🍀Chapter 2🍀

287 2 0
                                    

Inis na inis ako nang makarating kami sa bahay namin. Urgh! Hindi pa rin mawala sa isip ko ang gwapong mukha nang supladong iyon. Demonyo siya. Hindi man lang nagsosorry, e siya naman ang may kasalanan.

"Adri kalma ka naman",sabi ni Daisy sabay massage sa balikat ko.

"Nakakainis, Daisy. Kita mo yun? Hindi man lang nagsosorry".Nakakainis talaga.

"Stop it, baka makalbo ka pa",natatawang sabi ni Daisy sa akin.

Pinagbubuntungan ko nang inis ko ang buhok ko. Doon ko lang napansin. Ang ganda pa naman nang naturally straight kong buhok kung makalbo lang pala.

"Hayaan mo na. Stranger naman, yun. Hindi na ulit kayo magkita nun, promise",she said and emphasizes the last word.

No. I want to see him again dahil pagagalitan ko pa siya at pababayarin ko siya sa ginawa niya sa akin. Hmm, humanda talaga ang isang iyon pag nagkita ulit kami.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. May pasok pa ako. Lumabas ako nang kwarto bitbit ang bag at rotring tube ko. Puro ito plates na ipapasa ko ngayon. Abalang abala ako sa pagliligpit nito sa sala ay namataan ko si daddy na naglalakad palabas nang kusina na may dalang isang tasa nang kape.

"Kung nag law sana, hindi mahihirapan",parinig na sabi niya sa akin. He is like that everyday. Palagi niyang kinukontra ang pagiging arkitektura ko. Ito ang gusto kong trabaho at ito ang nasa puso ko. We are free to choose what we want.

"Papa, ito ang gusto kong profession",sabi ko at hinarap siya.

Kita ko ang pagka disgusto nang mga mata niya habang nakatingin siya sa akin.

Ganoon ba talaga kahirap na tanggapin na ito ang gusto ko at hindi iyong gusto mo? Anak mo ako pero hindi ko naramdaman ang pagmamahal mo. Sobra-sobra ang perang ibinigay mo sa akin pero pagmamahal mo bilang ama ay hindi mo man lang ako binigyan ni katiting lang.

Umiling lamang si papa sa akin at uminom nang kape niya.

"Such a disgrace",iling niyang muli bago ako tinalikuran."Hindi ka tunay na Vergara",pabulong na sabi niya pero tamang tama naman para marinig ko iyon.

Namumuo ang luha sa mga mata ko. Bakit ba ang hirap? Di porket family of lawyer ang mga Vergara ay hindi na pwede mag arkitekto? Nakakahiya ba talaga sa isang Vergara ang pagiging arkitekto? Ano bang masama sa pagiging arkitekto ko? Wala naman diba? Pareho lang naman ang mga iyon. You will earn money. Bakit ba gusto niya na sumunod sa yapak niya? Sa yapak nang mga sinungaling na abogado.

Pinahiran ko ang luha na nagbadya sa mata ko at kinuha ang lahat nang gamit para makapasok na sa eskwela.

Pumara ako nang taxi upang magpahatid sa St. Matthew University. Isa itong class na unibersidad dito sa Manila pero hindi ko ramdam ang pagaaral sa mamahaling paaralan na ito. Mas gusto ko pa sa public o sa ibang private na hindi masyadong class. Pareho lang naman ang matutunan niyo. Yun nga lang, advance dito.

"Adri!",tumitili si Daisy habang papalapit sa akin kasama sina Suzy at Zoe.

Sa aming apat ay si Daisy lang ang hindi model pero hindi ko kasama sina Suzy at Zoe dahil sa ibang magazine sila nagmomodel.

"Hello!",bati ko sa kanila. Kaagad namang umakbay si Zoe sa akin habang may tinuturong lalaki na may dalang bola nang basketball.

"I heard he's a transferee",sabay sabi niya.

"Ano namang meron sa transferee na yan?",tanong ko sa kanya sabay baling sa lalaking itinuro niya. Laking gulat ko nang tumingin din ito pabalik sa amin.....sa akin.

"Sikat kasi yan, gwapo pa. I heard malaki ang lupa nila sa probinsya",ngiti ni Suzy.

"Nakapunta ka na ba nang San Agustin?",tanong nito sa akin.

SOMETHING LIKE FATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon