🍀Chapter 26🍀

111 1 0
                                    

Masaya kaming nagkukwentuhan nina Daisy at hindi ko na napansin ang oras at dumidilim na pala. Unang nagpaalam sa amin si Suzy dahil may family dinner daw sila as a celebration sa thesis niya. Mabuti pa siya, supportive ang parents niya kahit thesis lang ay pinaghahandaan.

"Adri, hindi ka yata sinundo ni Ashton ah?",tanong ni Daisy sa akin. Napatingin ako sa kanya dahil iyon din ang iniisip ko. Dumidilim na at wala pa siya. Palagi naman niya akong sinusundo on time at ngayon lang talaga nangyari ito. Napaawang ang bibig ko kay Daisy at kumunot ang noo ko.

"Adri, alas sais na wala pa si Ashton?",sabi niya sa akin.

"Baka busy sa office niya o di kaya ay may meeting",sagot ko sa kanya at ngumiti nang pilit. She looks at me with suspecious eyes and nodded, but not totally convinced.

"Kataka-taka naman yata",aniya sa akin.

"Hindi naman palagi ako ang priority niya. May buhay din siya, Daisy",sabi ko at pilit na pinapanatag ang sarili ko. I hope everything is well.

"Okay, sabi mo yan",aniya na naninigurado sa akin. Tumango naman ako sa kanya at ngumiti para mapanatag siya."Adri, mauna na ako. Hindi ka pa ba uuwi?",tanong niya sa akin.

"Uuwi na rin pero hihintayin ko muna siya, baka dumating. Sige mauna ka na",kumaway ako sa kanya at ngumiti ulit.

"Okay, sige bye",kumaway siya bago sumakay sa sasakyan na sumundo sa kanya. Nanatili akong nakatayo doon at lumipas ang ilang minuto nang may humintong puting SUV van sa harap ko at lumabas ang isang lalaki na naka itim pero wala namang nakatabon sa mukha niya. Kumunot ang noo ko dito pero hindi ko nalang pinansin dahil baka iba ang sadya nila dito o baka meron siyng susunduhin dito.

"Miss, ikaw ba si Adrianna Marie Vergara?",tanong niya sa akin na ikinalaki nang mata ko.

"A-Ako nga po, bakit po?",tanong ko sa kanya at napatingin sa loob nang van na naroon.

"Pwede ka po bang sumama sa amin",aniya at iminuwestra ang nakabukas na pinto nang van.

"B-Bakit po?",tanong ko sa kanya. Stammering and trembling. Nabuhay ang takot sa aking puso dahil doon. But the man remain standing, very formal at wala rin akong makikitang masamang plano sa kanyang mga mata. Pero bakit ako kinakabahan nang ganito.

"Pasensya na po pero utos po ito. Payagan niyo naman po kaming sundin ang utos nang amo namin",sabi niya sa akin at nilahad ang kamay sa akin. Umiling ako sa kanya at umatras.

"No. Kidnapper kayo d-diba?",tanong ko sa kanya.

"Hindi ka po namin sasaktan Miss Vergara. Gusto ka lang makausap nang amo namin",sabi niya sa akin."Promise po",dagdag niya.

Bahagya siyang yumuko sa harapan ko as I step slowly and closer to the van. I took a glance at him once more bago tuloyang pumasok. He smiles politely as he closes the door at pumasok na sa loob. Doon ko lang napagtanto na ako lang pala ang nasa loob maliban sa kanya. Sino ang amo niyang kakausap sa akin? Wala naman akong kasalanan na ginawa. Huminto ang van sa tapat nang isang classic restaurant. Pinagbuksan ako nito nang pinto tsaka bahagyang yumuko sa akin. May babae namang sumalubong sa akin na naka corporate attire.

"Follow me po, ma'am",sabi niya sa akin at naunang naglakad sa akin. She opened the glass door of one of the finest private room of the restaurant at may dalawang babae akong nakita doon. They looks so stunning and sufisticated at halatang sobrang yaman nila.

"Ma'am Fontanella, she's hear po",sabi nang babaeng naghatid sa akin dito sa babaeng nakasuot nang cream corporate attire. Yumuko ang babaeng naghatid sa akin dito tsaka umalis na. Napatitig naman ako dito dahil namangha ako sa sobrang ganda niya. Wait...Ma'am Fontanella, is she the mother of Ashton Blake Fontanella?.

''Take a sit first",she said and pointed the couch in front of her. Uminom naman nang tea ang kasama niyang babae in a very formal way. Hindi makabasag baso.

"T-Thank you",mahinang sabi ko at dahan-dahang umupo. Nakitaan ko nang ngisi ang babaeng katabi ni Ma'am Fontanella sa akin at palihim na umirap. Hindi ko nalang iyon pinansin. "So you're Adrianna Marie Vergara?",tanong nito with no sense of humor and no sign of smiles.

"Opo, ako nga po. I heard you want to talk to me",magalang na sabi ko sa kanya. She laughs in a very sarcastic way.

"Yeah, If this ain't about my son, I won't talk to you",sabi niya sa akin.

"B-Bakit po?",kinakabahan kong tanong sa kanya. I know this isn't right. I know something's wrong about this meeting.

"Are you the daugther of Attorney Alexander?",nakataas na kilay na tanong niya sa akin.

"Yes, ako nga po",sagot ko sa kanya. I am aware that my hands are trembling and my lips are shaking. I can't put my words together to make a statement because of the anxious feeling creeping inside me.

"Shame of a Vegara. Architect I see",aniya sa akin."Why didn't you follow your father, besides your a liar",she said calmly.

"P-Po? A-Ano po ang ibig niyong sabihin?",I tried to sound brave but I couldn't. Tumawa siya.

"Your father is a liar",sabi niya sa akin. "He just value his reputation than the truth, am I right?",she smirks at me. Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Hindi makaimik, hindi makapagsalita. I was so damn worried about what she might speak against my father. I know he hasn't been a very good father to me, but he's still my father. His blood runs in my veins.

"Silent means yes",ngumisi ang babaeng katabi ni ma'am Fontanella. Napatingin ako sa kanya. Malapad ang ngisi niya sa labi habang umayos nang upo ang nilagay sa kandungan niya ang purse niya.

"Why are you doing this?",here comes my trembling voice. "Let's get this straight",she cleared her throat."I don't like you for my son."

SOMETHING LIKE FATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon