[CHAPTER 5]

492 26 1
                                    

"April?" napatingin nalang si April kung saan at sino tumawag sa pangalan niya.

"Lucas, ikaw pala" umupo si Lucas sa tabi niya at kasalukuyang nasa library silang dalawa.

"Busy ka ba ngayon? I mean may gagawin ka pa ba?" tanong ni Lucas.

"Bakit mo naman natanong yan?"

"Uhm wala lang kase ano eh..uhm may sasabihin ako sayo"

Anong sasabihin niya?

"Ano yon?" Tanong naman ni April.

"K-kase April matagal na kitang gusto eh since elementary palang tayo. Magkaibigan tayo pero mas gusto ko is higit pa sa magkakaibigan yung turing naten sa isa't-isa"

Gusto rin naman kita Lucas pero hindi muna ngayon...

"Ahm Lucas babalik na ako sa room may gagawin pa kase ako eh" tumayo naman si April at hinawakan naman siya sa braso ni Lucas.

"Don't worry April willing naman ako maghintay if di ka pa ready. So okay lang ba sayo?" saka tumayo din si Lucas.

Tumango nalang si April at tinanggal ang kamay ni Lucas sa braso niya. Totoong matagal na rin niyang gusto si Lucas pero may mga pangarap pa siya sa buhay. Lumabas na siya ng library at naglakad papunta sa room nila nang tawagin siya ni Elly.

"Hey bitch" saka lumapit si Elly kasama si Jade at Rose sa kaniya.

Ano na naman problema nitong mga 'to?

"Bakit?" yan lang ang tanging sagot ni April kay Elly.

"Alam mo ba ang basurang tinapon ko eh pinulot pa ng iba?" kumunot na naman ang noo ni April at halos di niya maintindihan ang sinabi ni Elly.

"Anong pinagsasabi mo?"

"Wow! Wala kang alam? Yang pinsan mong malandi ay boyfriend niya yung ex ko"
Nagulat si April sa sinabi ni Elly pero hindi siya naniwala at nagpatuloy na siya sa paglalakad.

"Jade ipakita mo sa kaniya yung video" napahinto nalang siya sa paglalakad dahil sa sinabi ni Elly.

Lumapit na sa kaniya si Jade at binigay ang cellphone niya at ipinakita ang video nila Chantel at Charlie na magkasama.

Nanlaki nalang ang mga mata ni April dahil kasama ni Chantel si Charlie.

Bakit Chantel?..

"Ano? April sabihan mo 'yang malandi mong pinsan na hindi talaga siya mahal ni Charlie. Kawawang April--" binalik na ni April ang cellphone tsaka bumalik na sa room nila pero wala na doon si Chantel.

SCHOOL CAMP #Watty'sBestof2018 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon