[CHAPTER 9]

360 19 9
                                    

"Alam mo anak proud na proud ako sayo" habang hinahaplos ang mukha ng lalake ang buhok ng kaniyang anak.

"Naka-tatlo ka kaagad ng isang araw. Pasensiya na kung pinatagal ko yung araw na makakain ka ng tao"
Niyakap siya ng kaniyang anak.

"Gaganti tayo sa mga taong umapi sayo at sobrang napaka-walang hiya nila dahil nakuha pa nilang sunugin ang mukha mo!"
Galit na galit naman ang matandang lalaki dahil sa ginawa ng tao sa anak niya.

"Wag ka mag-alala anak pwedeng-pwede mo na ulit silang ubusin at kainin" saka tumango naman ang lalaking sunog ang mukha sa kaniyang ama.





"Pinapangako namin sa'yo anak na palalakihin ka namin na mabuti"

"Mahal na mahal ka namin ng papa mo"

"Babalik din naman kami wag ka mag-alala ha?"

"Pero papa sino mag-aalaga sakin dito?"

"Nandyan naman si yaya Elda mo"

"Sige na pakabait ka ha"

At tuluyan nang umalis ang mga magulang ng bata.

"Mama! Papa!" napabalikwas nalang ng bangon si April sa kaniyang higaan.

"Panaginip" sinabutan naman niya ang kaniyang ulo, buti nalang walang nagising sa sigaw niya.

Tumingin siya sa orasan at alas-tres palang ng madaling araw.

"Hay, makalabas nga muna" lumabas muna siya at nakaramdam na rin siya na kailangan na niyang umihi.

Pumunta na siya sa cr at may naririnig siyang kaluskos sa labas. Mabilis naman naisuot ang kaniyang suot at lumabas agad.

Narinig niya na may nag-uusap.

"Sino yan?" nilapitan niya kung saan nanggaling yung tunog.

"Sige babe! Ooh! Ohhh! bilisan mo.." ngayon nakarinig na siya ng ungol.

SCHOOL CAMP #Watty'sBestof2018 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon