🍀Chapter 33🍀

123 1 0
                                    

Pumasok pa rin kami sa St. Matthew pero hindi na namin suot ang unifrom namin. I wear the dress that Ashton bought for me. Sabay na kaming lumabas nang condo unit niya at hinatid niya ako sa paaralan.

"I'll pick you up around five. Bye, honey",aniya at hinalikan ako sa noo.

"Okay. Bye",ngumiti ako at lumabas na nang sasakyan niya.

We are back to our usual day. Hatid sundo niya ako araw-araw at alas singko talaga at walang mintis ang pagsundo niya. Siya palagi ang naghihintay sa akin at pagkatapos niya akong masundo sa school ay didiretso kami sa The FONT Building para tapusin niya ang mga paper works niya.

At pagpasok naman namin doon ay hindi ko maiwasang kabahan na baka ay makita namin ang mommy niya pero nagpapasalamat ako at si Yvette palagi ang sumasalubong sa amin. Kapag magkasalubong kami ay niyayakap niya ako at tatawaging sissy. Yayakapin naman niya si Ashton and he will kiss her forehead.

At tuwing papasok na kami sa opisina niya ay doon lamang ako mabubunutan nang tinik dahil sa kaba. Isang araw noon ay may meeting si Ashton at sinusundo siya nang secretary niya at palagi niya naman akong sinasama sa meeting niya pero palagi naman akong tumatanggi. It's his meeting at hindi ako kasali doon. Lalo na't baka magkita na naman kami nang mommy niya o di kaya ay ni Olivia.

"Hindi ka talaga sasama?",palaging tanong niya sa akin.

"Dito nalang ako. Lilinisin ko nalang ang office mo when I get bored",ngumiti ako para mapanatag siya. Kumunot ang noo niya at hinalikan niya ako sa labi.

"Wag kang magpupuyat. Mamayang gabi na",aniya sa akin na may pilyong ngiti. Pinalo ko ang kanyang braso na nakadantay sa balikat ko.

"Pumunta ka na nga sa meeting mo. Hindi iyon magsisimula kapag wala ka",sabi ko at tinulak siya palayo sa akin.

"Hindi naman ako makapagconcentrate dahil ikaw ang nasa isip ko na baka anong gagawin mo dito sa office ko",aniya sa akin.

"Wala akong gagawin. I'll be here, sitting. Sige na",pinagtutulakan ko siya hanggang sa makalabas na siya.

Nilingon niya naman ako na may nguso sa mapula-pulang labi niya. Tumawa ako at kumaway sa kanya. Nag flying kiss pa ako at nagkunwari naman siyang sinalo iyon at nag flying kiss din sa akin. Tumawa ulit ako. Sinara ko ang pinto at niligpit ang mga folders na nagkalat sa mesa niya at nilagay sa file holder.

May mga ibang bagay namang nagkalat sa mesa niya kaya pinasok ko ito sa drawer niyang naroon. Magulo ang isang drawer niya kaya nilabas ko ang mga bagay doon ay inayos at pinasok sa loob. Dahil sa daming folder na hawak ko ay may isang itim na folder ang nalaglag sa sahig kaya dali-dali ko itong pinulot at ilalagay na sana sa loob nang drawer ko nang may mapansin akong isang familiar na pirma sa loob nito.

CONTRACT WITH ATTORNEY ALEXANDER VERGARA

The words are written in bold letters. Binasa ko ang naroon at isang bagay lamang ang nagkakuha nang pansin ko. The five million amount of money. At ang mas ikinagulat ko pa ay nakasulat ang pangalan ko doon sa kontrata. Namumuo ang luha sa mga mata ko as I read the whole sentence written on it. Am I for sale? Para ba akong isang manika na pinabibili lang kapalit nang resputasyon ni papa? He lost one of his big cases and to save his reputation as a lawyer ay bininta niya ako to The FONT para doon?.

I continued reading at doon ko nalaman na lolo pala ni Ashton ang naging kleyente ni papa, and they lost dahil binayaran si papa nang naging kalaban nang lolo nila Ashton. His mom is right. Sinungaling nga ang mga Vergara. Sinungaling kami and my papa lied on the court para matalo ang kaso nang lolo nila. He sold me to the Fontanellas' para sa kasong naitalo niya. Am I worth a five million? My father don't need to pay for it dahil ako ang bayad na iyon.

Napaupo ako sa sahig dahil doon at kasabay naman noon ang pagtunog nang pinto pabukas. Hindi ko makita kong sino iyon kaya inipon ko ang lakas ko para maitayo ang sarili at makita kong sino ang pumasok. I wipe the tears in my eyes at hinarap ang taong pumasok. Si Ashton ang inaasahan kong pumasok pero iba ang nakita ko. It's his mother, at nag-iisa lang ito.

"I see you didn't hear our little talk",she smiled bitterly. Napatingin siya sa folder na hawak ko kaya lumaki ang ngisi niya sa labi."So, binasa mo?",tanong niya sa akin.

"Bakit nandito ang pangalan ng papa ko?",matapang na tanong ko. No, this time. Hindi na muna ako magpapa-api. My name and father's name lie on this paper at kailangan kong malaman kung bakit may ganitong kontrata. Oo, nalaman ko but I need confirmation.

SOMETHING LIKE FATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon