[CHAPTER 19]

360 10 0
                                    

Habang naglalakad silang tatlo ay nahagip ng mga mata ni Chantel ang picture frame ni Charlie at ang mga magulang nito.

"Ano 'yon Chantel?" tanong ni April.

"Y..yung picture frame ni Charlie.." saka pinulot 'yon ni Chantel.

Di naman niya maiwasang umiyak dahil sa pagkamatay ni Charlie.

"Bakit si Charlie pa ate.." saka niyakap siya ni April.

"For sure binabantayan ka ngayon ni Charlie" sabi ni Lucas.

"Magiging okay din ang lahat Chantel, wag ka ng umiyak" saka naglakad ulit sila.

Habang naglalakad ulit ay narinig silang helicopter mula sa itaas at laking tuwa naman nila na may mga tutulong na sa kanila.

"Tumawag ako sa 911 ate nung nagkaroon ng signal yung phone ko" nakangiti na sambit ni Chantel.

"Talaga? Salamat Chantel"

Natigilan nalang sila ng may lumapit na mga pulis sa kanila.

"Kayo ba yung mga taga Gekkō?" tanong ng pulis.

"O..opo kami nga" sagot ni April.

"Sige halina kayo't buti nalang ligtas kayo. Ikwento niyo ang buong nangyari sa inyo"

Tumango naman ang tatlo at agad namang sumama sa pulis. Nakarating na sila sa "welcome" sign ng Camp Woodville at maraming pulis ang nandoon.

May mga ambulansiya rin na dumating pero laking tuwa nalang ni Chantel na nakita niya ang mama at papa niya.

"Mama! Papa!" niyakap naman agad ni Chantel ang mga magulang niya.

"May mga magulang din ang nandito pero nandoon na sila para hanapin yung mga anak nila na namatay" sabi ng papa ni Chantel.

"Buti naman nakaligtas kayo anak! Kinabahan kami ng papa mo" sabay halik sa noo ang ginawa ng mama ni Chantel.

"April" tawag ng mama ni Chantel.

"Po.."

Lumapit agad si April at niyakap siya ng mama at papa ni Chantel.

"Maraming salamat sa'yo April"

Niyakap din naman agad niya ang mga magulang ni Chantel at natuwa naman siya sa sinabi ng papa ni Chantel.

"Wala po 'yun tito, tita" nakangiti niyang sabi.

"Wag mo na kaming tawaging tito at tita iha" nakangiting wika ng Mrs. Cruz.

SCHOOL CAMP #Watty'sBestof2018 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon