Alas kwatro palang ay naghanda na si April ng babaunin nila para sa camping nila mamaya buti nalang nagpadala ng pera ang mama ni Chantel pero hindi pa rin niya nakakalimutan ang ginawa ni Chantel sa kaniya.
*Flashback*
"Bakit mo ba ako pinapakeelaman ate!? Alam mo sakal na sakal na sayo!" sigaw ni Chantel kay April
"Ayoko lang naman kaseng lumalapit ka kay Charlie, ayokong ma-BI ka niya" sagot naman ni April.
"Please ate pagbigyan mo na ako, please.." nagsimula namang humikbi si Chantel.
"Hinde Chantel! Sasabihin ko talaga sa mga magulang mo yung vide--"
Paaak!
Isang malutong na sampal ang binitawan ni Chantel kay April.
"A..ate..s..sorry, hindi ko sinasadya.."
At lumabas si April ng Dorm nila.
*End of Flashback*
Umiiling-iling nalang si April kapag naalala niya yon at kailangan na niyang bilisan dahil maya-maya susunduin na sila ng school bus.
Lumapit naman si April kay Chantel para gisingin.
"Chantel..bangon na, maligo ka na" habang tinatapik niya ang braso ni Chantel.
Bumangon naman agad si Chantel at humarap naman ito kay April.
"Ate sorry dahil nasampal kita.."
"Sige na maligo ka na ihahanda ko lang yung mga damit natin" saka tumayo at hinanda ang mga susuotin nilang damit. Mga dalawang araw sila sa Camp Woodville kaya maraming damit ang inihanda ni April.
Sumunod naman si Chantel at pumasok na siya sa banyo at naligo.
Sorry Chantel pero di pa rin kita mapapatawad..
Saka inilagay ang mga damit nila sa maleta. Hinanda rin ni April ang mga pagkain at pinagkasya din ito sa maleta.
Chineck ulit ni April ang mga dadalhin nila, pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na si Chantel maligo at nagbihis na ito.
BINABASA MO ANG
SCHOOL CAMP #Watty'sBestof2018 [COMPLETED]
Horror"Welcome to the bloody SCHOOL CAMP" Date Created: May 03, 2018 Date Completed: May 20, 2018