[EPILOGUE]

471 15 1
                                    

Makalipas ang sampung taon. May trabaho na si April at ang kapatid nitong si Chantel. Syempre naging asawa naman ni April si Lucas.

Masaya namang nagsasama sina April at Lucas. Si Chantel naman ay nagkaroon ng nobyo sa ibang bansa at pansamantalang namamalagi duon.

"Mama!Papa!" isang bata ang lumapit kay April at agad naman niyang binuhat.

"Bakit anak?" tanong ni Lucas.

"Mama nakita ko kayo sa tv" nagtaka naman si April sa sinabi ng anak niya.

"Maganda kasi mama mo kaya nakita siya sa tv" pagbibiro ni Lucas.

"Ano ba mahal! saan anak?" tanong ni April.

"Dito po mama" saka binaba ni April ang anak niya.

Saka sinundan ni April ang anak niya at pumunta sa sala.

"Ayun po ma oh!" tinuro ng bata ang tv at totoo nga pinalabas sa tv ang interview nilang tatlo noong nakaligtas sila sa camp woodville.

"Patayin niyo yan!" biglang naghisterikal si April.

"P..patayin niyo! Papatayin niya tayo!" saka sinabunutan ang sariling buhok.

Pinatay naman agad ni Lucas ang tv at natakot naman ang anak niya.

"Okay lang si mama, baby. Don't be scared" sabi ni Lucas.

"I'm worried po kay mama" sabi ng anak nila.

Sa sampung taon na nakalipas dahil sa insidente na nangyari sa kanila sa camp woodville ay siya namang pagkakaroon ng trauma ni April kapag ipinapakita sa tv ang interview nila.





Hanggang sa lumaki ang anak nila hindi pa rin nawawalan ng trauma si April kaya hangga't maaari ay gumagawa ng paraan si Lucas para hindi na maalala 'yon ni April.

"Mama! Papa!"

"Yes baby?"

"Papa, I'm not baby anymore" nakasimangot na sagot ng anak nila.

"Its okay, baby ka pa rin namin ng papa mo" sabi ni April.

"Fine. Fine. sana payagan niyo ko mama at papa"

"Para saan naman anak?" tanong ni April.

"Para sa field trip namin" sabi ng anak niya.

"Fieldtrip saan?" tanong ni April.

"Eastville po mama" sabi ng anak niya.

"A..ahm sure sige, ikaw papayagan mo ba anak mo mahal?" tanong niya kay Lucas.

"Ofcourse mahal" nakangiting sagot ni Lucas.

"Yeheeey! Thank you mama at papa!" saka nagtipa ulit sa cellphone ang kanilang anak.

Hindi sana papayagan ni April ang anak niya pero alam naman niya wala namang mangyayaring masama. Pagkatapos nilang maghapunan ay pinapasok na ni April ang kanilang anak ni Lucas sa kwarto at pinatulog at ganun din ang ginawa ni April.

"Mahal?" tanong ni April.

"Bakit mahal?"

"Ang saya ko lang" nakangiti na wika ni April.

"Talaga? so, gusto mo pa ng kasunod?" Pabiro naman ni Lucas.

"Hahaha! Ano ka ba! Hindi 'yon basta masaya lang ako dahil kasama kita at nagkaanak tayo" sabay yakap kay Lucas.

"Ganun din naman ako mahal. Di ko kayo iiwan ng anak natin. Tsaka kailangan na natin matulog may trabaho pa tayo bukas" bilin ni Lucas.

Tumango naman si April dahil ang totoo hihintayin niya matulog ang asawa niya. Pagkatapos ng ilang minuto tinignan niya ang asawa niya kung tulog na talaga.

Saka siya tumayo ng dahan-dahan at kinuha ang laptop na ginagamit ng asawa niya. Nagtataka lang kase siya sa sinabi ng anak nila na magfi-fieldtrip ito sa Eastville.

Agad naman niyang sinearch ang Eastville. Maganda ito at medyo magubat din pero din na mga hayop na nakakulong.

Pero may isang artikulo ang umagaw pansin sa kaniya.

'Eastville one of the best tourists spot, Dahil sa puro rare at unknown animals ang nandito. Eastville is also known as a Camp Woodville pinasara ito at binili ni Ms. Analyn Mendoza at ginawang tourists spot ng mga hayop'

Nanlaki nalang ang mata ni April dahil sa nakitang artikulo sa internet.

H..hinde!

The End

SCHOOL CAMP #Watty'sBestof2018 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon