"Ano ba yan! Napaka ingay naman!" Sigaw ni Elly dahil naiirita siya sa mga classmate niya hindi siya makapag concentrate sa pag ma-make up dahil sa napaka-ingay ng mga classmate niya.
"Class President ano ba sawayin mo nga sila!" Sigaw ulit ni Elly.
"Bakit di ikaw sumaway sa kanila?" Sagot ni April. Si April ang tahimik sa lahat sa section nila at syempre matalino din. Siya ang source ng mga classmate niya tuwing may darating na exam.
"Aba sumasagot ka pa!" nilapitan siya ni Elly at akmang sasabunutan siya nito. Huminto naman sa pag-iingay ang mga classmate niya dahil agaw atensyon si Elly.
"Sige subukan mong sabunutan pinsan ko, ako makakalaban mo" dumating naman ang pinsan ni April na si Chantel.
"So what Chantel!? Wag ka mangielam dito!" Sinigawan naman siya ni Elly.
"Tama na Chantel at Elly! Ano ba! Ikaw Elly sumosobra ka na! Edi sana ikaw nalang ang naging class president dito sa room. Sabagay wala kang alam puro pagpapaganda lang ang alam mo diba? Stop this nonsense Elly kung gusto mo ng walang maingay dun ka sa cr mag make-up." di napigilan ni April ang magalit kay Elly. Tama nga naman si April sana si Elly nalang ang naging class president sa room nila.
Hindi na pumatol si Elly kay April dahil natamaan siya sa lahat ng sinabi nito sa kaniya sa halip ay tinarayan niya si April bago umalis kasama ang dalawang niyang kaibigan na sina Jade at Rose.
Ganito palagi ang eksena sa room nila. Minsan napapaisip nalang si April kung bakit dito pa napili ng parents niya na pag-aralin siya. Mahirap maging class president ng isang classroom kung may mga katulad ni Elly ang isa mga classmate mo.
"Okay ka lang ba April?" biglang sumingit naman si Lucas. Alalang-alala dahil sa nangyari kanina.
"Oo, okay lang ako" saka lumakad papunta sa harapan. "Classmates I just wanted to say na wala yung nangyari kanina at sana hindi makakarating ito sa adviser natin. Thank you" tsaka pumunta ulit sa seat niya at umupo. Si April yung tipong babae na tahimik pero nasa loob ang kulo may pagka-nerd naman ang itsura niya dahil sa bangs at napakahaba nitong buhok.
"Chantel ano ba nangyari?" Tanong naman ni Lucas kay Chantel.
"Eh kase 'yong muse natin na sobrang yabang naiingayan sa mga classmates natin, eh biglang tinawag niya si April kase di sinasaway mga classmates natin" sagot ni Chantel.
BINABASA MO ANG
SCHOOL CAMP #Watty'sBestof2018 [COMPLETED]
Horror"Welcome to the bloody SCHOOL CAMP" Date Created: May 03, 2018 Date Completed: May 20, 2018