🍀Chapter 28🍀

118 1 0
                                    

Niliko niya ang sasakyan sa isang mamahaling subdivision.

ROYAL FIELD

Huminto ang sasakyan niya sa isang malaking mansyon. The gate flew open at ipinasok niya ang sasakyan niya sa loob. Kaagad ko namang binuksan ang pinto para makalabas na rin dito. Lumabas din siya sa loob bitbit ang susi nang sasakyan niya.

"Welcome to my house",he laughs kaya napatawa nalang din ako sa kanya. Naunan siyang pumasok at sumunod ako. The giant chandelier and grand stair case welcomed me. Mamahaling mwebles ang naroon. I wonder what did he do for living at bakit ganito kaganda ang bahay niya. "The guest room in on that way. may mga damit na doon kaya pwede ka nang pumasok upang makaligo at magbihis na",aniya sa akin sabay turo sa isang malapad na pasilyo.

"Salamat",ngumiti ako at binaybay na iyon. Pumasok ako sa kwarto na sinasabi niya at dumiretso sa banyo upang makaligo at makapagbihis na rin. Pagkatapos ay nilabhan ko muna ang mga basang damit ko at nilagay sa dryer na naroon. Inuna kong pinatuyo ang underwears ko tapos ang dress na sout ko pa kanina sa thesis at ang uniform ko. Pati nga bag ko ay basa. Baka nabasa na rin ang hard copy nang thesis namin at ang laptop ko.

Nang matuyo na ay lumabas na ako sa kwarto at naabutan ko si Briz na nagluluto sa kusina nila. Lumapit ako doon upang tingnan ang niluluto niya.

"You're done?",he ask without looking at my direction. Sout ko ngayon ang isang captain america t-shirt at black short niya. Pinahiram niya sa akin.

"Oo, salamat pala dito",sabi ko ulit sa kanya.

"That's what friends do. Natutulungan tayo",ngiti niya sa akin."Upo ka muna",aniya sabay turo sa stool na naroon.

"I see you like captain america so much?",nakangiting tanong ko sa kanya.

"Yeah",humalakhak siya sa akin."Avegengers fan kasi ako at si captain america ang bias ko",aniya.

"Bakla ka? Bakit si captain america, si black widow nalang kaya o di ay iyong witch",natatawang sabi ko sa kanya. Sinamaan naman niya ako nang tingin.

''Because he's stron, Adri. Hindi ako bakla",aniya sa akin at natawa rin.

"Ako rin naman, mahilig ako sa avengers. Si Thor iyong bias ko",ngiti ko sa kanya.

"Pareho pala kayo nang girlfriend ko",aniya. "May girlfriend ka na? Bakit hindi mo sinabi sa akin?",tanong ko at malakas na tumawa.

"Hindi kasi we broke up at hindi ka na naman bumalik sa agency",aniya.

Nakanguso. "Ganoon ba? Model?",tinaasan ko siya nang kilay.

"Hindi. She's non-showbiz",sagot niya.

"Bakit kayo naghiwalay?",I ask.

"Hindi niya gusto ang showbiz. She ask me to leave modeling but I don't want to, so we broke up",sagot niya.

"How sad",sabi ko, patango-tango."How's BJ and Josie?",I ask again.

"Ayon, nagluksa dahil bigla ka nalang umalis. Bumalik ka nalang kaya?",he suggested.

Napaisip naman ako. That's a good idea. It's a good idea to be back in our agency. Namiss ko na ang pagmomodelo.

"Ang OA naman",tumawa ako."Galit ba siya?",tanong ko.

"Kilala mo na si Josie, masyadong OA'ng bakla pero hindi iyon magagalit sayo",aniya sa akin na nakangiti.

"Oo nga naman. He.....she is very serious with his...her job",tawa ko. I intentionally said he, she, his and her. Josie is a gay.

"You really are funny",malakas na tumawa si Briz dahil sa sinabi ko."Pag marinig ka nun sigurado akong lagot ka talaga",aniya at tinuro-turo pa ako.

"Hindi naman. Baka mawalan siya nang supermodel na katulad ko?",tinaas ko ang kilay kay Briz tsaka malakas na tumawa.

"Yeah, you're right. Asset ka pa naman nang agency",aniya at hinain na harapan ko ang pagkain sa dalawang pinggan na niluto niya. "I hope magustuhan mo ito",aniya sa akin.

I suddenly remember Ashton cooking food for me with his spanish cuisines. Namimiss ko ang araw na iyon at mamimiis ko pa. Naalala ko na naman ang pag-uusap namin nang mommy niya at ang mga sinabi ni Olivia.

"Oo naman. Luto mo eh",ngumiti ako at nagsimula nang kumain. The food taste not bad. Masarap actually pero parang may namimiss akong ibang lasa. "Bumibisita ba sila BJ at mga kasamahan natin sa agency dito?",basag ko nang katahimikan sa aming dalawa.

"Minsan. Busy din kasi masyado si BJ",aniya sa akin.

"Bakit nasa Manila ka? Diba may rancho kayo sa San Agustin ba iyon?",kunot noong tanong ko sa kanya.

"Yeah. I'll stay until my cousin finish her studies abroad. Susunduin ko siya from New York at sabay na kaming uuwi sa San Agustin",mahabang lintaya niya.

"Maganda ba doon? I heard malaki ang lupa niyo."

"Our grandfathers land. Ipinamana nalang iyon sa amin. At sa akin",sabi niya.

"Diba may mga pinsan ka ano namang ipapamana sa kanila?",tanong ko.

"Dalawa lang kaming magpinsan, Adrianna. Pwede naman kaming magtulongan diba?",aniya."Bakit? Ikaw, wala ka bang pinsan?",tanong niya.

"Marami, kung alam mo lang. Pero ni isa at wala akong close kasi puro sila you know, Vergara's are a family of lawyers at ako....",nagkibit balikat ako. Ayaw nang banggitin ang hindi dapat sabihin.

"They surely understands you. Baka naman kasi napilitan lang sila sa parents nila. Hindi kagaya mo matigas ang ulo",halakhak niya.

"Hindi naman. Mabait ako",ngumuso ako."Article 3 Bill of Rights Section 3 of the 1987 Constitution of the Republic of the Philippines that I have a right to express myself."

"Family of lawyer nga",tumawa siya."Kita mo, gumamit ka nang Bill of rights!."

"Ikaw kasi e. Nabasa ko lang naman iyon sa law book ni papa",sabi ko.

SOMETHING LIKE FATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon