🍀Chapter 38🍀

123 1 0
                                    

Sumapit na ang gabi at malamig ang simoy nang hangin dito. The dark clouds remind me of his eyes. The every blow of the winds reminds me of his hot embraces. Ganoon ba talaga pag nagmahal ka no? Kapag malayo ka sa mahal mo ay kunting bagay ay mamimiss ko siya sa bawat paggalaw mo. Napansin kong may naglalakad sa likoran ko. Napalingon ako at nakita ko si Penpen na may dalang dalawang tasa nang hot chocolate. She handed me the one cup kaya tinanggap ko naman ito. She sat down in the white sand of the shore at pumikit.

"Maganda ang gabi dito",aniya sa akin.

"Oo nga eh. Wala ito sa Manila",ngiti ko sa kanya. Dinama ko rin ang hangin malakas na umiihip sa aing direksyon.

"Happy graduation nga pala",ngiti niya sa akin.

"Salamat, Pen",ngiti ko rin sa kanya. Para akong naawkward sa aming dalawa kasi hindi naman kami masyadong close at wala akong masyadong close sa mga pinsan ko on dad's side.

"Pasensya na ha. Kung masyado akong nagfefeeling close sayo",tumawa siya sa akin. Napatawa na rin ako at tumango sa kanya. I sip on the hot chocolate at mabilis kong nalasahan ang matamis na lasa nito. "Mabuti ka pa, nakuha mo ang gusto mong course",ngumiti siya nang mapait sa akin.

"Nag law ka?",tanong ko sa kanya. She nodded twice and smiled bitterly.

"Funny, right? Hindi ko gusto kaya lang napipilitan ako",her voice almost broke down but she manage too speak bravely. "Si daddy kasi. He wants me to pursue law but I want to pursue medicine, pero walang nagawa. Siya ang masusunod e",aniya sa akin.

"Pinaglaban ko ang course ko. I have rights to choose what I want dahil hindi naman sila ang mag-aaral kundi ako naman. Ako ang magtatrabaho, ako ang kikita. Hindi sila",sabi ko. "But I encounter many struggles dahil sa pag pursue ko nang architecture. Papa throw me out of the house. He called me disgrace",pinahiran ko ang luhang tumakas sa mata ko. I'm so weak. I'm weak when it comes to emotions.

"You did that?",gulat na tanong niya. I nodded. Ngumiti siya nang mapait. "I respect my parents so much kaya sinunod ko kung anong gusto nila. Mahirap pag-aralan ang law lalo na't hidni ito ang gusto mo",aniya.

"Mahirap din naman ang medicine ah?",natatawang tanong ko sa kanya.

"Mahirap pero kakayanin. Kapag gusto mo ang isang bagay, kahit gaano kahirap kaya mong ipaglaban",her words stab deep within my heart. It reminds me of someone again. Duwag ako. Matatawag ko ang sarili ko na duwag dahil pinakawalan ko ang gusto ko. Like what she said. Kung gusto mo, kahit gaano kahirap ay kaya mong ipaglaban.

"T-Talaga? Ganoon pala iyon?",I tried everything just to laugh. Tumawa din siya.

"Pero nawala rin naman ang hirap ko when I saw his smiles kapag nag excel ako",ngiti ni Penpen sa akin. "Pero kahit papano, may kulang pa rin, pero bahala na. Nasimulan na kaya ipagpatuloy nalang",aniya sa akin.

"Pen! Adrianna!",narinig namin ang boses ni Judith galing sa likoran namin na may dalang flashlight. "Nandito lang pala kayo. Kanina ko pa kayo hinahanap",tumabi siya sa akin kaya napagitnaan nila ako ni Penpen.

"Anong pinaguusapan niyo Josephen?",tanong niya dito.

"About life. Bakit, sasali ka?",tanong ni Penpen dito.

"Sure",ngumiti ito. "Anong nangyari sa life niyo? Course problem?",aniya.

"Paano mo nalaman?",I ask her na may gulat na reaksyon.

"I heard you talking about architect and law and medicine",aniya while gesturing her hands.

"Nag eavesdrop ka",tawa ni Penpen.

"Gusto ni tito Alex na may law ka?",she ask me. I nodded.

"But I refuse, I pursue architecture and now, tapos na ako",ngumiti ako sa kanya.

"Ako? Wala akong problema sa course ko. I like law, masarap sa pandinig na tatawagin kang Attorney Vergara",aniya sa akin.

"Mabuti ka pa, gusto mo. Kasi ako, I don't think I'll survive. Pag ayaw ko, ayaw ko talaga",sabi ko naman at ininom ang hot chocolate na hindi ko nalaman na lumamig na pala. Hindi na ito hot.

"Mas masarap sa pandinig kapag tatawagin kang Doctor Vergara. Sitting in your office with stetoscope in your neck",ani ni Penpen.

"Mas mahirap kaya ang medicine",protesta ni Judith.

"I don't care. Basta gusto ko nang medicine",irap ni Penpen. Napalingon kaming tatlo nang may ingay kaming narinig galing sa likoran at iyong mga lalaking pinsan lang pala namin. Hindi kasama ang mga babae kong pinsan.

"Nandito pala kayo. May bonfire tayo",sabi ni Luke dito. Marami siyang dalang mga sanga nang kahoy.

"Mahilig pala kayo sa bonfire?",natatawang tanong ko.

"Oo. We do this every night",sagot ni Judith. Napangiti ako. I like bonfires, too. Lalo na't maglalaro nang truth or dare. Pwede rin iyong mag j-jam at kumakanta.

"Anong gagawin natin habang may bonfire?",tanong ni Penpen sa mga lalaki naming pinsan habang abala sila sa pagsisindi nang apoy.

"Ano nga ba?",napaisip na tanong ni Mark.

"Laro tayo",suhesyon ni Judith.

"Mag j-jam tayo",sabi ko naman.

"Did you just disagree with me?",ani ni Judith na may ngiti sa labi.

"Yes, I did",tawa ko naman sa kanya.

"Mag rock-paper-scissor nalang kayo",sabay turo ni Luke sa amin.

"Pag sinong panalo, siya masusunod?",tanong ko sa kanya.

"Oo naman",sabi ni Penpen.

Humarap ako kay Judith na may ngiti sa kabi habang siya naman ay walang humpay na tumatawa.

"Madaya iyan si Judith",singit ni Ivan.

"Bato-bato-pik",sabay na sabi namin ni Judith at ang resulta ay ako ang gunting at siya ay papel.

"Ay! Talo siya",malakas ang naging tawa ko.

"Madaya",reklamo ni Judith sabay kamot sa ulo niya.

"Judith, we saw it. Hindi iyon madaya",singit ni Penpen.

"Kukuha lang ako nang guitar",sabi ni Ivan at mabilis na tumakbo.

SOMETHING LIKE FATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon