🍀Chapter 39🍀

123 1 0
                                    

Bumalik ito na bitbit ang dalang guitar na magkaiba ang ang kulay. Ang isa ay brown at ang isa ay itim.

"Oh! Sige, sino ang kakanta?",tanong ni Luka habang hawak ang itim na guitar at nasa kay Mark naman ang isa.

"Si Adrianna, siya iyong naka-isip e",sabay turo ni Judith sa akin.

"No, no. I don't sing",I protested pero puno na nang tawanan ang paligid kaya nalunod nang tawanan nila ang boses ko.

"Let's welcome, Adrianna Vergara. Ready sing!",Penpen annouced.

"Anong ready sing? Hindi ito hymn Pen",natatawang sabi ni Judith.

"Sige na nga, pero isang kanta lang ah tapos ikot para lahat tayo ay kakanta",sabi ko sa kanila.

"Oo ba. Basta ako ang huli",sabi ni Judith.

"So, it means ako ang susunod?",sabay turo ni Penpen sa sarili niya.

"OO!",sabay-sabay na sagot nang mga pinsan namin kaya nagtawanan kami. I cleared my throat and started humming a familiar tone of the song for me.

"kung ito man ang huling awiting aawitin
nais kong malaman mo, ika'y bahagi na nang buhay ko
Kung ito man ang huling awiting aawitin
nais kong sambitin, binigyan mo nang kulay ang mundo

Kasama kitang luluha At sa iyo ako'y may pag-asa, ahhh
Ang awiting ito'y para sa 'yo
at kung maubos ang tinig 'di magsisisi
dahil iyong narinig mula sa labi ko salamat, salamat, ahhh yeah, yea-eh'

"Yehey!",pumalakpak sila.

"Galing",sabi ni Luke. "Oh! Ikaw naman Pen",aniya dito.

"Beware kayo of my voice",aniya. Nagtawanan kami doon dahil sa sinabi niya. Umubo pa siya at hinilot ang dibdib.

"Oh, oh, oh, oh, oh wag na wag mong sasabihin
na hindi mo nadama itong
pag-ibig kong handang ibigay kahit pa kalayaan mo, oh,oh",she repeated the whole chorus bago tumigil sa pagkanta.
"That's it",aniya pa.

Sunod-sunod na ang pagkanta namin at umiikot para kaming lahat ang makakanta. Hanggang sa si Judith na iyong kakanta ay tinawanan niya lang kami. Pinalo niya pa ang katabi niyang si Ivan nang sanga nang kahoy bago kumanta.

"Aray Jud",reklamo ni Ivan.

"Mahal kita, basta't mahal kita, iniisip mo ba na hindi mahalaga, mahal kita't maging sino ka man",she sang a high pitch at sa huli ay pumiyok ang boses niya. Pinagtatawanan tuloy namin siya. Matagal pang nakarecover si Luke at halos masunog na rin iyong guitar dahil nahulog ito at muntik nang mapunta sa apoy.

"Tawa pa, Luke. Mabuti ka pa biniyayaan nang magandang boses",sabi ni Judith.

"J-Judith you're so---hahaahahaha",he can't continue his words dahil tumawa na naman ito.

"Luke, stop it. Pinagyayabang na naman niya iyang maganda niyang boses",sabi ni Penpen. "Alam mong iyan si Luke, Adrianna, may band iyan sa Manila at nagj-jam sila kasama ang co-engineering students na kaibigan niya. Si Vaughan nga ang vocalist nila e at si Migs",ani ni Penpen sa akin.

"Vaughan?",napatanong ako.

"Oo, Vaughan Castlelucci. Pero may asawa na iyon, si Yvette. Crush ko pa naman iyon dati pero mahal nang kaibigan ko",tawa ni Luke.

"I know them. Vaughan Castlelucci and Yvette Fontanella?",I ask.

"Oo, have you meet them?",tanong ni Luke.

"Yvette is the sister of my boss",sagot ko.

"Small world, huh. Pagmagkita ulit kayo ni Vaughan, pakikumusta nalang ako sa kanila nang asawa niya",tawa ni Luke.

"Kilala mo si Migs? Say hi to him for me",ngiti ni Penpen.

"No. Hindi ko sila kilala",umiling ako.

"I meet Vaughan and Yvette at The FONT",sabi ko.

"Ay! Ganoon pala?",ngumuso si Penpen.

"Pen, itext mo na kasi. May number ka naman na bigay ko diba?",ani ni Luke.

"E, nahihiya ako",sabi ni Penpen.

"Ikaw? Mahihiya? Ilang taon ka na sa korte at nahiya ka pa?",sabi ni Judith kay Penpen.

"Iba iyon. Wala akong crush doon kaya confident ako",aniya.

"Ang tunay na Attorney, hindi mahiyain",ani ni Ivan.

"E kasi pare-pareho kayong mahilig sa law, e kami ni Adrianna hindi kaya pasensya",nguso ni Pen.

"Iwan ko sa inyo",iling ni Luke.

"Sakay nalang tayo sa yate. Pupunta tayong Port Moresby para maligo",suhesyon niya.

"Pagagalitan tayo ni lola",ani ni Mark.

"Hindi. Basta sabihin lang natin na ipapasyal natin si Adrianna",ani ni Luke.

"Ginamit mo pa ako sa pagdadahilan mo ah. Pero gusto ko iyan, tara",sabi ko sa kanila.

SOMETHING LIKE FATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon