🍀Chapter 40🍀

130 1 0
                                    

Sumakay na kami sa yate at si Luke ang nag maneuver nito habang kaming magpinsan ay nakasandal sa railings at nakatingin sa karagatan.

"Anong lugar ito, Pen?",tanong ko sa kanya.

"Port Lucas",sagot niya.

"Saan banda ang Port Luis?",tanong ko sa kanya. Nakitaan ko nang gulat ang kanyang mga mata dahil sa tanong ko pero tinuro niya ang isang direksyon na may nakailaw na malaking bahay. All lights are open at ang liwanag nang buong lugar. May party kaya?

"Nakapunta ka na diyan? That's private property of the Fontanella's",aniya sa akin.

"H-Hindi pa. Narinig ko lang ang lugar na iyan kay Yvette",pagkakaila ko sa kanya. Tumango siya and seems convinced.

Medyo malayo ang Port Moresby patungo sa Port Luis kaysa sa Port Lucas to Port Moresby. Mabilis kaming nakarating doon at bumaba sa yate. Maraming tao ang nakaupo sa white sand nang dagat. Walang entrance fee dito. Magbabayad ka lang tuwing gagamit ka nang cottage. Pero halos naman lahat ay hindi gumagamit nang cottage dahil gabi na at mas maganda kapag sa tabi nang dagat mamahinga.

"Tara na",sabi ni Luke. Kaaad itong nag dive sa malalim na bahagi nang dagat from the wooden long bridge sa kung saan itinali niya ang yate. Malalim doon.

"Whohoo!",sigaw naman ni Ivan sabay talon din at sinundan naman ni Mark at Judith.

"Tara na Adrianna",sabi ni Penpen ay tumalon na rin. Naengganyo ako kaya tumalon na rin ako. Lumangoy sa malayo ang mga pinsan ko kaya sumunod ako sa kanila. Marami rin ang naliligo sa kung nasaan kami kaya hindi ako natatakot na baka amy malaking isda dito.

"Adrianna!",sigaw ni Penpen sa akin.

"Pen!",sigaw ko rin sa kanya at lumangoy papunta sa gawi niya. Maraming foriegner ang lumangoy sa direksyon namin. Mabilis namang lumapit ang mga lalaking pinsan ko sa amin ni Penpen at pinalibutan kami.

"Those are pervert foriegners in this resort",bulong ni Luke sa akin.

"I can sense it. Lalangoy nga sana kami papunta sa inyo",sabi ko sa kanya.

"Tara, layo tayo nang kunti",hinila ako ni Luke at si Penpen naman ay sinabayan ni Judith. Hindi mo kasi masasabi na babae si Judith dahil boy-cut ito at lalaki kung gumalaw. Lumayo nga kami pero unti-unti namang sumunod ang mga foriegner sa amin. Lumapit si Ivan sa amin ni Luke, guarding me from the foreigners while Penpen is with Judith and Mark.

"Tara na. Umahon na muna tayo, let's eat something doon",sabay turo ko sa may mga pagkain na nakahelira sa tabi nang mga puno nang matatayog na niyog.

"Good idea",sang-ayon ni Luke.

"Guys, kain muna tayo!",tawag niya sa kanila Mark. Mabilis kaming umahon at pumili nang mga pagkaing pinoy doon. May biko, puto, casava cake at iba pang lutong pinoy na pang meryenda. May mga barberque rin sa ibang bahagi nang resort.

"Barbeque or ito?",tanong ni Luke sa akin.

"Pwede iyong dalawa?",sabay tawa ko.

"Good choice, Adrianna",tawa ni Penpen sa akin. Bumili kami nang pagkaing pinoy at dumiretso sa barbeque stall para kumain. Tapos na kaming naghaponan pero nagugutum kami dahil sa paglalangoy. Namataan ko na sumunod naman sa amin ang mga pervert foreigners at umupo sila sa katabing bilugang lamesa namin. Nakatitig naman ang isang medyo batang foreigner sa akin at sa kay Penpen.

"Pen",siniko ko si Penpen na nasa tabi ko at abala sa pagkain nang isaw.

"Huh?",tanong niya habang ngumunguya pa. Palihim kong tinuro sa kung nasaan ang mga foreigners. Umiling siya sa akin at bumalik sa pagkain. "Wag mong pansinin. We're safe kasi kasama natin ang mga pinsan natin na.....",she gestures her arm muscle.

Napatawa ako sa kanya. My male cousines are hunk. Malalaki ang katawan at halatang ilang taon itong nagpuyat sa gym.

"Anong binubulong niyo?",tanong ni Judith na nasa tabi ko.

"Perverts",sagot ko na nakuha naman niya kaagad ang sinabi ko. Tumango-tango siya. Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa yate dahil nagmamadali akong umuwi dahil kinakabahan ako sa mga foreigners na iyon.

"My phobia ka ba sa foreigners, Adrianna?",napatanong si Luke sa akin nang nasa yate na kami.

"Hindi naman. Nagmomodelo ako sa Manila at halos kasama ko ay mga foreigners but they're not perverts",sagot ko sa kanya.

He chuckled."Matagal na sila dito. Marami nang narape victim dito pero hindi magawang maipakulong dahil alam mo na, mayaman at makakapyansa",sabi ni Luke.

"That's violence against womens",sabi ko.

"Hayaan mo na",aniya at sumandal sa railings nang yate. Gabi na nang nakauwi kami sa bahay nila. Sinalubong kami nang mama ni Penpen.

"Saan kayo galing? Sobrang nag-alala ang lola ninyo?",bungad niya sa amin. Nagmano muna kaming lahat bago sumagot si Luke.

"Pasensya sa po. Ako na po ang magpapaliwanang kay lola bukas",anito sabay kamot sa ulo.

"Dapat lang. Gabi na at baka ano pang mangyari sa inyo sa gitna nang dagat",anito sa amin at nauna nang umakyat sa hagdanan. "Saan kayo matutulog? Umuwi na sila Jassel, maaga pa raw ang flight nila bukas",dagdag niya, refering to our female cousins na hindi ko nakakasundo.

"Sige po, mom",sabi ni Penpen. "Sa kwarto ko nalang tayo matutulog. Malaki doon, kasya tayo",baling ni Penpen sa amin.

"Sama kami para masaya",singit ni Luke sa usapan.

"Hoy! Boys are not allowed in my room",ani ni Penpen.

"Bakit? E lalaki rin naman si Judith e",sabay akbay ni Mark dito.

Tumawa si Judith sa kanila. "Payag ka na, Pen. Minsan nga lang tayo makatulog kasama si Adrianna, ipagkait mo pa?",ngumuso si Judith.

"Okay fine. Basta no breakings at wag niyong guluhin ang mga gamit ko. Lagot kayo sa akin bukas",inisa-isa niya nang tingin ang mga pinsan kong lalaki.

Nagtawanan kami bago sumunod sa kanya papasok sa kanyang kwarto.

SOMETHING LIKE FATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon