[CHAPTER 17]

310 11 1
                                    

Malapit na maghatinggabi sa camp woodville at sina Lucas at April ay patuloy pa rin sa paghahanap kay Charlie at Chantel.

"Wag ka maingay.." suway ni Lucas at pinakiramdaman ang buong paligid.

"B..bakit?"

"Ssshhh"

"Charlie bilisan mo!"

Nakita ng dalawa sina Charlie at Chantel tumatakbo papunta sa lugar nila April at Lucas.

"Chantel!" niyakap naman agad ni April si Chantel.

"Ate! Buti naman okay lang kayo" niyakap din niya ang ate April niya.

"A..ate kailangan na natin makaalis dito baka maabutan tayo dito ng lalaki" pagmamadali ni Chantel.

"Si Elmer.." Sabi Lucas.

"Elmer? May pangalan pala ang hayop na 'yon" singit ni Charlie.

"Oo nahuli namin si Mr. Chung at kinuwento niya ang tungkol sa kanila ni Elmer" sagot ni Lucas.

"Tara na" singit din ni April.

Tatakbo na sana sila ng makarinig sila ng tunog ng chainsaw at nasa harapan na nila si Elmer.

"Takbo!" sigaw ni Lucas.

Nakatakbo na silang tatlo pero na-chainsaw na agad ang likod ni Charlie.

"Aaaaaaaaaahhhhhhhhhh!!" sigaw ni Charlie dahil sa pagkakahati ng likod niya gamit ang chainsaw.

"Charlie!!" sigaw ni Chantel at lalapitan sana niya si Charlie pinigilan siya ni April.

"Charlie!! Bitiwan niyo ko!!"

"Chantel ano ba! Patay na si Charlie!" tumatakbo pa rin silang tatlo para makalayo kay Elmer.

Umiiyak si Chantel dahil sa nangyari kay Charlie. Mahal na mahal niya si Charlie at ang akala ay di siya iiwan nito.

Nakarating naman ulit sila sa lumang bahay, madilim at ibig sabihin wala ng kandila na nagsisilbing liwanag sa loob.

"A..anong gagawin natin dyan?" tanong ni April habang inaalalayan si Chantel.

"Papatayin natin sila" pumasok na si Lucas sa loob at sumunod si April.

Kinuha naman ni Lucas ang cellphone at binuksan ang flashlight na magsisilbing liwanag sa loob ng bahay.

Habang sina Chantel at April naman ay hinihintay si Lucas.

Pumunta muna sa kusina si Lucas at nakakita siya ng isang galon ng gaas at isang posporo.

Sumunod sa lugar na parang bodega at kumuha ng itak at mga ilang din panali.

Natapos na kumuha ng ilang gagamitin si Lucas at agad siyang pumunta kina April at Chantel.

"Anong plano mo ngayon?" Tanong ni April.

"Ganito kailangan isa sa atin ang magpapain kay Elmer"

"Ano? Nababaliw ka na ba!?" sagot ni Chantel.

"Alam naman natin na ayaw pa natin mamatay tapos ganyan pa yung plano mo!?"

"Chantel, makinig ka muna ok? gagawin ko 'tong plano natin bago sumapit ang umaga kailangan natin sunugin ulit si Elmer at patayin. Yun lang ang tanging paraan" sagot ni Lucas.

"Paano si Mr. Chung?" tanong si April.

"Pag nakalabas na tayo dito saka tayo magrereport sa mga pulis" tumango-tango nalang si April at naiintidihan niya ang plano ni Lucas.

"Tara tulungan niyo ko sa labas" saka lumubas si Lucas dala ang gamit na kinuha niya sa loob.

May nakita siyang dalawang puno na magkahiwalay at tamang-tama ang haba ng tali niya.

Tumulong naman si April at sinimulan talian ang puno para kapag maging ipapain ni April ang sarili niya ay mapapatid si Elmer.

"Okay na ba?" tanong ni Lucas.

"Oo okay na Lucas" sagot ni April.

"Sige maya-maya na natin sisimulan ang plano"

Tumango naman si April at pumasok ulit sa loob, nakita niya si Chantel na nakatulala.

"Chantel? Okay ka lang ba?" tanong niya ngunit nakatulala pa rin ito.

"Chantel?" tawag ulit sa kaniya ni April.

"S..si Charlie.." biglang napaluha si Chantel dahil sa nangyari kay Charlie.

"Chantel wala na siya.. Magiging okay din ang lahat" sagot ni Lucas.

"Kailangan mapatay na natin si Elmer bago pa na niya tayo maabutan at bago pa siya mambiktima ulit" sabi ni Lucas.

Handa na silang tatlo para sa plano at alam nilang hinding-hindi sila papalpak.

A/N:
    Chapter 20 will be the Epilogue guysuuu~

SCHOOL CAMP #Watty'sBestof2018 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon