🍀Chapter 35🍀

127 1 0
                                    

Umiling-iling ako sa kanya. I surrender. Hindi ko na kaya. I will let the fate decides for us. Kung ano ang magiging resulta nang magiging desisyon kong ito. Iyon na ang kapalaran nang pagmamahal ko sa kanya.

"This love is not worth to fight anymore",mataman kong sabi sa kanya. Umawang ang labi niya na parang may sasabihin pa ngunit kaagad niya itong itinikom. "Itigil na natin 'to",tumalikod ako sa kanya at mabilis na naglakad palapit sa pintuan pero hinigit niya ang braso ko at hinarap sa kanya.

"Don't do this, please honey",umamba siyang lumuhod sa harapan ko pero pinigilan ko siya.

"Maybe the best option is for us is to surrender, Ashton. Not all things are worth to fight. Sometimes we just need to surrender",huling sinabi ko bago siya tuloyang tinalikuran.

Mabilis ang naging lakad ko palabas nang opisina niya. Nakasalubong ko si Yvette kasama si Vaughan na umalalay sa kanya. Malaki na ang kanyang tiyan. Napangiti ako. Best wishes for your baby, Yvette. Hindi na mangyayari na magiging tita ninang ako nang anak niyo ni Vaughan.

"Adri",aniya sa akin. Ngumiti ako sa kanya.

"This might be our last encounter, Yvette. Thank you",sabi ko at niyakap siya.

Tumulo ang luha ko nang talikuran ko silang dalawa nang asawa niya. What a long day it is, huh? Ang saya naman nang dispedida nang graduation ko. I broke up with the man I love. Iniwan ko ang mga taong naging mahalaga sa buhay ko at minsan na rin akong pinahahalagahan. Pumara ako nang taxi at tinawagan si Daisy. Her phone rings three times bago niya ito sinagot.

"Adri, napatawag ka?",she ask on the otehr line.

"Daisy, may toga ka na? Can you find another one for me?",tanong ko.

"Yeah, sure. Apat ang ni-rent ko kasama sila Suzy at Zoe. Nagreserba na rin ako nang isa baka wala ka pa",aniya sa akin. "Sinipon ka ba?",tanong niya.

"Can we meet? Nasaan ka?",tanong ko.

"Nasa bahay ako. Nasaan ka ba? Pumunta ka nalang dito, Adri. May sakit ka ba?",she ask again.

"Mag-usap nalang tayo pag nakarating na ako diyan. Call Suzy and Zoe, too",sabi ko bago binaba ang tawag.

"Manong, Green Hills Subdivision po",sabi ko sa driver nang taxi.

"Opo, ma'am",he smile politely. Sumandal ako sa upuan nang taxi.

Bigla akong napa-isip kay papa. Kumusta na kaya siya? Is he okay? Is he healthy? Maayos ba ang kalagayan niya? Wala ba siyang sakit? Tumulo ang luha ko nang maisip ko ang mukha ni papa. He's old. Kahit papano ay ama ko pa rin siya. Kahit na may masama man siyang nagawa sa akin ay hindi pa rin mababago nito ang katotohanan na ama ko siya. I was born to love and care for him kahit na naging ama ko siya upang kontrahin ako. Napatawa ako sa sariling imahenasyon.

Lumiko kami sa isang mamahaling subdivision at huminto ito sa tapat nang gate nang bahay nila Daisy.

"Ito po manong", binigay ko sa kanya ang isang libong pera at lumabas na nang taxi.

"Salamat, hija. Magpagaling ka, ingatan mo sarili mo",ngumiti ito sa akin bago pinaandar ang taxi.

Napangiti rin ako dahil doon. Pansin ko nga na nag-iba ang tono nang boses ko. Para akong sinipon. Kagagaling ko pa lang sa mahabang pag-iyak kaya ganito ang resulta nang boses ko. Pagpasok ko sa loob ay dinamba kaagad ako nang tatlo nang yakap at pareho silang may ngiti sa labi.

"Gragraduate na tayo!",sabi ni Suzy.

"I'm excited",ani naman ni Zoe.

"Adri, okay ka lang ba?",iba ang naging tanong ni Daisy.

Napakalas naman ang dalawa sa akin at napatingin sa itsura ko. Parehong nakaawang ang kanilang mga labi habang nakatingin sa akin.

"Gragraduate na nga tayo!",pilit kong tumawa.

"Adri, may problema ba?",sabay na tanong ni Suzy at Zoe sa akin na may pag-aalala sa kanilang mga mata.

Umiling ako at napaiyak na naman. Nasapo ko ang mukha ko dahil ayaw kong makita nila akong umiiyak. I don't want them to see me weak like this.

"Adri, magsalita ka naman",sabi ni Suzy at hinagod ang likod ko para patahanin ako.

"Maupo muna tayo",iginiya ako ni Zoe paupo sa sofa na naroon sa sala nila Daisy.

''Adri, maybe we can help. May problema ba?",tanong muli ni Daisy. "Papa and Ashton has a contract",panimula ko.

"And then? Wedding contract?",tanong ni Zoe.

"Shush! Zoe. Hindi oras para magbiro",ani ni Suzy kaya napanguso si Zoe.

"Ashton lied to me. His parents dislikes me",pinilit kong wag maiyak sa harapan nila pero hindi ko nagawa.

"Adri. Tama na, okay? Everything will be fine. Aayusin niyo ito ni Ashton",hinawakan ni Suzy ang kamay ko.

"We broke up, just now. Ayaw ko na, sumuko na ako",sabi ko sa kanya.

"That's bull--",mabilis na tinabunan ni Suzy ang bibig ni Zoe. Hinawi naman ito ni Zoe at tiningnan ako. "Adri, that's crazy. Ramdam ko na mahal ka nung tao, why did you broke up with him?",tanong niya sa akin.

"Nakipaghiwalay nga si Christian kahit mahal ka nun",singit ni Daisy.

"Oh! Shut up. That and this is different situation",baling ni Zoe kay Daisy.

"It's not to fight anymore",umiling ako sa kanya.

"We respect your decision, Adri. Kaibigan mo kami kaya nandito kami para sumuporta sa iyo. Okay? Tahan na, graduation natin bukas and for the last time, kailangan nating maganda para sa graduation picture",niyakap ako ni Suzy.

"We love you, Adri",sabay na sabi ni Zoe at Daisy at niyakap nila ako. I'm glad that I have friends like them. Kahit sa gitna nang pagluha ay napangiti ako. Mahal ko rin sila.

SOMETHING LIKE FATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon