🍀Chapter 36🍀

121 1 0
                                    

This is it. Our graduation day. Imbis na masaya ako ay hindi ko magawang ngumiti. Sa kanila Daisy ako natutulog kagabi kasama sina Suzy at Zoe. Papunta na kami sa Prosperity Hall sa kung saan gaganapin ang graduation namin. Pareho silang maiingay habang nasa SUV van kami. Nakabihis na kami at mommy ni Daisy angnag make-up sa amin.

Daisy's sister will be my escort. She said yes nang tanungin namin siya ni Daisy. Mababait ang mga magulang at kapatid ni Daisy. They understand my situation at sabi nga nila na noong pinalayas ako ni papa ay dapat ay sa kanila ako tumuloy. Nahihiya ako sa kabaitan nilang pinakita sa akin. Napangiti na lamang ako nang papasok na kami sa Prosperity Hall habang magkahawak ang kamay namin ni Ate Cassy, na ate ni Daisy.

"Are you nervous?",tanong niya sa akin. Nakangiti.

"A little",tumawa ako habang nakatingin sa harapan. Lumingon ako at ngumiti sa kanya.

She smiled back at me at tinapik ang kamay ko. "Ganyan din naman ako noong grumaduate ako",tumawa rin siya sa akin at sabay kaming umupo.

Medyo mahaba ang program na ginanap lalo na't marami ang grumaduate at alas nuwebe nang umaga nagsisimula. Ginugutom na nga ako bago pa kami pumunta sa harapan upang kunin ang diploma. Winagayway ko ito habang nakatingin sa kanila Suzy at Zoe.

Ngumiti sila at winagayway din ang kanilang diploma sa akin. Pagkatapos nang program ay oras na para magkanya-kanyang kuha nang litrato. Picture dito, picture doon. Click dito, click doon. May professional photographer na kinuha ang mommy nila Daisy at nag family picture sila na kasama ako. Kaming magbarkada. Picture na kasama si Ate Cassy. Marami na kaming na pose na kung anu-ano sa pictures na kinuha.

Nagtawanan pa kami habang papalabas nang Hall. Salamat at grumaduate na kami nang college at makapagtrabaho na ako. Sabay kaming apat na naglalakad sa hallway dahil may little celebration 'kuno'. Nagbatuhan sila nang jokes. Hindi ako sumali sa kanila dahil may nakaagaw nang atensyon ko. Isang montero sport ang naka park malapit sa gate. May lalaking nakaputi ang nasa likorang bahagi nang sasakyan at isang matandang lalaki na naka eyeglasses ang nakatingin sa amin. Sa akin.

"Papa",bulong ko sa sarili ko. Ramdam ko ang palingon nila Suzy sa akin at napatingin din sa direksyon sa kung nasaan ako nakatingin.

"A-Adri, your dad",turo ni Zoe dito.

Tumulo ang luha sa mga mata ko at napangiti. Why is he here? I'm glad that he's okay. Mabilis kong tinakbo ang distansya namin at hindi ko na inisip na sumunod ba sila Daisy sa akin.

"Papa!",sigaw ko. He spread his arms wide open para salubungin ako nang yakap. His shulder vibrated as he hug me and laughs. Ramdam ko ang pagbasa nang aking balikat dahil sa luha niya. "Papa",sabi ko ulit.

"Anak, I'm sorry. I'm sorry for everything. Now I realize that you are more worthy than the money I have",aniya sa akin at hinaplos ang aking pisngi para alisin ang luha sa aking mga mata. I tilted my head and smile to him.

"It's okay, papa. I forgive you",matamis akong ngumiti sa kanya.

"That fast?",gulat na tanong niya.

"Papa, I love you",sabi ko at niyakap siya ulit.

"I love you, too. Sweetie. Promise, babawi ako. I'll be the father you want to be",aniya sa akin.

Magkasabay ang tawa at luha ko dahil sa nangyari. I know malaki ang kasalanan ni papa sa akin. At may tampo rin ako sa kanya pero hindi ako nagtatanim nang galit sa kabila nang ginawa niya. He is still my father and will always be. Ngayon he is willing to be the father I want to be, tatanggi pa ba ako? Matagal ko nang pinangarap na maramdaman ang pagmamahal nang isang ama, ngayon pa ba ako aayaw na nandito na? Now that he's willing to open up with me? Sobrang saya ko. Ito na siguro ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.

"Adri",naiiyak na sabi ni Suzy.

"We're so happy for you",sabay naman na sabi nila Daisy at Zoe.

"Nga pala, papa. Mga kaibigan ko. Si Daisy, Suzy at Zoe",pakilala ko sa mga ito.

"Salamat sa pagiging isang tunay na kaibigan nang anak ko, mga hija. Alam kong alam niyo na malaki ang pagkukulang ko sa kanya",nilingon ako ni papa.

"Opo, tito. Palagi niya pong kinukwento sa amin pero sabi niya, hindi naman daw siya galit sa inyo dahil papa niya pa rin po kayo kahit anong mangyari",sabi ni Suzy. "Salamat",tumango si papa sa kanila at ngumiti.

"I think, sa susunod nalang tayo mag celebrate, Adri. Sumama ka nalang muna sa papa mo",ani ni Daisy na may ngiti sa labi.

"Oo nga. Sige, text text nalang tayo kung kailan",nagpaalam na ang tatlo sa akin kaya kumaway nalang ako sa kanila at ngumiti.

"Saan mo gustong pumunta, anak?",tanong ni papa sa akin nang binuksan nang driver niya ang sasakyan.

"Ikaw bahala, papa. Saan mo ba gusto? Bakasyon naman tayo",tawa ko sa kanya.

"Okay, let's go for a vacation",ngiti niya sa akin."May pagkain sa likod, baka ginutom ka na",aniya sabay turo doon.

"Oo, kanina nga lang e",sabi ko at inabot ang take-out order nila from McDonalds. Nagsimula nang bumyahe ang sasakyan at binaybay nito ang hindi ko masyadong familiar na daan.

"Nakapunta ka na nang Port Moresby? Diyan ang daan",sabi ni papa sabay turo sa isang daan sa kung saan patungo ang Port Moresby. Napangiti ako sa alala ko diyan.

''Oo. Nakapunta na po ako diyan",sagot ko sa kanya at nakatuon ang tingin ko doon pero nilagpasan lang namin iyon.

"Naka punta ka na? Sinong kasama mo? Maganda diyan",ngiti ni papa.

"Si Ashton. The FONT only one heir",sabi ko sa kanya. Nakitaan ko nang lungkot ang mukha ni papa sa sinabi ko. Yumuko siya at hinawakan ang kamay ko.

"Anak, may kailangan kang malaman",panimula niya.

Umiling ako."Papa, alam ko na po",sabi ko sabay ngiti nang mapait. "You sold me to them kapalit nang utang mo dahil sa natalong kaso",dagdag ko sa kanya.

Umiling naman siya sa akin na nakakunot ang noo."You saw the contract?",aniya. Nagulat. Dahan-dahan akong tumango sa kanya.

"Opo, papa. I seen and read it",sabi ko.

SOMETHING LIKE FATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon