🍀Chapter 7🍀

206 4 1
                                    

Pagkatapos nang usapan namin ay nanatili ako sa kanyang opisina. Nakaupo lamang ako sa couch na naroon at nagbabasa nang aking notes. Sabado naman bukas at wala akong pasok pero mas pipiliin kong magbasa kaysa sa titigan ang gwapong mukha nang beast na iyan. Pasado alas syete na nang narinig ko ang paggalaw nang swivel chair niya at ang mabibigat na hakbang niya palapit sa akin. Tumingala ako sa kanya. Hindi ko makita ang reaksyon niya kasi nakatalikod siya sa lampshade na nagsisilbing ilaw dito sa opisina niya.

"I'm going home",aniya at hinagis sa akin ang bag niya at ginulo ang buhok habang papalabas nang opisina.

Ngumuso ako at sumunod na sa kanya. Pinapapel niya talaga ang pagiging boss niya sa akin, ah? Ako pa ang pinabitbit nang napakabigat niyang bag na ito. Ano naman kayang laman nang mga ito?. Nahihirapan pa akong buhatin at isuot sa akin ang bag niya dahil may sariling bag naman akong dala at rotring tube na dala. Nasaan ba ang konsisnya niya at parang hindi siya naawa sa itsura ko? Matalim ang tingin ko sa kanya habang papasok kami sa elevator.

He yawned at nag inat nang braso. Umatras ako nang kunti dahil pag hindi ay matatamaan ako. He seems very tired. Napatitig ako sa kanya. The exhaustion is visible in his eyes. Nakakunot ang makapal niyang kilay at nakaawang ang kanyang maninipis na labi. How can be this man so gorgeous? Kaya lang suplado masyado. Bossy pa.

"Enjoying the view?",tanong niya sa akin kahit hindi naman nakatingin. Alam niyang nakatitig ako sa kanya? Alam ba niyang laglag na ang panga ko sa kanya? Nakakahiya naman.

"Hindi no. Tiningnan lang kita kasi baka maawa ka sa akin",nguso ko sa kanya at bahagyang ginalaw ang mabigat niyang bag para mapansin iyon.

He just stand still at hindi ako pinansin. Tumunog ang elevator kaya lumabas na kami at dumiretso sa parking lot. Pinatunog niya ang sasakyan niya at naunang pumasok sa driver seat habang hinihintay akong makapasok. Napanganga ako. Tingnan mo nga naman ang isang 'to. Walang awa. Nahihirapan kong buksan ang pinto niya pero hindi ko magawa.

"AHHH!",napasigaw ako nang bigla itong bumukas at lumanding ako sa semento. Hindi pa ako nakatayo kaagad dahil sa bag niyang nakadagan sa paa ko. "BEAST!",sigaw ko sa kanya bago pumasok sa loob. "Hindi mo ba nakitang nahihirapan na yung tao? Napaka bastos mo naman. Ibang-iba ka sa mga lalaking nakakasalamuha ko",inis na sabi ko sa kanya.

Aba, akala niya ay hindi ko siya pagagalitan. Ha!.

"Edi magpatulong ka sa mga lalaki mo",malamig na sabi niya sa akin at mabilis na nagdrive sa daan. Pumikit nalang ako dahil sa sobrang bilis nito. Parang lalabas na ang puso ko sa ribcage ko.

Naku, gusto ko pa pong mabuhay. Tulongan niyo po ako. Mabilis niyang ni-park ang sasakyan niya sa isang madilim na parking lot. Muntikan na akong mabunggo sa dashboard dahil sa bilis nang pag brake niya. Dinampot niya ang bag niyang mabigat at sina na ang bumitbit nito. Salamat naman. Sumakay ulit kami nang elevator papunta sa condo niya.

Tumunog ito at nasa tamang palapag na nga kami. Tinapat niya at isang card sa pinto at bumukas ito. Wow, amazing. Nawala ang ngiti ko nang bumungad sa akin ang magulo niyang condo. May mga pants na nakasablay pa sa couch. Mga t-shirt na nagkalat sa carpeted floor. Napanganga ako. Ang daming kalat.

"Clean it",utos niya sa akin."I want it all clean."

"Wow, mga damit mo kaya ito. Dapat ikaw maglinis",sabi ko sa kanya at nilagay ang mga gamit ko sa itim na couch na naroon.

"Then, give me my five million",aniya na nakataas ang kilay.

"Ito naman hindi mabiro. Ito na Sir Beast, nililinis ko na po",sabi ko sa kanya at dinampot ang mga damit niyang nagkalat sa living room nang condo unit niya.

Kumunot ang noo niya,"What? Anong Sir Beast?",tanong niya sa akin.

Ngumiti ako nang mapang-asar sa kanya. "Call sign, hindi mo alam yun? You call me Miss LM then I'll call you Sir Beast, o diba pantay na tayo?"ngisi ko ulit sa kanya at binalik ang atensyon sa pagdadampot nang mga damit niya.

"Miss LM, may pangalan ako at hindi Sir Beast iyon", aniya sa akin at tinuro pa ako.

"May pangalan din naman ako, ah. E bakit Miss LM? Pangalan ko ba iyon?",sinamaan ko siya nang tingin at niyakap ang mga damit niyang nagkalat dahil hindi ko na iyon mahawakan isa-isa. Infairness ang bango ah? Bagong laba ba ito, o naisuot na niya? Ang bango talaga. Nakakaadik.

"Iwan ko. Gusto ko lang",aniya at nag-iwas nang tingin. "I'm the boss kaya ako ang masusunod kong ano ang itatawag ko sayo",sabi naman niya.

"E ano naman kung boss kita? I have human rights. Kung iyon ang itatawag ko sayo, masanay ka",inis na sabi ko sa kanya.

Bumaba ang tingin niya sa mga damit na hawak ko. Kumunto ang noo niya."Pinagsasamantalahan mo ba ang mga damit ko?",inagaw niya ang mga ito sa akin."Bakit mo inaamoy?",inis na tanong nito.

"Hindi ko kaya inaamoy. Bakit ko naman aamuyin e ang babaho nang mga iyan",lies.

"Hoy! Mabango kaya",aniya sa akin at inamoy ang isang white v-nech shirt niya."Pati damit ko pagsasamantalahan mo? Sana ko nalang ang nagligpit",aniya sa akin at padabog na naglakad papasok sa kwarto niya.

"Sinabi ko nga kanina na ikaw nag magligpit, umayaw ka",ngisi ko at sumunod sa kanya doon.

Ganoon pa rin ang kwarto niya. Ang damit kalat. May pantalon na nakasablay saan-saan at mga t-shirt niyang nasa sahig. Kaagad niyang dinampot ang ma iyon at ipinasok sa isang malaking closet na walang lamang.

"Bukas ipapalaundry ko na ito",aniya.

"Pwede namang ako na ang maglalaba",presenta ko sa kanya.

"Wag na. Baka pagsamantalahan mo na naman",inis na baling niya sa akin tsaka sinara ang closet. "Bakit ka nandito sa kwarto ko?"

"Bakit naman hindi ako pupunta dito, e dito naman ako matutulog",sabi ko sabay upo sa malambot niyang kama. Kaagad niya akong hinawi palayo doon at tinulak sa gilid.

"Hindi ka matutulog dito",aniya at inayos ang nagusot na comforter.

"At saan mo naman ako patutulugin?",humalukipkip ako sa kanya at tinaasan siya nang kilay. "Sa sala ka matulog. May couch naman doon so you'lle be fine",aniya. Suplado. Sungit.

"Makabili na nga lang nang condo unit sa tabi, ang bastos nang boss kong sungit",pabulong na sabi ko at dumiretso sa kusina.

Hindi na siya sumunod sa akin kaya binuksan ko nalang ang ref para makapagluto na ako nang kakainin namin ngayong hapunan. Hay! living with the beast is so annoying. Kung impyerno sa bahay, lalo na dito. Pero maganda naman, may gwapong suplado akong kasama.

SOMETHING LIKE FATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon