[CHAPTER 12]

349 16 2
                                    

A/N:
    Ano kaya mangyayari kay Elly? Hmm.

***

"Aaaaaaarrrgggghh!!" halos maubusan na ng boses si Jade dahil sa sakit na nararamdaman.

Matapos hiwain ang kanyang dibdib ay dinukot naman ang magkapareho niyang mata at pinagkakain na para bang hayop.

Nagising nalang si Elly dahil sa sigaw ni Jade. Nagulat na lamang siya na puro dugo na ang bumabalot sa katawan ni Jade.

"J..jade!!" saka lumingon sa kaniya ang lalaki.

"A..anong g..ginawa m..mo sa kaniya!! H..hayop ka!!" pinipilit ni Elly na makakawala sa pagkakatali ng kaniyang kamay.

"E..elly.." walang buhay nang tawagin ni Jade si Elly.

"W..wag ka mag-alala Jade, m..makakawala tayo d..dito" pinilit ulit ni Elly na makakawala ngunit sadyang napaka higpit ng pagkakatali sa kaniya.

Kaba at takot rin ang nararamdaman ngayon ni Elly dahil baka siya na ang isunod at gawin din sa kaniya ang ginawa ng lalaki kay Jade.

Hiniwa na ng lalaki ang katawan ni Jade mula sa gitna at pagitan ng kaniyang dibdib, pababa naman sa kaniyang tyan, duon nalang sumuka ng dugo si Jade at bumulwak naman ang mga lamang loob nito.

"Jade!!!!" sigaw ni Elly. Gusto niyang masuka dahil sa ginawa ng lalaki kay Jade. Tumulo na rin ang luha sa kaniyang mata at mariing pumikit.

Lord tulungan niyo po ako..

Walang magawa si Elly kundi panoorin ang lalaki kung paano kainin ang mga lamang loob ni Jade, iniisip niya na kasalanan niya ang lahat kung bakit sila nadukot at pinatay si Jade. Naalala nalang niya bigla ang pinainom sa kanila ni Mr. Chung na juice at bigla nalang sila nakatulog kaya sila nandito.

Pinain kami ni Mr. Chung? Pero bakit..

Sambit niya sa sarili niya. Matapos din ang ilang minuto tapos na kumain ang lalaki at umalis ito, pagkakataon na ni Elly para makatakas.

"Isip..isip.. Elly" bulong niya sa sarili.

Dahil sa sobrang higpit ng pagkakatali sa kamay niya, naisip niya na pwede niyang pasmahin ang kaniyang kamay kahit papaano ay dumulas ito at madali niyang matatanggal ang mga kamay niya.

Mainit sa loob kaya madali niyang mapapasma ang kaniyang mga kamay buti nalang at puro pawis na rin ang kaniyang katawan.

"Yes.." natanggal na niya ang isa niyang kamay sa pagkakatali.

Matapos din ang ilang minuto ay natanggal na rin ang isa niyang kamay sa pagkakatali at tumakbo agad siya sa pintuan.

"Sh*t!* magtatamgumpay na sana siya pero naka-lock ang pintuan. Naghanap siya ng posibleng daanan palabas.

Nakita niya ang bintana pero hindi niya alam kung magkakasya ba siya o hinde.

"Bahala na.." pumatong siya sa lamesa at muling tinignan si Jade.

SCHOOL CAMP #Watty'sBestof2018 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon