🍀Chapter 22🍀

122 1 0
                                    

Maaga kaming umalis galing sa Port Luis. Alas tres palang nang madaling araw dahil may pasok pa ako around ten am and I promise Daisy na papasok ako ngayon. Nakarating kami nang Maynila aroung seven am at huminto muna kami sa isang spanish restaurant para kumain. Pagkatapos noon ay dumiretso na kami sa condo unit niya para makapagbihis na.

Papasok siya sa trabaho ngayon while me ay papasok namasa school. I know marami talaga akong matatanggap na tanong galing sa mga kaibigan ko ngayon. Lalo na't alam nilang kasama ko ang The FONT heiress at sa condo unit ako nito nakatira.

"You ready?",tanong niya sa akin nang makita niya akong naka upo sa couch na naroon habang nakabihis na nang uniform namin sa St. Matthew.

"Yeah",sagot ko sabay ngiti sa kanya at tumayo na. He nodded at dinampot nag susi na naroon sa center table niya tsaka binuksan ang pinto para makalabas na kami. Pinakbuksan niya ako nang pinto nang sasakyan niya at nagmaneho na siya paputa sa paaralan ko. He'll drop me.

"Hindi mo naman ako kailangang ihatid",sabi ko sa kanya nang nasa tapat na kami nang gate nang school ko. Medyo malayo ito galing sa condo building niya pero dahil sa bilis niyang magpatakbo ay madali kaming nakaabot doon.

"I'll do this everyday kaya masanay ka na",aniya sa akin.

"Okay po, Mr. Beast",sabi ko sa kanya at umambang lalabas na pero hinila niya ang kamay ko palapit sa kanya.

"Walang goodbye kiss?",ngumuso siya. Natawa ako sa kanya at mabilis na pinagdampi ang labi namin before I bid him goodbye.

"Si flash ka ba, ba't ang bilis?. Humanda ka mamaya, lulunurin kita sa halik ko",sabi niya sa akin habang nakanguso.

"I know how to swim, Ashton",sabi ko at mabilis na kumaway sa kanya at tumakbo palayo dahil namataan ko na sila Daisy na naghihintay sa akin malapit sa gate.

"Wow, package. Hatid sundo?",natatawang tanong ni Daisy sa akin.

"Sabi niya,e kaya hindi na ako umangal pa. Besides makakatipid ako nang pamasahe",sagot ko sa kanya at sabay na kaming pumasok sa loob.

"Ang swerte mo talaga, Adri. Sana ako nalang naging ikaw",mabilis na pinulupot ni Zoe ang kanyang braso sa akin. "Ganda talaga",masigang sabi niya.

"Mahirap maging ako, Zoe. Masisikmura mo ba kaya ang pakikitungo ni papa sa akin?",tanong ko sa kanya.

"Ay! Bahala na iyon basta may gwapong boss katulad mo",ngumuso siya sa akin kaya mabilis naman siyang binatukan ni Suzy.

"Ikaw talaga babae ka, oo, ang hilig mo sa mga jowa jan. Iyon mga kagrupo mo sa thesis hindi mo tinulungan",pangangaral ni Suzy dito.

"Ikaw talaga babae ka, oo, ang seryoso mo sa pag-aaral. Nakaligtaan mo nang eenjoy ang kabataan mo",nguso naman ni Zoe.

Nagtawanan kami ni Daisy.

"Tama na nga yan. Suzy's right. We should be serious in our studies kasi hindi lahat pinalad na sinusuportahan nang mga magulang sa pag-aaral nila",sabi ko sa kanila.

"Ay! Relate?",tawa ni Daisy sa akin.

"Oo nga. Tama nga iyon",segunda naman ni Suzy. Ngumuso si Zoe sa amin.

"Okay, oo na. Sige na bye na, punta muna ako doon",sabay turo niya sa round table sa kung nasaan ang mga kagrupo niya sa thesis. Kumaway siya sa mga ito at ngumiti naman ito pabalik sa kanya.

"Ayos ka na ba? Wala ka nang lagnat?",tanong ni Suzy sa akin nang makaupo kami sa isang bakanteng mesa sa cafeteria.

"Oo, maayos na ang pakiramdam ko",sagot ko sa kanya sabay ngiti.

"E sino bang hindi magiging maayos e ang gwapo nang gamot",natatawang sabi ni Daisy."Nagpuyat ba siya kagabi dahil sayo? O noong nakaraang araw?",makahulugang tanong ni Daisy sa akin.

Mabilis kong tinampal ang kanyang bibig dahil sa pinagsasabi niya."Yang bibig mo!",saway ko sa kanya kaya tumawa siya."Hindi naman. Bakit naman ako aalagaan nang isang beast na katulad niya?",tinaasan ko siya nang kilay kaya tumahimik siya.

"Is he that bad?",tanong ni Suzy.

"Hindi naman. He's a master of philosopy",I shrug my shoulders.

"But atleast, gwapo",tili ni Daisy.

Nagtawanan kaming tatlo nang may umistorbo sa aming isang bruha kasama ang kaibigan niyang mukhang paa.

"Nagmamalaki ang sinungaling na Vergara",pumalakpak pa si Joyce at ngumiti sa kasama niya. Napatingin naman sa amin ang mga naroon na taga ibang course. May iba rin na kilala namin. "Pinagyayabang pa talaga ang pagpunta niya sa The FONT, no? If I know, nilalandi mo lang ang may-ari noon. Gold digger palibhasa may utang kayo sa kanila",she smirk. "And you plan to lure the heiress para magbayad diba?",tinukod niya ang kanyang kamay sa mesa namin.

"THAT'T NOT TRUE!",sigaw ni Daisy na mabilis na tinulak ni Joyce.

"Katawan ang puhunan",tumawa siya nang malakas kaya nagtawanan ang mga naroon. The are gossiping with each other habang nakatingin sa akin. Ramdam ko ang pamumuo nang luha sa mga mata ko habang matalim na tiningnan si Joyce. Ayaw kong maging masama sa paningin nang mga tao. I want to have a peaceful life pero ginambala niya ang demonyong nakatago sa akin.

"BIG FAT LIAR BITCH!",sigaw ko at buong lakas ko siyang tinulak palayo sa akin. Kaagad namang dumalo si Suzy at Daisy sa akin habang may halong pag-aalala sa kanilang mga mukha.

"Wag mong sirain ang dignidad ko Joyce kung ayaw mong makita ang sarili mong sirain ko ang mukha mo!",malakas na bulyaw ko sa kanya. Bumango siya habang hawak ang siko niyang may sugat dahil iyon ang unang bumagsak sa sahig pagkatulak ko sa kanya.

"How dare you!",sinugod niya ako pero mabuti at hinarang ito ni Zoe at malakas na sinampal si Joyce.

"Don't you dare to mess with my friends",ani nito at nagbabagang tiningnan si Joyce.

"Wag kang mangialam, bruha ka!",tinuro niya si Zoe at kaagad namang bumaling sa akin. "You....You, you're a whore. Lumabas ka na closeta ka!",sigaw niya sa akin.

"Ah ganoon ba, Joyce? Ang hindi ko ba pagbigay nang sagot sayo sa harapan nang professor natin ang ikinagalit mo? Bakit kasalanan ko ba kung bakit walang laman ang utak mo at magkasing kintab ito nang crystal dahil bobo ka!",sigaw ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin at malapit nang maiyak. "Wag na wag mo na akong susubukan pang kalabanin, Joyce. Dahil ibubulgar ko kung ano ang mga ginagawa mo makakuha lang nang marka sa architecture",sabi ko sa kanya at ngumis.

"I know everything well.", mabilis ko siyang tinalikuran at lumabas nang cafeteria.

SOMETHING LIKE FATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon