🍀Chapter 23🍀

120 1 0
                                    

I spen my whole day in our school so bored. Meron naman akong nakakausap, iyong mga kaklase kong galit din kay Joyce. They are once used by her at sila ang pinapagawa nang mga plates niya. I thought she's kind pero iyon naman pala, may tinatagong sungay at buntot.

"Adrianna, sali ka sa group namin para sa thesis. Absent ka kasi kahapon",tawag ni April sa akin. Ngumiti naman si Jolina sa akin at kumaway din.

"Oo nga. Tatlo ang ibang group tapos dalawa lang kami",sabi naman ni Jolina sa akin kaya mabilis akong lumapit sa kanila.

"Oo ba",natatawang sabi ko sabay upo sa nakalaang upuan para sa akin sa round table. Wala nang pasok ngayon dahil puro thesis na ang inaatupag naming mga architecture dahil sa nalalapit na defense at graduation namin.

"Ito pala ang problems natin. Ikaw nalang ang pumili sa magiging topic natin, naguguluhan kasi kami kahapon ni Jolina",sabi ni April sabay bigay sa akin nang notebook niya kung saan may nakalagay sa problems na pwede naming gawing topic. Binasa ko ang limang problems na nakalista doon at pumili nang isa na iyong medyo madali lang. Gumawa na rin ako nang guide questions para tuloy-tuloy na kami.

"Nakapili ka na?",tanong ni Jolina sa akin habang nakatingin sa sinusulat ko. "Ah, oo",sagot ko. "Itong modern art museum nalang",dagdag ko ang nagsulat muli nang guide questions.

"Sige iyan na",aniya sa akin nagtipa sa laptop na nasa harap niya.

"Matanong ko lang, bakit kayo nag-aaway ni Joyce kanina Adrianna?",tanong ni Jolina sa akin. Bumuntong hininga ako.

"Nagalit siya kasi napahiya siya sa reporting nila. She ask and answer from me pero hindi k binigyan dahil napagalitan ako dahil sa kanya noong nakaraang araw dahil pinagawa niya ako nang plates niya tapos nakita kami nang prof",mahabang paliwanag ko sa kanya na ikinaismid niya.

"Kaya nga ayaw ko sa kanya. Masyado siyang mapagmataas akala niya kung sino siyang mayaman",padabog na sabi ni Jolina kaya natawa kami ni April.

"Jols, masisira iyang keyboard mo",tawa ni April sabay turo sa laptop nito.

"Galit talaga ako sa babaeng iyan",she continued."Diba absent ka kahapon? Alam mo ba kung ano ang ginawa niya sa akin?",tanong ni Jolina sa akin. Umiling ako at natawa.

"Hindi, absent ako eh",sabi ko sa kanya.

"Ay! Oo nga pala absent ka nga. Binuhusan niya nang ink ang kakatapos ko lang na plates, girl! Pinagpuyatan ko pa iyon at hindi pa ako nakatulog dahil doon!",she said frustratedly.

"Tama na nga ang paninira niyo sa kanya. By the way, papalapit sila dito",pabulong na sabi ni April sa amin kaya napatingin kami ni Jolina sa hallway kung nasaan naglalakad si Joyce kasama ang alipores niyang mukhang paa.

"Hayaan mo na ang mga iyan",sabi ko at itinuon ang atensyon sa pagsusulat. Marami na akong naburang mga tanong dahil hindi fit-in sa topic namin. Hindi rin naman ito e-aaprove nang prof pag mali ang guide questions.

"April, ikaw na gumawa nang specific questions sa general question number one",sabi ko at binigay sa kanya ang papel.

"Ibalik mo nalang sa akin pag tapos ka na." Dumaan sa harap namin sina Joyce pero hindi na nila kami ginambala. Natauhan siguro kanina. Akala niya sobrang bait ko. Hmmm, hindi kaya. Nakaya ko ngang mabuhay kasama ang gwapong beast na iyon. Wait....speaking of beast. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at nitext ko siya.

Ako:

Mr. Beast, medyo matatagalan ako kasi gumawa pa kami nang thesis.

Iyon nag naging mensahe ko sa kanya at ilang segundo lang ay nagreply na kaagad siya.

Mr. Beast:

Nasaan ka? Pupuntahan kita.

Nanlaki ang mga mata ko sa naging reply niya sa akin.

Ako:

Nasa school campus ako. Wag na, Mr. Beast.

Mr. Beast:

I'm at your school main gate. Papasok na ako, nasaan ka na?

Dahil malapit lang sa main gate ang round table na inuupuan namin ay nakita ko siyang palingon-lingon sa paligid habang pinagkakaguluhan siya nang mga kababaehan doon. Nakita ko pang nakisiksik si Joyce doon at hinarangan si Ashton. Mabilis na kumulo ang dugo ko pero nawala naman iyon nang nilagpasan lang ito ni Ashton at hindi pinansin. Mabilis ang kanyang lakad papunta sa akin. He smiles at me tsaka hinalikan kaagad ang aking noo.

"Good afternoon, honey",bati niya sa akin tsaka umupo sa tabi ko at nilagay sa kandungan niya ang bag ko.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit ka pumasok? Pinayagan ka ba?",sunod-sunod na tanong ko sa kanya habang nakakunot noong nakatingin sa kanya.

"Hindi ba pwede namiss kita kaya ako nandito?",pinulupot niya ang braso niya sa beywang ko at nilalaro nang isang kamay niya ang strap nang bag ko."Alumni ako dito", sabi niya pa.

"Dito ka grumaduate?",gulat na tanong ko sa kanya.

"One of the Dean lister",sagot niya na may halong pagmamayabang. Matalino rin pala ang isang ito. Of course, its obvious kasi nga magaling siya sa paghawak nang negosyo diba tapos executive director? He's a beast in business and in the industrial field. Hindi na ako nagsalita pa at bumalik sa pagsusulat.

"Ummm, Adrianna, baka may lakad pa kayo, pwedeng mauna ka na. Malaki naman nang naitulong mo",nahihiyang sabi ni Jolina sa akin. Tumango naman si April.

"Oo nga, baka may pupuntahan pa kayo",sabay turo niya sa kasama kong nakayuko habang nakatingin sa strap nang bag ko. Tiningnan ko naman siya na para bang may nakakaaliw doon sa paglalaro sa strap nang bag ko.

"Hindi na, tatapusin muna natin to",sabi ko sa kanila. "Ummm mahaba pa naman ang oras, e. Tsaka.... sige na Adrianna, mauna ka na. Salamat pala sa topic at sa guide questions",nangingiting sabi ni Jolina sa akin. Wala akong nagawa kundi ay ang tumango sa kanila.

"O, sige pero bukas tatapusin natin to",paninigurado ko sa kanila.

"Oo naman. Grades natin ang nakasasalay dito",tumawa ang dalawa bago kami nagpaalam sa kanila.

SOMETHING LIKE FATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon