"Tulungan mo 'ko anak.." pagmamakaawa ni Mr. Chung sa anak niya na nakatayo sa harapan niya.
"Pagkain.." nagulat nalang si Mr. Chung dahil narinig niyang nagsalita ang anak niya.
"Oo anak ikukuha kita ng pagkain, pakawalan mo lang ako dito" pagmamakaawa ulit ni Mr. Chung.
"Hindi..mo..ako..tulong..sa..pagkain..ko!" itinaas ni Elmer ang chainsaw at sumigaw naman si Mr. Chung.
"Teka wag! Anak! Parang awa mo na tutulungan kita maghanap ng pagkain mo.." pinipilit niya ang anak niya na pakawalan siya sa pagkakatali na ginawa nina Lucad at April.
Pinatay ulit ni Elmer ang chainsaw at pinakawalan ang tatay niya. Tumayo agad si Mr. Chung at kinuha agad ang chainsaw.
"Sige! Balak mo pa ako patayin! Samantalang ama mo 'ko at ako nagpalaki sa'yo!" saka pinaandar ang chainsaw.
Napaatras nalang si Elmer dahil nakatutok sa kaniya ang chainsaw.
"Papa..wag..po" pagmamakaawa naman ni Elmer.
"Tama nga sabi nila dapat pinarehab nalang kita! Para di na ako nahihirapan ng ganito!" itinaas niya ang chainsaw at agad namang naagaw iyon ni Elmer.
Nag-aagawan na silang dalawa ngayon sa chainsaw. Hanggang sa naagaw na ni Elmer ang chainsaw.
Hinati agad ni Elmer ang katawan ng kaniyang ama sa kalahati, nagsimula sa ulo hanggang sa pababa. Bumulwak naman ang dugo at bumagsak ang hating katawan ni Mr. Chung.
Ngayong wala na ang kaniyang ama umalis na ulit siya at hanapin sina Lucas, April at Chantel nalang ang natitira pero ang hindi alam ni Elmer na may plano sila.
"Ano na Lucas? Malapit na mag-umaga"
"Sige na tara na. Pumunta ka na sa gubat at hanapin mo si Elmer at tumakbo ka papunta dito ok?" bilin ni Lucas kay April.
Kinakabahan naman si April pero para na rin sa kanila ang gagawin niya. Kailangan na talaga nilang mapatay si Elmer at ipasara itong lugar na 'to para wala ng mabiktima na paaralan at iba pang estudyante.
"Ikaw Chantel hahampasin mo ng malakas si Elmer at siguraduhin mo na hindi siya makakagalaw ok?" bilin ni Lucas kay Chantel.
"Opo kuya Lucas" sagot ni Chantel.
"Sige tara na labas na tayo" saka lumabas silang tatlo.
Si Lucas at Chantel naman ay nasa gilid ng punong tinalian nila.
"Sige na mag-iingat ka April" saka hinalikan siya ni Lucas sa labi.
"O..oo" napangiti nalang si April at tumakbo sa masukal na gubat at hinanap si Elmer.
Pagkatapos niyang tumakbo ay naglakad na siya saka sinigaw ang pangalan ni Elmer.
"Elmer!" tawag ni April.
"Nandito ako! Elmer!" saka natapakan niya ang lamang loob ni Charlie.
Nasuka naman siya dahil sa lamang loob at dugo na nakakalat sa lupa.
Maya-maya may narinig siyang nagpaandar ng chainsaw sa harapan niya, hudyat na narinig ni Elmer ang tawag ni April sa kaniya.
Nanlaki naman ang mga mata niya dahil tumatakbo ito papalapit sa kaniya.
Tumakbo rin siya papunta sa lumang bahay. Iwinawagayway naman ni Elmer ang chainsaw para mahati agad niya ang katawan ni April ngunit mabilis tumakbo si April.
Malapit na silang dalawa makarating sa lumang bahay at tinawag niya sina Lucas at Chantel.
"Lucas! Chantel!" nakikita na ni April ang lumang bahay at yung lubid sa puno at saka tumalon siya para di siya mapatid.
Si Elmer naman ay patuloy sa pagtakbo pero di niya nakita ang lubid, napadapa nalang si Elmer at natumba, nabitawan niya ang chainsaw na hawak niya.
"Chantel bilis!" nilapitan agad ni Chantel si Elmer at pinaghahampas ng bakal sa likod, malakas ang bawat paghampas niya at siniguradong di na ito makakagalaw.
"Okay na ba Chantel?" tanong ni Lucas.
"O..oo kuya" saka tumabi sa gilid si Chantel at binuhusan ng gas si Elmer habang nakahandusay sa lupa.
Binuhos niya ang dalawang galon ng gas at nagsindi ng posporo pero biglang hinawakan ni Elmer ang paa ni Lucas!
"Lucas!" pilit na tinatanggal ni Lucas ang kamay ni Elmer.
"Bitawan mo siya!" saka tinaga ni April ang kamay na nakahawak sa paa ni Lucas at agad namang naputol 'yon.
Nagsindi ulit ng posporo si Lucas at binato yon kay Elmer at agad naman itong nagliyab.
"Lumayo kayo!" nagsama-sama silang tatlo sa gilid at pinagmamasdan ang nasusunog na katawan ni Elmer.
"Aaahhhhhh!! Tulong!! Tulong!!!" sigaw ni Elmer. Tumayo ito at nagpatakbo-takbo ito kung saan.
Unti-unting nalalapnos ang bahagi ng katawan ni Elmer at kasabay naman ang pagtumba niya ulit sa sahig habang nagliliyab pa rin ang katawan niya.
"Ate.." saka niyakap ni Chantel si April.
"Tapos na Chantel..tapos na.." niyakap din niya si Chantel.
"Mag-uumaga na, kailangan na natin umalis dito" sabi ni Lucas.
Agad naman silang naglakad at nilisan ang lumang bahay pati na rin si Elmer na nagliliyab pa rin ang katawan.
Laking pasasalamat nila April at Chantel kay Lucas dahil sa plano niya. Sa wakas ay makakauwi na rin silang tatlo.
Sa labindalawang seksyon ng Gekkō University at anim na raang estudyante ay silang tatlo lang ang nakaligtas.
A/N:
The End is Near.
BINABASA MO ANG
SCHOOL CAMP #Watty'sBestof2018 [COMPLETED]
Horror"Welcome to the bloody SCHOOL CAMP" Date Created: May 03, 2018 Date Completed: May 20, 2018