🍀Chapter 3🍀

215 2 0
                                    

Umuwi ako nang bahay pagkatapos kaagad nang klasi. Hindi na ako nagpaalam pa sa mga kaibigan ko dahil wala ako sa mood para manatili doon. All of them stares at me like they're judging me. Bakit ba? Why are they meddling with the profession I want?. Lahat ba nang tao sa mundo ay ganoon? Kung ano ang nakasanayan at una nilang nakita ay iyon din dapat ang paniniwalaan?. Naabutan ko si daddy sa loob nang bahay habang nagbabasa nang mga papeles niya sa mesa.

"Good afternoon, papa",bati ko sa kanya at umambang lalapit upang magmano pero suminyas lamang siya na palayuin ako sa kanya dahil may ginagawa siya.

"Busy ako",aniya sa akin na hindi man lang nakatingin. I want his attention so bad. Simula noong nawala si mama ay ganito na siya.

Hindi man kami masyadong close noon pero mas lumayo ang damdamin niya sa akin. Umakyat ako nang hagdanan nang nasa gitna na ako nang stair case ay narinig ko si daddy na may kausap sa cellphone niya.

Hindi ko mawari ang pinag-uusapan nila dahil hindi ko naman narinig si daddy dahil sa hina nang boses nito. But the thing that broke my heart is his smile. Nagawa niyang ngumiti sa kausap niya sa cellphone niya kahit hindi siya nito nakikita samantalang ako.......wag nalang...

Nagpatuloy ako at pumasok sa kwarto bago ito isinara ay naramdaman ko ang pag-agos nang mga luha ko. My life is very difficult. I really want to give up pero hindi ko kayang tapusin ang buhay ko dahil gusto ko pang makita ang kinabukasan at kung ano man ang kalalabasan nitong paghihirap ko.

I lock myself in the room. Staving myself at naghintay para tawagin ni papa sa hapunan pero wala akong narinig na tawag galing sa kanya. Ang pag-alis lamang nang kanyang sasakyan ang narinig ko palabas nang gate namin. Dahil sa naramdaman kong gutom ay lumabas ako nang kwarto upang kumain. Nadatnan ko ang kusina na maraming kalat na mga papeles ni papa.

Iniligpit ko iyon at ipinasok sa leather bag niya. Abala ako sa pagliligpit nito nang nasagi nang braso ko ang isang tasa nang malamig na kape sa counter table at namantsahan ang mga papeles ni papa. Nanlaki ang mga mata ko at dali-daling inilagay sa microwave upang matuyo ito. Lagot ako nito. Nagluto na rin ako nang pagkain ko sa kusina at kumain. Nagtira naman ako para sa kay papa, baka gutumin siya pagdating niya dito. Pagkatapos ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko at ililigpit na sana ang mga papeles niya nang biglang tumunog nang malakas ang pinto at iniluwa nito si papa.

"Anong ginagawa mo diyan?",tanong niya kaagad nang makita ako doon na hawak ang mga papeles niya.

"Papa--",hindi ko na natapos dahil bigla niyang dinampot galing sa mga kamay ko ang may mantsa nang kape na mga papeles niya.

"Anong ginawa mo dito!?",malakas na sigaw niya sa akin. Napatalon ako sa takot at umatras.

"Papa, sorry kasi--",napayuko ako nang itulak niya ako palayo sa kanya at nilagpasan para ipasok ang mga ito sa leather bag niya.

"Nangingialam ka. Akala ko ba hindi ka interesado sa pag la-law? Alam mo ba kung gaano ka importante ito!?",he shouted again. Napaiyak ako dahil doon. All my life, I've been living under the shed of tears. Sa pagmomodel ko nalang naipapakita ang ngiti ko at sa mga panahong kasama ko ang mga kaibigan ko.

"Wala ka nang ibang ginawa kundi ay ipahiya ang pangalan ko sa maraming tao!",sigaw niya."You're not fit to be a 'Vergara' kasi wala kang kwenta. Nakakahiya ka lang sa pamilyang ito!."

"Kailan ba ako hindi nakakahiya sa inyo, papa? Alam mo ba na araw-araw akong nilalait nang mga mata nang mga tao dahil sa pagiging 'Vergara' ko?",sigaw ko rin sa kanya na may halong pighati. I'm crying."Kasi isa akong 'Vergara' at pamilya tayo nang mga sinungaling!."

Pak!

Ramdam ko ang pamumula nang pisngi ko dahil sa sampal na iyon ni papa. Mabilis na lumipad ang palad ko dito upang indain ang sakit. This is too much. Hindi ko na kaya. I wish I would just disappear from this world para naman hindi ko na maramdaman ang sakit na ito.

"Mag-ingat ka sa pananalita mo! Diyan tayo nabubuhay, sa pera!",sigaw niya.

"Sa pera nang mga kliyente mong handang magbayad matakpan lang ang kasamaang ginawa nila. Ganoon ba, papa? Kung ganoon handa akong magiging pulubi para hindi makain ang mga perang galing sa mga sinungaling",sigaw ko ulit sa kanya.

"Ginagawa ko ang trabaho ko at ayaw kong madungisan ang pangalan ko as a perfect lawyer",aniya.

Napairap ako kahit puno nang luha ang mga mata. Yeah, right? The Vergara's can't be a family of lawyer kung hindi ito magagaling sa korte.

"At kung ayaw mong mabuhay sa mga perang ibinigay ko sayo. Pwes, maghanap ka nang paraan para mabayaran mo to kapalit nang pag-papaaral ko sayo sa arkitekto",tinapon niya sa harapan ko ang isang brown na envelope sa harapan ko. "And, get out of my house",aniya bago ako tuloyang talikuran.

Hindi kaagad naproseso nang utak ko ang huling sinabi ni papa dahil nakatuon ang buong atensyon ko sa envelope. Binuksan ko ito at nanlaki ang mga mata ko.

A letter from City of Debt Collection. May limang milyong utang si papa sa may-ari nang The FONT Holdings Industries?. Bakit may utang siya dito gayung malaki naman ang mga perang kinikita niya sa pagla-lawyer niya? May malaking katanongan ang namumuo sa isip ko dahil doon. Nanatili ako doon sa kusina at nag-isip nang paraan kung paano ko babayaran ang utang na iyon. Maybe I can ask the owner of that company to extend a time for my father's debt. Hindi madaling bayaran ang limang milyon na iyon at mas lalong impossible dahil ako ang pagbabayarin ni papa kapalit nang pag-aaral ko.

Maybe, I can beg for the owner right? Baka pwede akong magtrabaho doon kapalit nang kabayaran?. Pwede ding ganoon. Kinaumagahan ay maaga akong gumising upang maagang makapasok sa school. I will ask Daisy what's the best solution for this. She's smart. I know she has an idea for this. Aalis na sana ako nang mahagip nang mata ko si papa na nag-aalmusal sa kusina. Tumingin siya sa akin sandali.

"Bakit ka pa nandito? Diba ay pina-alis na kita kagabi?",aniya habang kumakain.

"Papa--"

"I already transfer a money to your account para makabili ka na nang condo mo. I don't want a disgrace person live inside my house",malamig na utas niya sa akin.

"Okay po. Kukunin ko lang ang mga gamit ko bukas",sabi ko at pilit na tinapangan ang boses.

This is it. I can finally get out from this hell made of him. Sana naman ay mabayaran ko na diba? Sana ay mag pag-aasa kahit kunti lang. Sana..... Lumabas na ako nang bahay para makapasok na sa eskwela. Wala na akong masyadong gagawing plates dahil naipasa ko na lahat kahapon. "Saan po, maam?",tanong nang taxi driver

"Sa St. Matthew University, po manong",sagot ko naman at sumandal sa bintana nang taxi. Sana may kakarampot na pag-asa akong makuha sa araw na ito.

SOMETHING LIKE FATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon