🍀Chapter 5🍀

191 3 0
                                    

Pagkatapos nang klase ay kaagad kong niligpit ang mga gamit ko. This is our my last class at uuwi na ako. Ay hindi pa pala. Dadaan muna ako sa The FONT para sa utang ni papa ko. Alas tres pa naman kaya maaga pa. Paglabas ko ay nakita ko si Joyce at kasama niya iyong partner niya sa reporting. Dire-diretso lang ang lakad ko at hindi sila pinansin.

"Hoy! Adri humarap ka!",sigaw niya sa akin kaya pinagbigyan ko siya. Humarap nga ako sa kanya. "Alam mo, ang sama mo. Hindi mo man lang ako binigyan nang sagot kanina sa reporting at napahiya ako sa buong klase",aniya at tinuro-turo pa ako.

"Aba! Kasalanan ko bang bobo ka at wala kang masagot?",taas noong sabi ko sa kanya."Bagay din naman iyan sa manggagamit na gaya mo",at tinalikuran ko na siya.

"ISA KA TALAGANG VERGARA. ANG SAMA NIYO! MGA DEMONYO KAYO!",sigaw niya sa akin.

Napangisi ako na may halong pait. Isa nga akong Vergara at nanalaytay sa ugat ko ang mga pinagagawa nang mga Vergara'ng abogado. Tama ka rin naman Joyce. Isa ngang demonyo ang mga Vergara kasi kung hindi? Hindi ako papalayasin nang sarili kong ama sa pamamahay nang mama ko. I texted Daisy sa mauna na ulit ako.

Daisy:

Ay! Palagi ka nalang ganyan, Adri.

She replied with sad emoji.

Ako:

I have problems to be solve, Daisy. Promise babawi ako.

I replied. May text naman na galing sa kanya.

Daisy:

Okay, ingat. Sana at matapos na iyan. Napangiti ako habang pumapara nang taxi.

"The FONT Holdings Indutries po, kuya",sabi ko sa driver at kaagad naman itong tumango. Medyo malayo ito from our school at medyo traffic pa.

Mag-aalas kwatro na nang nakarating kami sa harap nang building nang The FONT. "Salamat po",nagbigay ako nang bayad kay kuya driver tsaka tumingala sa gusaling nasa harapan ko. Wow, this is big. Mas malaki pa sa Law Firm nang pamilya namin. Pumasok ako sa loob at hinarang pa ako nang guard nila.

"Excuse me po, ma'am. Ano pong sadya niyo dito?",ani nang guard. Wow, sosyal. Guard na pala ang magtatanong niyan , hindi ang front desk nang kompanyang ito?.
"I'm looking for the boss here. Nandito ba siya?",tanong ko sa kanya.

"Opo ma'am, nasa opisina niya",sabi niya. Tumango ako at umambang tatalikuran siya nang hinarang niya ulit ako.

"Ma'am, may appointment ka po ba?",tanong niya ulit. Nakakainis na ah.

Umiling ako. "Wala".

"Naku, ma'am bawal po ang pumasok na walang appointment. Utos kasi nang boss namin",sabi nito sa akin.

"It's urgent. Kailangan kong maka-usap ang boss niyo",medyo tumaas na ang boses ko dahil sa guard na ito. Maraming babae ang napatingin sa akin at umirap. Napatingin naman ako sa aking sarili. Suot ko pa ang uniform nang school namin. Gosh! nakalimutan kong magbihis.

"Ma'am kasi--",hindi nito natapos ang sasabihin dahil ay isang magandang babae ang lumapit sa amin.

"Let her in",utos nito sa guard. Nagdadalawang isip pa ang guard na tumango sa babaeng nasa harapan ko na may dalang blue print. She's an architect!.

"Opo, ma'am Yvette",yumuko ito sa babaeng nasa harapan ko.

"Thank you",sabi naman nito sa guard tsaka bumaling sa akin. "Are you from St. Matthew? I graduated there. Architecture",sabi niya sa akin na may ngiti.

"Yes",sagot ko sa kanya. Totally amaze by her smiles."Thank you kanina. It's really urgent. I need to talk to the boss here",sabi ko sa kanya.

"You mean my brother? Why is it so urgent?",aniya at kumunot ang noo.

Kapatid niya ang may-ari nang The FONT? So it means, they are the owner of this?. Tumawa siya sa matagal na pagsagot ko."Where are my manners. It must be private, huh?",aniya sa akin."Okay, on the last floor naroon ang office niya. Iyong kaliwang pinto",aniya sa akin.

"Baby",tawag naman nang isang lalaki sa kanya.

"Umm. Thank you",sabi ko sa kanya at mabilis na tumalikod para makapasok na sa elevator.
Tumunog ito nang nasa tamang palapag na ako. Lumapit ako sa glass door na nasa kaliwa gaya nang sabi ni Yvette. Yvette kasi ang narinig ko kanina sa guard. Kumatok ako doon bago pinihit ang pintuan pabukas. Wala ba siyang secretary? Napatingin ako sa desk na nasa labas na walang tao.

Nagkibit balikat lang ako. Ang swerte naman. Siguro ay tatanongin na naman ako nito nang 'May appointment ka ba?' tapos sasagot naman ako nang 'wala', paulit-ulit na. Pagpasok ko ay naka talikod sa pinto ang isang mataas na leather swiverl chair, iyon ang una kong napansin. Bumungan sa akin ang magarang opisina nito at ang bango pa. Fresh forets scent.

"Good afternoon, sir. I'm here for my father's debt. Attorney Alexander Vergara",I formally said to the boss. Unti-unting gumalaw nag swiverl chair nito at humarap sa akin na ikinalaki nang mga mata ko.

"IKAW!?",malakas na sigaw ko sa gwapo-supladong lalaki na muntikan na akong masagasaan noong nakaraang araw. Gulat na gulat ako sa nakita ko. Nakitaan ko nang munting pagngisi dito sa manipis niyang labi. Gosh! I wanna taste that lips. Yummy!. Adri get your senses , suplado iyan.....pero gosh ang gwapo.

"Nice to meet you again , Miss Loud mouth'',aniya na nakangising pangsuplado.

SOMETHING LIKE FATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon