🍀Chapter 9🍀

161 3 2
                                    

Pagkatapos naming kumain ay ako na naman ang naghuhugas nang pinagkainan namin ni Sir Beast ko. Until now hindi ko pa rin alam ang pangalan niya dahil hindi siya nagpakilala at hindi rin naman ako nagtatanong.

"May trabaho ka?",tanong ko sa kanya nang makita siyang papalabas nang kanyang kwarto na naka long sleeve rolled up to his forearm.

"What do you think?",tanong niya na nakakunot ang noo sa akin.

"Gusto ko lang malaman, ano ba. Ang sungit",nguso ko.

"By the way, aalis ako kasi kukunin ko ang mga gamit ko sa bahay namin",sabi ko sa kanya.

"And?",aniya na parang may hinihintay pang ibang dahilan nang pag-alis ko.

"Mamayang gabi pa ako uuwi dahil may ramp kaming mga models",sabi ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya sa akin,"Model ka? Hindi halata sayo",aniya sa akin at umiling-iling. Ngumuso ako at sinamaan siya nang tingin.

"Sama mo!",sigaw ko at umirap sa kanya.

"Do what you want. I don't care",aniya at tinaasan ako nang kilay. Umalis na siya sa harapan ko kaya umaksyon akong sinipa at sinuntok siya. Nagulat ako nang bigla siyang lumingon sa akin na naka kunot ang noo.

"Teakwondo?",he ask with no sense of humor.

"Alam mo? Marunong ka?",hamon ko sa kanya. I've been training teakwondo when I was high school at tumigil lamang ako nang naging busy ako sa pagmomodel.

"Anong akala mo sa akin, lampa?",aniya at tuloyan akong tinalikuran.

"Just admit it that you're scared",sigaw ko at sinarhan siya nang pinto. Narinig ko ang kalabog na galing sa labas. He's knocking the door like he's going to wreck it.

"Open the door Adrianna!",sigaw niya galing sa labas. Imbis na tumatawa ako ay bigla itong naglaho na parang bula nang marinig ko galing sa kanya ang pagbigkas nang pangalan ko. "Open the door!",sigaw niya ulit. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at laking gulat ko nang makita ang malamig niyang emosyon na nakabalandra sa harapan ko.

"A-Ano?",panghahamon ko sa kanya kahit na halatang nauutal na ako.

"What did you say?",tanong niya sa akin na nagkasalubong na mga kilay.

"S-Sorry. Sige na umalis ka na, m-maglilinis pa ako",nauutal na sabi ko sa kanya at yumuko.

"Say that again or I'll punish you",aniya bago ako tinalikuran. Ngumuso ako at hindi na nagsalita. Pumasok ako sa banyo upang makaligo na at pagkatapos ay isinuot ko ang puting robe na naroon dahil doon ko lang nalalaman na wala pala akong dalang damit at uniform ko lang ang itinulog ko kagabi.

"Sir Beast!?",tawag ko sa kanya pero wala nang sumagot sa akin kaya pumasok nalang ako sa walk-in closet niyang naroon at naghanap nang masusuot na damit.

Marami akong nahalungkat na naroon bago ako makakita nang isang paper bag na naroon na may pangalan nang isang sikat at mamahaling clothing line. Kinuha ko ang damit na nasa loob nito at tiningnan. Wow! This is pretty. Kinuha ko ito at nagbihis sa banyo niya. The black jumpshorts fits perfectly to me. Matagal ko pang tinitigan ang sarili ko sa salamin bago naisipang lumabas at tumungo sa kusina. I scanned the whole pad but there's no sign of Sir Beast inside kaya lumabas na ako nang pad niya at ni lock ito. Paglabas ko nag condo building niya at kaagad akong pumara nang taxi papunta sa subdivision namin. Kinuha ko lahat nang gamit ko doon sa bahay namin at dumiretso sa studio namin.

"Adri!",bati ni Josie sa akin nang magkita kami.

"Hi!",bati ko rin sa kanya."Where's BJ and Briz?",tanong ko at inilibot ang tingin sa paligid.

"Hindi pa dumating. They will come late",aniya sa akin.

"So maaga pa pala ako",ani ko naman sa kanya."I think aalis muna ako. I'll be back later. May dadaanan lang ako",sabi ko sa kanya at mabilis naman siyang tumango sa akin.

Lumabas ako doon dala-dala ang maleta ko. Pumara ako nnag taxi ulit para makapunta sa The FONT Building. Hindi na ako hinarang pa nang guard na naroon at dire-diretso lang ang lakad ko. Iniwan ko muna sa lobby nang building ang maleta ko at pinabantayan sa isa pang guard na naroon.

He smiled at me. "Good morning Sir Beast!",bungad ko kaagad sa opisina niya. Natutop ko ang bibig ko nang makitang may kausap siyang isang babae. Nakita ko ang pagkunot nang noo niya at ang pag-irap nang babaeng kausap nito.

"Sorry",nag peace sign ako sa kanila at awkward na tumawa sa kanya.

"What do you want?",tanong ni Sir Beast sa akin at binaliwala ang presensya nang babaeng kausap niya kanina. Nakitaan ko nang galit ang mukha nang kausap niyang babae at sinamaan ako nang tingin nang talikuran siya ni Sir Beast ko.

"Ashton!",sigaw nang babae sa kanya pero hindi niya ito pinakinggan.

"Can I borrow your card key? Dala ko kasi ang mga gamit ko at dadalhin ko sana sa unit mo",ngiti ko sa kanya. Umawang ang labi nang babaeng kausap niya sa akin.

"No",aniya sa akin at naglakad palapit sa kanyang mesa. "Bring Miss Adrianna Marie's things here in my office. Now",aniya sa telepono na hawak niya at kaagad din namang ibinaba."Stay here",aniya sabay turo sa akin.

"No sir. Sinabi ko naman sayo kanina na may ramp nga ako diba? Kailangan ako nila BJ doon",sabi ko sa kanya.

"Who's BJ?",kunot noong tanong niya sa akin.

"Kaibigan ko",sagot ko sa kanya."We need to be there."

"No. You're not going out here when I say so",he said with finality. Napatili nalang ako sa galit kaya napatingin ang babae sa akin. "I hate you!",sigaw ko sabay upo sa couch na naroon. Ngumisi siya sa akin bago bumaling sa babaeng kausap niya kanina.

"Just go Gia. I have no business to do with you",malamig na sabi niya sa babae kaya nanlulumo itong lumabas nang kanyang opisina.

SOMETHING LIKE FATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon