Baka kasi bigla ko siyang kunin dun at itali sa katawan ko para forever and ever kami. Pero hindi pwede yun. Gosh! Kung anu-ano na ang iniisip mo, Sam! Ang pait lang ng buhay. Why can we be together till the end?! Why? Why is the life so mean? My life's so mean to me! I know I can't love anyone as much as I love, Thunder. Taena iyak na naman ako neto--




"Sam, pupunta na tayong simbahan. Bihis ka na. Ito suotin mo." Sabi ni Venus sa'kin na biglang pumasok sa kwarto ko. Nilagay niya sa ibabaw ng kama ko ang isang white dress. Kinuha ko 'yon at tiningnan. Ba't ang gara naman ata? Pupunta ako sa libing, hindi sa kasal. I don't like wearing that dress. I'm not fond of wearing sexy dresses. Tss kaya naman kinuha ko sa cabinet ko ang isang T-Shirt na may nakasulat na "God will make a way". I prepared my things na and immediately went to the bathroom. .



After a couple of minutes, bumaba na ako. And I guess no one notices me na andito ako ngayon sa hagdanan-- nakamasid sa kanila. Until I hear someone talking so agad akong pumunta kung saan nanggaling ang boses. Pumunta akong kusina nang dahan-dahan at sumilip-- si Chan, may katawag.



"Oo oo. Papunta na kami diyan. E ready niyo na ang mga music at ayusin niyo lahat diyan ha! Wag kayong pumalpak kundi malalagot kayo! Ang suot ni-- Oo nga ang kulit! Ayusin mo na ang suot ni--" Di ko narinig nang tapos ang sinasabi ni Chan sapagkat bigla akong nagulat sa humawak sa'kin. Si Andrea.



"What are you doing here?" tanong niya sa'kin at sumilip din sa Kusina. Napakamot nalang ako sa ulo ko at umalis. Habang naglalakad ako patungo sa labas upang sumakay na sa kotse, nagkatagpo ang landas namin ni Venus. She was looking at me from head to my toe. "What's the matter?" I asked.




"Why aren't you wearing the dress I gave you?" She asked me na para bang gulat na gulat siya. Tiningnan ko ang suot kong puting T-Shirt at black na jeans. . . Okay naman ah? Wala ako sa mood makipag-usap sa mga tao ngayon kaya umalis ako sa harapan niya kaso bigla niya akong pinigilan. Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin lang ako sa kan'ya at sa kamay niyang nakahawak sa'kin at sa kan'ya ulit kaya naman bumitaw siya at nagsorry. " Sure ka bang gusto mo pa mabuhay?" Tanong ko lang sa kan'ya at napalunok siya. Alam kong alam niya ang ibig kong sabihin. Tss. Kagigil!




--------





Pagkarating namin sa simbahan, mga iilan pa lamang ang nandun. Halos mga lahat ng angkan ni Thunder present! Grabe talaga-- parang reunion ng mga McKnight ah! Tsss



Umupo ako dun sa ikalimang upuan sa simbahan kaya mejo malapit lang ako sa kabaong na nakalagay na sa gitna. Naiiyak na naman ako nang makita ko ang kabaong. Tangina naman! Thunder kasi-- nang-iiwan ka eh! Akala ko ba mahal mo ako ha? Ba't mo'ko sinasaktan? Ba't mo'ko iniwan ha?!



Nagsimula nang magbigay ng mensahe ang Papa ni Thunder. Ang haba ng mensahe ni Mr. McKnight kaya naman napahagulgol ako ng iyak sa mensahe niya para kay Thunder pero-- ang awkward lang kasi parang ako lang nag umiiyak . . . Pero kapag lumilingon naman ako sa lahat ng tao dito sa simbahan, nagpupunas sila ng ilong at mata kahit alam kong di sila umiiyak. Nag-aacting lang ba sila? Tss mga walang kwentang kapamilya! Pansin ko rin na ang daming kaklase ni Thunder dito-- pati rin sa'kin. Andami ko rin palang mga kapamilya dito sa libing ni Thunder. Hays. Hanggang sa natapos ang mensahe at iba pang gawa. Napagkasunduan namin noon na magdedicate ako ng kanta para kay Thunder.



Secretly Married To A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon